PART 4

40 6 0
                                    

"Almira!" sabay yugyog sa katawan ng dalaga. Mas lalo itong kinabahan ng makita nitong walang malay ang dalaga. Hindi alam ang gagawin dagdag pa nang makita nitong dumarami na ang tao sa paligid.

Narinig ng binata na may kumakatok sa salamin ng sasakyan. At doon nakita nito ang mga police.

"Ayos lang ba kayo sir? tanong nang isang police.

"W-walang malay ang asawa ko!kailangan ko siyang dalhin sa hospital! pag-aalalang sabi ni Miguel. At sinulyapan ng binata si Almira na kasalukuyang nagkakamalay na.

"Almira, banggit ni Miguel at agad itong niyakap, dadalhin kita sa hospital!" may masakit ba sa'yo? ok ka lang ba?"

Mariin siyang tinitigan ng dalaga. At ngumiti ito.

"Ok lang ako Miguel, wala naman akong nararamdamang sakit, ikaw ayos ka lang ba?

"Ayos lang naman ako Almira, buti na lang at naiwasan natin ang truck.

Speaking of truck sugatan ang driver at dinala na rin sa hospital dahil bumangga ito sa isang malaking puno ng kahoy. Nakainom ang driver kaya nawala sa pukos sa pagmamaneho. Buti na lang ay nakaiwas agad si Miguel. Dahil dun nabigla, nagulat at natakot si Almira kaya nawalan ng malay dahil akala niya may mangyayari sa kanilang masama.

Pagkatapos nang insidenteng iyon binisita nila ang driver ng truck. Inalam nila kung ano ang lagay nito.

"P-patawarin niyo po ako," kahit na sariwa pa ang sugat ng driver sa katawan at halos mahirapan sa pagsasalita ay humingi parin ito ng tawad kay Miguel at Almira.

"Magpagaling na lang po kayo, magpasalamat na lang po tayo sa diyos dahil walang nangyaring masama sa amin ng asawa ko. At higit sa lahat nakaligtas po kayo. Wika ni Miguel habang nakaakbay kay Almira.

"Maraming salamat po sir!pangako po hindi na ako magmamaneho ng lasing, naging aral na po sa akin ang pangyayaring iyon, tsaka nagpapasalamat na rin po ako dahil hindi niyo po ako dinemanda. Sa totoo lang po ako talaga ang may kasalanan at nahihiya pa ako dahil kayo ang nagbayad ng bill dito sa hospital.

Lumapit si Almira sa lalake at tinapik niya ito sa balikat.

"Para din po sa nag-iisa niyong anak kailangan niyo pong magpalakas. Kaya po kayo nagtatrabaho para sa kanya hindi po ba? pero dahil iniisip niyo ang matrikula niya at kulang parin ang perang kinikita niyo sa trabaho kaya po kayo madalas uminom dahil nahihirapan na kayo kung saan kayo kukuha ng ganoong halaga.

"P-paano niyo po nalaman ang tungkol roon mam?" biglang nalungkot ang lalake.

"Dahil nakausap namin ang iyong anak kanina, ako na ang bahala sa matrikula niya ginoo. Wag na po ninyong alalahanin ang tungkol doon, singit naman na sabi ni Miguel.

Halos tumalon sa saya ang lalake. Napapaiyak na rin ito sa ibinalita ni Miguel kaya kahit na mahina pa siya ay labis labis ang kanyang pasasalamat sa dalawa.

"Napakabuti niyo pong mag-asawa, ngayon lang ako nakatagpo ng katulad niyong may mabuting puso. Ano po ba ang gusto niyong kapalit bilang ganti sa kabutihan niyo?

"Walang anuman ho, tsaka wag niyo ng isipin kung ano ang kapalit ang gusto kong kapalit ay ang ipagdasal mong magkaroon kami ng maraming anak na kasing gwapo ko at kasing ganda ng misis ko, sabay ngiti ng malapad. Sinundot naman siya ni Almira sa tagiliran pero sa totoo lang kinikilig din siya.

Nasa kotse na ngayon ang dalawa. Hindi mawala ang mga ngiti ni Miguel sa kanyang labi. Kaya hindi nagdalawang isip na sitahin siya ng dalaga.

"Happy ka?

"Yes happy ako."

"Ok, matipid na sagot ni Almira habang inaayos ang seatbelt.

Napatitig naman si Miguel kay Almira habang napapangiti ito.

"Ano bang klaseng ngiti yan?baka naman matunaw na ako sa kakatitig mong yan."

"Hindi kasi ako makapaniwala na kasama ko na naman ang babaeng laging nagpapatibok ng puso ko. Naalala ko tuloy noong sinayaw kita noong college tayo. Kung hindi ako nagkakamali ako ang first dance mo noh?hahahaha malakas na halakhak ni Miguel.

Napatitig na lang sa kanya si Almira habang pinapakinggan ang bawat halakhak ng binata. Hanggang sa natigilan ito at napasulyap sa dalaga.

"Sorry, baka maasar kana naman sa akin. Sorry na misis ko, aniya at kinindatan ang dalaga.

"Your smile, your laugh, these are the things that make my day perfect. Saranghae Mister ko, sabay taas nang kamay at ipinatong ang magkabilang dulo ng kanyang mga daliri sa kanyang ulo. Yung parang sa mcdo. Gets niyo na iyon.

"Mahal din kita misis ko, naku nakakagigil kana talaga. Araw-araw mas lalo kang gumaganda. Hindi na tuloy ako makapagpigil na pakasalan ka para naman may honeymoon na tayo, hahahaha. Malakas nitong tawa.

Natigilan naman si Almira at napanguso ito.

"Aba, gusto mo talaga ng honeymoon? gusto mo gawin na natin ngayon? Tanong ni Almira kaya naman mabilis pa sa alas tres ng madaling araw ang paglapit ng kanyang mukha kay Miguel kasabay pa noon ang pagbukas ng botones sa polo ng binata at akmang hahalikan niya na sana sa labi habang napapapikit naman ang binata sa ginagawa niya.

Nagulat naman si Miguel kaya ipinagpatuloy niya ang pagpikit ng kanyang mga mata habang napapalunok ito at hindi makakilos.

"Hahahaha! hahaha! malakas na halakhak ni Almira at humiwalay ito sa binata.

"For your information hindi mo ako makukuha Miguel. Akala mo gagawin ko naman? haha! never! as in never!

"Nabitin naman ako doon Almira. Pwede bang gawin na lang natin ngayon? Para naman makarami na tayo, akala ko naman totohanin mo na talaga.

Umiba na naman ang ihip ng hangin kaya natigilan si Almira.

"Hindi porke mahal kita, at mahal mo ako eh magagawa mo na ang gusto mo? Itong legs ko?sabay pakita kay Miguel kaya nanlaki ang mga mata ng binata. Pero agad namang tinakpan ng dalaga. At ito namang--hindi niya sinabi dahil dahan-dahan niyang binuksan ang botones ng kanyang blouse medyo natanaw ng binata ang kaputian ng dibdib ni Almira pero tinakpan niya rin agad ito kaya nabitin lalo si Miguel. At ang huli ang lipbite na talagang inaakit si Miguel.

"Makukuha mo lang kapag mag asawa na tayo. Pero kong wala kang balak na pakasalan ako ikaw din, sabay flip ng hair.

"Hayzzz tama na nga yan!masyado mo akong inaakit eh!Almira Jacinto magiging akin ka rin kaya ihanda mo na ang iyong sarili, Ok?

"Galingan mo Miguel Fernando, sabi ni Almira.

"Matutupad din ang gusto kong mangyari misis ko, 'yong tatawagin kang Misis Almira Fernando."

Napangiti na lang si Almira dahil sa totoo lang kanina pa niya gustong tumili sa kilig.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon