Pauwi na si Almira kasalukuyan siyang nakasakay sa bus. Hindi mawala sa kanyang isipan ang lalakeng nagsabi sa kanya na pangit kapag walang kilay ang kanyang iginuhit.
Hindi maalis sa kanyang labi ang mga ngiti.
At dahil pagod siya sa school project hindi niya namalayang nakatulog na siya sa gitna ng byahe.
Nagising ang kanyang diwa ng may maramdaman siyang may bumaba nang huminto ang bus.
Idinilat niya ang kanyang mga mata at doon niya napansin ang lalakeng pamilyar sa kanya. Nakababa na ito ng bus, halos mapatayo siya sa kanyang kinauupuan at nanghinayang dahil hindi niya man lang nakausap muli ang lalakeng nagpakilala sa kanya.
"Grabe alam kong si Miguel Fernando ang bumaba, nakakainis bakit ba kasi nakatulog ako! haysss, ang malas ko naman," aniya sabay himas sa kanyang mukha.
Nang mapansin niyang malapit na sila sa bus stop ay lumapit na si Almira sa may pintuan para mabilis siyang makababa. Hinablot niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tiwagan ang kanyang uncle.
"Uncle malapit na ako, may pasalubong ako," masaya niyang balita sa kanyang uncle at pagkatapos ay pinutol niya na ang linya.
"Miss mukha yatang bukas ang zipper ng palda mo! sabi ng driver sa kanya. Agad namang napayuko at sinilip niya ang harapan ng palda.
"Manong naman walang zipper ang palda ko!
"Hahaha! eh alam mo naman palang walang zipper pero tiningnan mo parin," natatawang sagot ng driver.
"Naku manong ngayon mo lang ako biniro ng ganito, sa tagal ko ng sumasakay sa bus mo."
"Mas blooming ka ngayon kaya pinansin kita, sabay ngiti. Siya nga pala 'yong sapatos mo nakabuhol ang sintas." dagdag pa nito.
"Walang sintas ang sapatos ko manong, hindi mo na ako maiisahan!"
"Hahaha! sige na bumaba kana.
"Sige po manong, sabi ni Almira at bumaba na ito ng bus.
Dumaan muna siya ng bakery para bumili ng pandesal na paborito ng kanyang uncle.
Pagdating niya ng bahay sinalubong na siya ng kanyang uncle.
"Naku malamig na ang kape na tinimpla ko," bungad nito sa kanya.
"Uncle naman nagtimpla kana? hindi naman kayo excited."
"Biro lang Almira, ito naman.
"Charan! ito na ang mainit na pandesal! sabay lantad nang isang supot ng pandesal kaya natuwa naman ang kanyang uncle.
"Tara kainin na natin 'yan Almira, sabay kabig ng isang supot ng pandesal at pagkatapos ay nagtimpla naman ito agad ng kape.
Simula noong nawala ang kanyang untie naging bonding na nilang dalawa ang pagsawsaw ng pandesal sa mainit na kape at iyon na rin ang naging paborito ng kanyang uncle.
Tulad ng dati maagang pumapasok si Almira sa eskwelahan. Naglilinis ng bahay, nagluluto at hinahanda ang gamot na iinumin ng kanyang uncle. Pagkatapos ay nag-abang na siya ng bus.
Nasa harapan na siya ngayon ng school. Pinagpag niya ang kanyang palda at nagbuntong hininga ng malalim.
"Isang taon na lang Almira Jacinto gagaraduate kana, kunting tiis na lang, mahina niyang sabi sabay kiskis ng dalawa niyang palad at kanya itong hinihipan. Kaya ko 'to! kasama ko naman si tinkerbell.
Ngumiti muna siya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang dati niyang classroom.
Napahawak siya sa luma niyang camera na laging nakasabit sa kanyang leeg. Dahil maganda ang pagbungad sa kanya ng mga pulang rosas sa maliit na flower pot ay hindi siya nagdalawang isip na kunan ng mga larawan.
Muli niyang binalikan ang kanyang mga kuha sa camera at nasiyahan ang dalaga kaya naisipan niyang kunan ng huling shot ang mga bulaklak.
Nagtaka siya dahil may isang lalake ang nahagip ng kanyang camera. Tiningnan niya ang area kung saan niya kinunan ang mga bulaklak at doon siya nagulat nang si Miguel ang kanyang nakita. Nakaupo ito habang nakangiting may kausap sa cellphone.
Hindi maalis ni Almira ang mga ngiti ng magkaroon siya ng pagkakataong muli niyang makita ang lalakeng nagpangiti sa kanya.
"Siya nga si Miguel Fernando," sa wakas nakita ko ulit siya," mahina niyang sabi habang nakatitig lang sa binata.
"Almira! isang tinig ng babae ang kanyang narinig habang banggit ang kanyang pangalan kaya napalingon siya.
"Vanessa ikaw pala.
"Sino ba ang tinitingnan mo? kanina pa kitang tinatawag pero hindi mo ako naririnig.
Napalingon si Almira sa pwesto kung saan naroroon si Miguel pero nalungkot siya dahil nawala na ang binata. Muli niyang sinulyapan ang kanyang pinsan.
"Ah wala! bakit ka pala nandito? may sadya kaba?
"Malapit na ang birthday mo labas naman tayo."
"Oo nga pala pasensya kana hindi ko na maalala na malapit na pala ang birthday ko sa sobrang busy sa school.
"Iba ka rin pinsan, simula first year ikaw na ang class prisident. Minsan mag enjoy ka naman, bahay at school ka lang kasi. Tsaka ni minsan wala akong nabalitaan na nagkaboyfriend ka, maglandi nga tayo."
"Hayan kana naman Vanessa puro ka kalukuhan!" pero sige pagbibigyan kita.
"Yan ang gusto ko sa'yo! hahanapan kita ng magiging boyfriend mo! sabay akbay kay Almira.
Dahil may next subject nagpaalam na si Almira sa kanyang pinsan. Tulad ng dati kiniskis niya ulit ang magkabila niyang palad at kanya itong hinihipan.
"Hanggang mamaya na naman 'to! magsisimula na naman akong magsunog ng kilay. Hmmmm, debale na kasama ko naman si tinkerbell," mahina niyang sabi habang nakangiti.
After ng klase inabangan ni Almira si Miguel sa gate. Nagbakasakali siyang baka dumaan si Miguel pero nabigo siya .Malungkot niyang nilisan ang school hanggang sa nakauwi na siya ng bahay.
Malapit ng mag alas dyes ng gabi, ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok kaya naupo muna siya sa sofa.
"Bakit naiisip ko parin siya? bulong niya sabay himas sa kanyang mukha. Hindi! hindi ko dapat siya isipin! Medyo napalakas ang kanyang boses.
"Almira bakit gising kapa? lumabas ako ng kwarto dahil narinig ko ang iyong boses, may problema ba?
"W-wala po uncle," hindi lang kasi ako makatulog." sagot niya at napakamot sa kanyang batok.
"Kilala kita Almira, sabihin mo nga sa'kin hindi tungkol 'yan sa school ano?
"Marami po kasing projects uncle kaya hindi ako makatulog."
"Totoo ba iyan? pakiramdam ko kasi mali ka ng isinagot sa akin ngayon, kilala kita kaya 'wag kang magsisinungaling sa'kin.
"Uncle na love at first sight po siguro ako," nahihiya niyang sabi habang nakayuko at nakakagat labi pa.
Napahalakhak lang ang matanda. "Talaga? sigurado ka Almira?
Tumango si Almira at tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa unan dahil pakiramdam niya pulang- pula na siya.
"Opo! dahil lang sa kilay na 'yon pangit daw kasi! uncle nakakainis! lagi ko siyang naiisip eh," gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kong paano!
"Sa wakas! sa wakas dahil magkakaroon na ng boyfriend ang tinkerbell ko, alam mo Almira magandang balita iyan, bukas mag celebrate tayo kaya matulog kana.
"Hindi ka naman talaga excited ano uncle? Hindi ko nga kilala ang lalakeng 'yon.
"Haha! matutulog na ako, bukas na gabi mo naman isipin iyon. Aba hindi dapat palagi, pagbibiro ng matanda at tumayo na para pumasok ng kwarto.
Naningkit na lang ang mga mata ng dalaga habang sinusundan ng kanyang paningin ang kanyang uncle na naglalakad patungo sa kwarto.
__________________________________________________
BINABASA MO ANG
MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]
RomanceANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG PHOTOGRAPHER AY ISA SA MGA IPINANGAKO NI ALMIRA JACINTO SA KANYANG UNCLE MATTEO. NGUNIT SA ARAW NG KANYANG PAGTATAPOS, IS ALSO THE THE DAY OF HER UNCLE'S DEATH. MATATAG, MATAPANG, AT HINDI SUMUSUKO SI ALMIR...