My Fraudster Wife♡♡♡
EPISODE 11 [Part 5]
"I'm not talking to you and don't call me tito!malakas niyang sigaw kay Almira at kanya itong sinamaan ng tingin. Natakot naman ang dalaga pero hindi ito nagpadala.
"Sorry po, pero hahanapin ko parin ang anak ninyo. Kasalanan ko kung bakit napahamak siya. Mangiyak na binitawan ang salitang iyon at muling sinulyapan ang mag-asawa. Habang si Miguel ay nakatunganga lang sa kanila na hanggang ngayon ay blangko parin ang mukha.
"Miss Almira, wala kang kasalanan kung bakit nangyayari ito ngayon kay Yibo. Wala kang alam sa mga nangyayari dahil ang totoo tungkol ito sa pagkamatay ng mga magulang mo kung bakit nawawala si Yibo. Sa palagay ni secretary Ja nagkamali siya ng salitang pinakawalan ngunit wala ng panahon para ilihim pa sa dalaga ang totoong nangyari.
Nanlaki ang mga mata ni Almira dahil mas lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.
Napaupo si Mayro at kusang inuntog ang ulo sa kanyang upuan. Samantalang si Miguel ay hindi parin makapagsalita dahil hindi rin siya makapag-isip ng tama.
"Pasensya kana Almira kung nasigawan kita kanina. Masyadong mainit ang ulo ko dahil nag-aalala ako sa anak kong si Yibo. Hindi ko alam ang gagawin kapag may masamang nangyari sa kanya.
"Ayos lang po, matipid na sagot ng dalaga at ibinalik niya ang kanyang paningin kay secretary Ja. Sir, hindi ko kayo maintindihan ano po ba ang tungkol sa mga magulang ko? Diba namatay sila sa car accident?
"Hindi, hindi totoo ang balitang iyon. Dahil ang totoo ay pinatay sila. Pinalabas lang nila na namatay ang mga magulang mo sa car accident. Makinig ka ng mabuti Almira, pagkatapos nito sana mapatawad mo kami.
Hindi lubos maunawaan ni Almira ang kanyang mga nalaman at mas lalo siyang kinabahan habang hinihintay na muling magsalita si Mayro. At nagpatuloy na ito sa pagkwento.
"Si Alex at Mira ay nakilala dahil sila ang nakalikha ng isa sa pinaka magandang klase ng camera.Bukod roon,marami ang nagka interes sa kanilang nilikha.Caron,yan ang pinangalan nila na ang ibig sabihin ay kinuha sa pangalan ng ama ni Alex na siyang nagturo at naging idolo ng yung mga magulang noong magkasintahan pa lamang sila.Dahil matalino,maabilidad,masipag,basta masasabi kong isang perpekto ang iyong ama sa lahat ng bagay kaya mabilis niyang nakuha ang isa sa goal nila ng iyong ina.At doon nakapagpatayo sila ng sariling business,At iyon ang Caron Group Company.To make the story short naging sikat,kilala at tinaguriang isa sa pinakamayamang kompanya ang Caron.At doon na nagsimula ang trahedya.Natigilan si Mayro sa pagkwento dahil pinaubaya niya kay secretary Ja ang mga kasunod pa.
"Ah--ano kasi,dahil magkaibigan sina Felix,at Mayro ay pinagkatiwalaan sila ng iyong mga magulang.Hindi sila naging iba dahil malapit silang magkakaibigan.Hanggang sa lumipas pa ang maraming taon ay ginawang vice-president ng Caron Group si Felix.At si Mayro naman ay mas piniling maging isang personal assistant ng iyong ama.Ngunit dumating sa punto na masyado ng naiingit si Felix dahil hindi niya kayang mapantayan ang kahusayan ni Alex pagdating sa business.Kaya gumawa siya ng plano kung paano niya sisirain si Alex at plano niyang angkinin ang Caron Group.Pero matalino at daig pa ni Alex ang isang detective,bawat kilos at galaw ni Felix ay nalalaman niya kaya naman habang maaga pa ay binigay niya kay Sir Matteo na kanyang kapatid ang posisyon ni Alex,na kung sakaling may hindi magandang mangyari sa kanilang mag-asawa ay siya na ang bahala sa kompanya at sayo Almira.At kahit anong mangyari protektahan at wag hahayaang mawala ang pinaghirapan nila.Isang gabi,nalaman namin na,na aksidente sina Alex at Mira.Napaniwala ang lahat na iyon ang dahilan ng pagkamatay nila.Pinutol ni secretary Ja ang kanyang sasabihin at mariin niyang tinitigan si Mayro.
"Maniwala ka sa hindi Almira,dugtong pa ni Mayro.May nakakita sa crime scene, na hindi na accidente ang iyong mga magulang kundi pinatay mismo sa sariling opisina gamit ang matulis na kotsilyo at nung nalaman na may witness kinabukasan ay namatay din ito.Hindi lang isa ang witness kundi dalawa sila.Alam mo ba kung sino?si Yibo ang isa pang witness at hawak niya ang ebidensya.Kaya siya nawawala dahil balak siyang patayin ng demonyong si Felix na kahit ako ay nakinig sa mga kasinungalingan niya.Ginamit niya ako dahil alam ko rin ang mga baho niya at kawalang hiyaang pinaggagawa sa Caron Group.Plano ko rin sanang ibunyag sa lahat ang kasamaan niya kaso blinockmail niya ako,kaya gusto niyang ipakasal si Yibo kay Stefy pero ayaw ng anak ko kaya wala na akong ibang naisip kaya nagpasya akong ipakasal si Miguel kay Stefy,dahil tinakot ako ni Felix na kaya niyang baliktarin ang nagyari,na sasabihin niya sa lahat na ako ang pumatay sa mga magulang mo na kahit hindi totoo ay pumayag na lang ako sa kagustuhan niya kaysa masira ang pangalan ko at mapaniwalang ako talaga ang pumatay sa kanila.Patawad,patawad Almira dahil naging selfish ako pati mga anak ko ay nasira ang buhay dahil sa pakikipagkasundo ko kay Felix.Natakot akong baka idamay niya ang pamilya ko,na baka sina mama at papa ay papatayin niya kaya naging tikom ang bibig ko at nagbulagbulagan ng napakahabang panahon.
Lumapit si Mayro kay Almira at dahan dahan itong lumuhod sa dalaga.
"Patawarin mo ako Almira,kung hindi lang sana ako naging duwag sana noon pa naayos na ang lahat at hindi humantong sa ganito."dagdag pa nito.
"A-ako lang ba ang hindi nakakaalam sa totoong nangyari sa pagkamatay ng mga magulang ko?na wala man lang akong nagawa simula pa noon para mabigyan sila ng hustisya?anak nila ako pero bakit tinago niyo parin saken kahit alam niyo naman ang totoo!Tumunganga lang ako ganun?habang ang aking mga magulang ay gustong makamit ang hustisya para makulong si Felix!napalakas ang boses ni Almira at napatuon ang kanyang paningin kay secretry Ja.
"Almira,ginusto ko ring itago ang tungkol Dyan.Dahil mas pinili kong tanggapin na pakasalan noon si Stefy para lang pagtakpan si Dad.Kapag hindi ako nagpakasal manganganib ang pamilya ko,kaya mas pinili kong isave sila."Alam ni lola at lolo na ikaw ang mahal ko kaya kahit masakit at nasasaktan ako tinanggap ko ang contract.Magalit ka sa akin Almira!Magalit ka sa akin dahil hindi ko nabanggit sayo na alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo."Kamuhian mo ako Almira!sigaw ni Miguel na kanina lang ay blangko ang mukha at ngayon ay biglang natauhan.
"Alam din ni uncle ang tungkol dito diba?tanong ng dalaga habang nakatingin kay Mayro at Miguel.Pagkatapos ay napasulyap siya kay secretary Ja na nakita niyang tumango.
"Oo,gaya ng sinabi ng mga magulang mo kay sir Matteo,ilihim sayo ang tungkol sa company ng Caron hangga't hindi ka nakakapagtapos ng college.Ginawa lang nila iyon para hindi ka maapektuhan at hindi ka pag initan ni Felix.Ayaw nilang mapahamak ka kaya sana maintindihan mo Miss Almira.Yung tungkol kay Yibo,hindi niya sinasadyang makunan niya ng video kung paano sila pinatay ni Felix.Almira,si Yibo na lang ang magpapaliwanag sayo ng totoong dahilan kung bakit hindi niya sinabi na isa rin siyang witness.Ang tanging nakakaalam lang ng sekretong yan ay ang uncle Matteo mo.Silang dalawa ang nag-usap tungkol sa ebidensyang hinahanap ni Felix.
Nanghina ang mga tuhod ni Almira,hindi niya lubos maisip na marami pala siyang hindi nalalaman.Imbis magalit siya at sumigaw ng malakas ay lumabas na lang ito.
Pinili niyang lumayo muna at mapag-isa.
BINABASA MO ANG
MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]
RomanceANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG PHOTOGRAPHER AY ISA SA MGA IPINANGAKO NI ALMIRA JACINTO SA KANYANG UNCLE MATTEO. NGUNIT SA ARAW NG KANYANG PAGTATAPOS, IS ALSO THE THE DAY OF HER UNCLE'S DEATH. MATATAG, MATAPANG, AT HINDI SUMUSUKO SI ALMIR...