PART 2

47 1 0
                                    

Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ni Almira. Nakatitig lamang siya sa binata. Hinawakan niya ang mukha ng binata at dahan-dahan niya itong niyapos.

"Oo mahal kita Miguel, mahina niyang sabi. Kaya naman pumakawala ang ngiti sa labi ni Miguel ng marinig nito ang salitang iyon. Agad nitong niyakap si Almira na para bang ayaw niya na itong mawala sa kanya, dahil sa sobrang higpit.

"Pwede bang pakiulit? wika nito habang magkayakap sila.

"Mahal kita Miguel, mahal na mahal."

"Napakasarap pakinggan kapag ikaw ang nagsasabi niyan. Gusto kong marinig araw-araw o kaya naman oras-oras ang mga salitang 'yan. Humiwalay sila sa isat'isa at hinawakan ni Miguel ang kamay ni Almira at hinalikan niya ito.

"Simula ngayong gabi ikaw na ang misis ko. Gusto ko ako na rin ang Mister mo kaya 'wag mong kakalimutang itawag 'yon sa'ken. Mahal kita Almira Jacinto, sorry na ha? sorry kung nasaktan kita, sorry kong pinaiyak kita.I love you misis ko, mahina nitong sabi sabay kiss sa nuo ng dalaga.

"Miguel."

"Bakit?

"Thank you."

"Para saan?

"Akala ko kasi susuko kana, akala ko hahayaan mo na lang na maikasal ka kay Stefy. Pero nagkamali ako dahil ako ang pinili mo.

"Kahit na buhay ko ang kapalit gagawin ko. Handa kong suwayin ang aking mga magulang basta makasama ko lang ang babaeng totoong nagmamahal sa akin. Pangako, hindi na ako mawawala sa'yo misis ko.

Tumango si Almira at niyakap niya ang binata.

"Kung ganun dapat pala magpakasal na tayo para akin kana talaga misis ko.

"Hindi pa pwede aakyat muna ako sa stage tsaka iyon naman ang pangarap ko diba? 'yon din ang regalo ko kay uncle. Pero kong hindi mo na kayang hintayin pa sige magpakasal na tayo mister ko, sabay ngiti.

"Mas excited ka rin pala sa akin nuh? hayaan mo hihintayin kita Almira. Tsaka aayusin natin ang lahat bago tayo magpakasal para naman wala na tayong iisipin pa. Wag kang magpapaligaw sa iba, alam ko kasing bukod sa akin may nagkakagusto pa sa'yo.

"Maganda kasi ako hehe. Siya nga pala Miguel paano na si Stefy? Paano kong malaman niya ang tungkol sa atin?

"Wala siyang magagawa kapag ako na ang nagdisisyon. Babawiin ko ang contract at sasabihin ko kay daddy ang tungkol sa atin.

"P-pero natatakot ako."

"Wag kang matakot kasama mo naman ako. Wala naman silang magagawa dahil nasa likod lang natin sina lolo at lola. Hindi nila ako matitiis love kaya nila ang gwapo nilang apo.

"Hayan kana naman ginagawa mo na namang biro.

"Gwapo naman talaga ako diba?aminin mo kaya ka na love at first sight sa akin hahaha! malakas nitong halakhak.

"Hindi dahil sa gwapo ka, kundi dahil sa mga ngiti at halakhak mo. Kapag nakikita ko 'yon mas lalo akong naaattract sa'yo. Kaya nga gusto ko palagi kang nakangiti.

"Talaga? edi dapat lagi akong nakangiti para lagi kang naaattract sa akin.

Lumayo si Almira kay Miguel at naupo ito sa sofa. Sumunod naman sa kanya si Miguel at tinabihan siya.

"Bakit ka sumunod?

"Gusto kong lagi kitang katabi, sabay hablot ng kamay ni Almira at hinawakan ito.

Napangiti naman ang dalaga at mas lalo pa siyang kinilig. Tinitigan niya lang si Miguel habang nakangiti.

"Baka naman matunaw na ako sa kakatitig mo?

"Bakit ba kasi ang gwapo ng mister ko?

"Gusto mo dito kana lang matulog? tabi tayo para titigan mo ako hanggang bukas. Hahaha! malakas nitong tawa.

"Hindi pwede noh! t-tabi tayo? Tanong niya pagkatapos ay lumayo siya kay Miguel. Uuwi ako at never akong matutulog dito baka mamaya may gawin kapa sa akin.

"Hahahahaha! hahaha! malakas na halakhak ni Miguel na parang wala ng bukas.

"May nakakatawa?

"Ang dumi ng iniisip mo",alam mo dati pa gusto na kitang makita na naka swimsuit kaya nga excited ako noon nung binigyan ka ni lola kaso dimo naman ginamit. Gusto kong makita ang kasexyhan ng misis ko, gusto kong akitin mo ako.

"B-bastos ka! alam mo baka nga katawan ko lang ang habol mo eh! bukod sa sexy ako maganda pa ako, pero kahit na mahal kita at mahal mo ako hindi parin ako magpapauto sa kabaliwan mo. Uuwi na ako bahala kana!

"Hahahaha!hahaha! tingnan mo nga 'yong reaksyon mo, ang cute cute mo talaga kapag niloloko kita hahaha. Gawin na natin misis ko, sabay pasexy ng boses at lumapit kay Almira. Gumapang pa ito sa sofa para lang makalapit sa dalaga.

Halatang kinakabahan ang dalaga at napapalunok na ito sa takot.

"M-Miguel a-ano bang ginagawa mo? nauutal niyang tanong.

"Gagawa tayo ng baby, tara itry natin misis ko. Pumaibabaw na siya kay Almira habang napapangiti at nakatitig sa mga mata.

"W-wag! W-wag kang magbibiro ng ganyan!"

Nilapit pa nito ang mukha sa dalaga hanggang sa ilang inches na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Napapikit na lang si Almira syempre hinintay niya rin na dumampi ang mapulang labi ni Miguel.

Hinintay niyang dumampi iyon pero wala siyang naramdamang malambot na labi. Naramdaman niya ang kamay ni Miguel na pumisil sa kanyang matangos na ilong kaya naman napadilat siya bigla.

"Bumangon kana dyan, asa ka namang gagawin ko 'yon sa babaeng mahal ko. Bago natin gawin iyon kailangang may basbas muna ng uncle mo. Ipapaalam muna kita sa kanya. Tsaka bago natin iyon gawin make sure may mga plano na tayo for the future. Aakyat ka muna sa stage tsaka pakakasalan na muna kita bago tayo gumawa ng maraming Miguel Fernando at Almira Jacinto. Siya nga pala ilang anak ba ang gusto mong gawin natin?

Dahil sa sinabing 'yon ni Miguel mas lalong na inlove si Almira.

"Thank you Mister ko, alam mo gusto ko dalawa lang, babae at lalake alam mo na 'yan kaya wag kang maghahangad ng marami,  sabay ngiti ng napakatamis.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon