PART 4

43 0 0
                                    

Nasa Mall ngayon sina Almira at ang kanyang uncle. Habang hinihintay niyang makabalik ito at si Chang Yumi na kakaalis lang para kunin ang wallet at cellphone sa sasakyan. Kahit na gustuhin niyang siya na lang ang kumuha ay ayaw din naman ng kanyang uncle.

15 minutes ng naghihintay si Almira sa kanyang kinauupuan ay wala parin ang dalawa hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone. Pangalan ng kanyang uncle ang nakalista sa screen kaya agad niyang sinagot ito.

"Uncle saan na po kayo? Bungad ng dalaga mula sa kabilang linya.

"Si chang mo 'to pasensya kana Almira kailangan na naming umuwi ng uncle mo medyo sumama ang pakiramdam niya.

"Sige chang susunod na ako, painumin mo agad ng gamot si uncle, pag-alalang tugon ni Almira.

"Maayos na ang uncle mo 'wag kana raw mag-alala. Kailangan niya lang ng kaunting pahinga. Mag-enjoy kana lang daw diyan habang may libreng oras ka, bukas monday na naman Almira kaya mag shopping kana muna, bye! ingat!

call ended...

"Hello! chang! patay binaba na, shopping? magsasayang lang ako ng pera bibilhin ko na lang ng gamot ni uncle kaysa bumili ng kung ano-ano, ani ni Almira at pagkatapos ay lumabas na siya sa isang fastfood.

Naglalakad siya ngayon hanggang sa napadaan siya sa isang department store. Napansin niya ang isang dress na mukhang gusto niya ang kulay at style. Hinawakan niya ito at napangiti ng may lumapit sa kanya.

"Hi mam," gusto niyo po ba? sa ganda niyo po babagay po iyan sa inyo.

"Ahh-ehh kulang ang budget ko miss, ganda lang talaga ang mayroon ako hehehe, tsaka na lang kapag may sapat na pera na ako, nag vow na lang si Almira at nagpasalamat sa babae at lumabas na siya ng store.

"Pakibalot na lang 'yan miss kukunin ko.

Nagulat ang babae dahil bigla na lang sumulpot sa kanyang likuran si Miguel.

"Thank you sir! balik po kayo! sabi ng babae.

Samantala nasa skelator na ngayon si Almira. Hawak nito ang kanyang camera habang kinukunan ng mga picture ang mga nakikita niyang kaaya-aya sa kanyang paningin.

Ikahuling shot niya ay nagulat siya ng mahagip ng kanyang camera ang lalakeng pamilyar sa kanya. Kaya naman muli niyang binalikan ng kanyang mga mata ang pwesto kong saan naroroon ang first love niya. Nakatayo ito habang nakatingin sa kanya.

"Hi baby! bungad sa kanya ni Miguel, may kalakasan din ang kanyang boses kaya napatingin sa kanya ang atensyon ng mga nakasakay sa skelator.

Nagsign naman si Almira na 'wag maingay pero hindi siya nito pinakinggan.

"Tinkerbell gusto mo bang dito tayo ikasal!? habang nakasakay tayo sa skelator masaya iyon diba misis ko?

"Oo na! masaya nga iyon Miguel! sagot ng dalaga para matigil na ang kabaliwan ni Miguel. Hinintay niya ito sa baba at pagkatapos ay hinila niya ito sa lugar kung saan kunti lang ang tao.

"Nasisiraan kana ba ng bait? ang dame kaya ng tao kanina sa skelator tapos sisigaw ka lang bigla?

"Ohh para sa'yo! sabay abot nang paper bag.

"Ano ito?

"May malapit na cr banda roon, magpalit ka ng damit may date tayo ngayon.

"A-ano?" gulat na tanong niya.

"Bilis na baka magbago pa ang isip ko, hihintayin kita rito. Aniya at tinaboy nito si Almira.

Medyo nabored na ng kunti si Miguel sa kakahintay kaya hindi ito mapakali sa kanyang pwesto.

"Tagal naman nang babaeng 'yon, mga babae talaga napakatagal kumilos, bulong nito habang pabalik-balik sa paglalakad.

"Miguel!"

Napalingon ang binata nang marinig ang boses ni Almira. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

From head to toe tinitigan ni Miguel si Almira. Hapit na hapit ang suot niyang dress na 1 inch above the knee ang haba. Kaya litaw na litaw ang kaseksihan ng dalaga. Ang pagdala niya ng mataas na takong habang suot ang napili nitong sandal na nagpaakit sa kanya. Papalapit ang dalaga sa kanya habang nakatitig parin ng malagkit.

"Hindi ko sana susuotin ang dress na ito kaso kamukha nito 'yong dress na gustong-gusto ko sa department store.

"Pinapunta ako ni tito rito para magdate tayo, tinawagan niya ako at saktong nandito rin ako kaya pinuntahan kita. Nakita kitang papunta ka sa department store kaya sinundan kita at nakita kong gusto mo ang damit na 'yan kaya binili ko para sa'yo.

"Hayaan mo babayaran kita kapag may pera na ako. Kagagawan ba 'to ni uncle? ibig sabihin sinadya nilang umalis kanina.

"Ganoon na nga siguro, kaya ano pang hinihintay natin? let's go! Sabay hablot ng kamay ng dalaga.

"Pilyo din talaga si uncle naisahan na naman niya ako, bulong niya.

Naglalakad sila ngayon, naiilang naman si Almira dahil kanina niya pang napansin na everytime na may nakakasalubong silang mga tao ay napapatingin sa kanilang dalawa.

Naramdaman niyang inakbayan siya ni Miguel na kanyang ikinagulat.

"Maganda ka kasi misis ko kaya pinagtitinginan tayo, hahahaha! malakas nitong halakhak.

"Talaga ba? tanong niya at humarap siya kay Miguel sabay pisil sa magkabilang pisngi ng binata. Ang gwapo-gwapo rin naman kasi ng Mister ko eh, diba Mister ko?"

"Ahhhhh hahahaha! Oo naman misis ko.

"So sweeetttt," ahhhhh nakakainggit sila. Sabi ng isang babaeng nakasalubong nila.

"Tara! sabay hila kay Almira.

"Saan naman tayo pupunta?

Hindi siya sinagot ni Miguel bagkos hinawakan niya ang dalaga sa kamay at hinila ito papunta sa elevator.

"Oy swerte natin Almira, sabay ngiti ng malapad at humarap sa dalaga.

"B-bakit? a-ano bang ginagawa mo? lumayo siya ng kunti kay Miguel.

"Ayaw mo? tayo lang dalawa dito sa loob ng elevator. Tinitigan niya si Almira habang lumalapit sa dalaga. Bagay na bagay sa'yo ang suot mo, kaya pala ang daming nakatingin sa'yo kanina.

"Maganda talaga ako, confident niyang sabi kay Miguel at kanya ring tinitigan ang binata.

"Gwapo ako?

"Hmmm, medyo.

"Bakit medyo? dapat oo ang sagot mo. Tingnan mo ng mabuti ang mukha ko baka naduling ka lang o kaya malabo na talaga ang mga mata mo. At nilapit niya ang kanyang mukha na parang mahahalikan na si Almira.

Hindi naman maigalaw ng dalaga ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya nabalot ng napakalamig na yelo ang kanyang buong katawan.

Huminto ang elevator. At bigla itong bumukas.

Isang lalake ang unang pumasok habang nakatingin sa kanila. May mga kasunod din ito.

"Sayang hindi natuloy! ikikiss niya na sana eh! bulong ng isang babae sa kasama na kakapasok pa lang.

"Naku ang gwapo niyo naman po sir, Tsaka maswerte din po kayo sa girlfriend niyo bukod sa sexy maganda pa! sabi naman ng kasama ng babae na halatang may pagkamaharot.

Humiwalay naman ang dalawa at napapangiti na lang sa mga pumapasok sa loob ng elevator.

Maya-maya ay may isang lalake ang pumasok may katangkaran ito at tumayo ito malapit kay Almira.

"Excuse me! asawa niya ako, mahinang sabi ni Miguel at sumiksik ito sa gitna ng lalake at ni Almira.










__________________________________________________

A/N: Luko rin itong si Miguel napakadamot..hahahaha!!




MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon