Nasa gitna ng klase ngayon si Almira. Last subject niya ito at plano niyang dumaan sa mall para magpalamig.
Habang nakaupo siya at nakikinig sa kanilang professor naramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Lihim niya itong hinablot at tiningnan baka tumatawag ang kanyang uncle.
"ROOFTOP NG LIBRARY, 'yon ang nabasa niya sa screen. Nagtaka siya kung bakit nakavibrate ang kanyang cellphone. Hanggang sa may naalala siya.
"Magkita tayo bukas sa rooftop ng library kapag tumunog o nagvibrate ang cellphone mo saka ka pumunta hihintayin kita doon.
Nanlaki ang kanyang mga mata matapos niyang maalala iyon. Napalunok siya at kinabahan.
"Ibig niya bang sabihin nasa rooftop na siya ngayon? inalarm niya pala ang cellphone ko kaya niya hiniram, mahina niyang sabi. After ng klase nila ay tinungo niya ang rooftop. Pagdating niya may lalakeng nakatayo habang nakatalikod at nakatanaw sa malayo habang nakapamulsahan ito..
Lumakas bigla ang kabog ng dibdib niya habang mariing tinititigan ang lalakeng nakatalikod. Mga 5 minutes ding nakatayo si Almira habang hinihintay niyang humarap ang lalake at mapansin siya nito.
"Halos kalahating oras akong naghintay sayo Almira. Kalahating oras din akong nakatayo tapos ngayon ka lang dumating? Aniya at humarap ito kay Almira.
"K--kasi may klase pa ako, alangan man na ikaw ang uunahin ko.
"It's ok no problem ang mahalaga nandito kana, ngumiti ito at lumapit kay Almira.
"May gusto ka bang sabihin?anong dahilan mo bakit mo ako pinapunta rito?
Nilahad nito ang kamay para makipagshakehand kay Almira.
"Hindi pa natin kilala ang isat'isa kaya kita pinapunta rito, gusto kitang makilala siguro ganoon din ang nasa isip mo.
"Kilala na kita, ikaw si Miguel Fernando.
"Tama ka.
"Edi uuwi na ako.
"Sa pangalan mo lang ako kilala, hindi kaba interesadong malaman kung taga saan ako?kung bakit nandito ako sa school niyo? o kung sino ba talaga ako?
Sa pagkakataong iyon ay natauhan si Almira. Lahat ng sinabi ni Miguel ay gusto niyang malaman.
"Sige lahat ng sinabi mo gusto kong malaman! diritso niyang sagot na ikinatuwa naman ni Miguel.
"Kung ganoon interesado ka nga talaga, hahaha! sabay halakhak ng malakas. Nangunot ang nuo ni Almira kaya naman bigla niyang inapakan sa sapatos si Miguel.
"Nakakatawa? ikaw lang naman ang nagpapunta sa'kin dito diba? kapal din naman ng mukha mo!
Natigilan si Miguel habang nakatingin sa kanyang sapatos.
"Sorry na tanggalin mo na 'yang paa mo sa sapatos ko, masyado ka talagang high blood.
"Hindi ako high blood! hindi kasi ako nakikipagbiruan sa'yo, alam mo hindi na ako bata kaya huwag mo nga akong asarin! tsaka 'yang mga tawa mo nakakapikon!"
"Ohh sayo na! sabay hablot ng kamay ni Almira at binigay ang isang susi.
"Ano 'to?
"Hindi mo ba nakikita? edi susi, bahala ka kong itatapon mo 'yan, napulot ko lang 'yan, kung gusto mong itago bahala ka. Malay mo susi pala yan para yumaman ka o kaya baka susi na yan para magkaroon ka ng boyfriend.
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! sa susunod wag ka ng makipag usap kay uncle!
"Siya nga pala Almira Jacinto malapit kana pa lang grumadweyt. Ngayon pa lang binabati na kita, aniya habang malawak ang ngiti.
Napakunot ang nuo ng dalaga.
"Alam mo nahihiwagaan na ako sayo Miguel Fernando, multo kaba? teka stalker kaba?
Humalakhak ng malakas si Miguel dahil sa reaksyon ni Almira.
"Wag mo ng alamin Almira, kung tingin mo stalker ako bahala ka kung iyon ang tingin mo sa akin. At kung sa tingin mo naman ay multo ako sige bahala ka.
"Nakakainis! ani ni Maria na nanggigigil sa inis.
"Siya nga pala hindi naman ako nag-aaral dito.
"Kung hindi ka nag-aaral dito bakit ka nandito? Tsaka bakit ka naka-uniform? pinagloloko mo ba ako? Diba kasali ka pa nga sa photography camp noon, at nakakasabay kita sa bus kaso lagi akong minamalas dahil nauuna kang bumaba o kaya naman tulog ako, niloloko mo ba ako?
"Hindi kita niloloko totoo ang sinasabi ko.
"Kung ganoon anong ginagawa mo dito? ano 'yon char char lang?
"Hahahaha! huminahon ka hindi kita niloloko. Nandito ako dahil may binabantayan ako. 'Wag mo ng alamin kung sino 'yon. Tsaka parents ko ang may ari ng school na'to.
"Totoo? Gulat niyang tanong.
"May kapatid ako na gustong mag-aral dito kaso ayaw ng father ko. Hindi rin kami masyadong close dahil hindi kami magkasamang lumaki. Pasenysa kana kong mukha akong kabute dahil sumusolpot na lang bigla, siguro lahat ng iyon ay nagkataon lamang. Baka bigyan mo ng meaning kaya inuunahan na kita Almira.
"Nagkakamali ka! hindi ko binibigyan ng meaning ang lahat. Hindi ako assuming katulad mo. Sa katunayan naiirita ako sa pagmumukha mo, kaya binabalaan na kita Miguel last na nating pagkikita 'to, sabi niya at tumalikod na ito.
"Tatandaan ko 'yan! Iyan din sana ang sasabihin ko sayo Almira, ito na ang huli nating pagkikita at kalimutan mong nakilala mo ako. Kalimutan mong may nakilala kang kasing gwapo ko.
Napatikom ang magkabilang kamao ni Almira. Para sa kanya masakit ang binitiwan niyang salita at nang marinig niya ang sinabi ni Miguel mas lalo siyang nasaktan.
Hindi niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang kanilang pag-uusap.
Nakauwi na ng bahay si Almira. Hindi na ito lumabas pa ng kwarto. Ilang sandali lamang ay nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto. Alam niyang ang kanyang uncle ang kumakatok.
"Uncle mamaya na po ako kakain medyo pagod po kasi ako! sigaw niya habang nakahiga sa kanyang kama pero ang totoo ay nalulungkot siya.
"Sige kumain ka ha? nakahanda na ang dinner mo kapag ok kana lumabas ka lang! sagot ng kanyang uncle mula sa labas ng kwarto.
"Opo! sabi niya at ipinikit niya na ang kanyang mga mata. Bakit sa kanya pa ako nagkagusto?pisteng puso to ohh abnormal tumibok. Baka naman kasi may sakit si kupido kaya nagkamali siya ng pinana. At doon pa sa eng-eng na Miguel na 'yon na malakas magpakilig at ako namang si tanga ay nauto rin. Ano nga ba ang magagawa ko, sabagay hindi niya naman alam na first love ko siya ako lang ang nakakaalam kaya lihim naman akong nasasaktan.
Nakatulog si Almira sa pag-iyak kaya naman paggising niya kinabukasan ay mugto ang kanyang mga mata. Nahiya siyang lumabas at baka makita ng kanyang uncle. Hindi muna siya pumasok sa school at sinabi niyang masama ang kanyang pakiramdam.
______________________
A/N: Love sick....
BINABASA MO ANG
MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]
RomanceANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG PHOTOGRAPHER AY ISA SA MGA IPINANGAKO NI ALMIRA JACINTO SA KANYANG UNCLE MATTEO. NGUNIT SA ARAW NG KANYANG PAGTATAPOS, IS ALSO THE THE DAY OF HER UNCLE'S DEATH. MATATAG, MATAPANG, AT HINDI SUMUSUKO SI ALMIR...