PART 3

38 4 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 13 [Part 3]

Warm welcome to new CEO

Secretary Ja,announced the appointment of Miss Almira Jacinto as the new CEO.Miss Almira will lead Caron Group Company as it enters a new phase in the company's development.

"I look forward to taking a leadership role in Caron Group Company na iniwan ng aking mga magulang and of course ng uncle Matteo ko.Overseeing a profitable growth,and further broadening the company's unique world class product portfolio".confident na sinabi ni Almira sa buong Caron Group.

Halos mapatayo naman si secretary Ja sa sinabi ng dalaga.At napapalakpak naman ang lahat dahil nakikita nila sa dalaga na katulad siya ng kanyang mga magulang at ng kanyang uncle.

Pagkatapos magsalita ni Almira ay kinamayan siya ng lahat.Masaya ito sa panibagong mundo niya dahil alam niyang ito ang pangarap ng uncle Matteo niya at ang kahilingan ng kanyang mga magulang na ingatan at pangalagaan ang kompanya.At isa pa ang Caron Group ay isa sa mga pinaghirapan ng mga magulang niya.

"Mr.Ja bago ko makalimutan maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin.At hindi lang iyon naging tapat ka kay uncle Matteo.Kaya dapat lang na gantihan ko ang kabutihang ginawa mo sa kanila at pati na rin sa akin.

Binigyan ni Almira ng bagong bahay at kotse si secretary Ja,bukod doon nagkaroon siya ng magandang position sa Caron Group Company.Siya ngayon ay isang COO o Chief Operating Officer.Mr.Ja charge with managing the corporation's day' to day affairs,Mr.Ja usually reports directly kay Almira.

"Maraming salamat Miss Almira,ay esti Miss Ceo.Hindi ako makapaniwala sa regalong binigay mo sa akin."Alam kong matutuwa nito ang anak kong si Kenjie at ang asawa ko."

"Your always welcome general manager Ja.Mahina niyang sabi sabay ngiti sa matanda.

"Mahigit isang taon na ang nakalipas marami na ang nagbago.Wala na si Felix,nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo.At ngayon isa na rin akong general manager,maraming nagbago pero hanggang ngayon hindi kapa nag-aasawa.Kailan ba magiging mrs yan Miss Almira?"medyo napakamot si manager Ja sa kanyang batok dahil alam niyang korne ang joke niya.

Bahagyang napatawa si Almira at napa cross arm ito.

"Hmm,sa ngayon po hindi ko muna iniisip yan.Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang company.

"Kung hindi mo mamasamahin bakit hindi na lang naging kayo ni Miguel?

Napasulyap ang dalaga sa matanda at napasimangot ito.

"Kung kami,kami talaga manager Ja.Kung totoo nga talagang mahiwaga ang tunay na pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan,kahit ilang taon pa ang lumipas pagtatagpuin parin sila ng tadhana.Si Miguel iniwan niya na ako,kusa siyang umalis at tuluyan ng sumuko.Ngayon sabihin mo manager Ja,maghihintay paba ako sa wala?

"Pero nagawa mo paring maghintay sa kanya Miss Almira.Ngayon kapa ba susuko kung alam mong ok na ang lahat?malay mo isang araw biglang dumating si Miguel para yayain kang magpakasal?

"Haha!ahahaha!nagbibiro po ba kayo?"

"Hindi ako nagbibiro,dahil nararamdaman kong hanggang ngayon mahal ka parin niya.At katulad mo hinihintay ka rin niya.

"Manager Ja,mamaya na lang po muna tayo mag-usap.May kakausapin lang akong isang tao.Palusot ni Almira at nagmadali itong pumunta sa cr.

Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.Napabuntong hininga siya,maya maya ay kiniskis niya ang magkabila niyang palad at inihipan niya ito.

"Ikaw na ang bahala saken tinkerbell."mahina niyang sabi at pagkatapos ay lumabas na ito sa cr.

Pagkalabas niya saglit siyang napasilip sa kabilang bahagi ng cr ng marinig niya ang bulungan.

"Yes!naku day,mas pumogi siya ngayon."nakakapangilabot lalo na kapag tinititigan mo siya sa malapitan."

"Talaga?excited na tuloy akong makita ang crush kong si Sir Sinichi.Biruin mo na comatose siya ng pitong buwan mahigit,buti na lang at hindi nagsawang alagaan siya ni Miss President.Diba?ang sipag at ang tiyaga pero hindi naman nasayang ang pagod niya dahil gumaling din si Sir Sinichi."

"Ang kaso!singit nung isa.Sa Korea na siya nagpagaling nung nagising mula sa coma.Kawawa naman si Miss President diba?nalungkot nga siya noon kaya imbis magmukmok ay nagfocus na lang dito sa company.Kita naman ang ebidensya pak!wagi!iba talaga ang talino ni Miss President mas gumanda ang Caron Group.

"Yeah!tama ka dyan,kaso sayang ang ganda ni Miss President,kailan kaya siya mag-aasawa ano?swerte naman ng lalakeng mapapangasawa niya."

Nagtago si Almira sa gilid nung napansin niyang papalabas na ang mga empleyadong nag-uusap.Napahawak siya ng mahigpit sa dulo ng laylayan ng blouse niya at napabuntong hininga ito.

"Bakit ba kasi gusto nila akong mag-asawa?bakit masama bang maging ganito na lang ako forever?eh ano naman kung hindi ako mag-aasawa?"nakanguso niyang sabi sa kanyang sarili.Inayos niya ang kanyang tindig at naglakad ito ng maayos.Sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay may sumalubong sa kanyang isang empleyado.

"Good morning Miss President."magalang nitong bati kay Almira at napangiti naman ang dalaga.

"Good morning."sagot niya.

"Ahh,Miss President meron pong naghahanap sa inyo sa labas malapit po sa main entrance.Sabi niya po kasi sabihin ko ito sa inyo.

"Sino daw siya?at bakit?

"Pakisabi sa may-ari ng Caron Group na gusto ko siyang makausap.Importante lang,hindi ako nababagay na pumasok sa loob kaya mas magandang dito ko na lang siya hihintayin sa main entrance.Kapag hindi siya dumating mumultuhin ko siya kapag namatay ako.Yan ang sabihin mo namemorize mo ba?Miss President 'yon po ang pinapasabi niya sa inyo."

Tumango si Almira at napaisip muna ito bago niya sinagot ang babaeng nasa harapan niya.

"Salamat,sige bumalik kana sa office.Pupuntahan ko siya.

"Miss President mag-iingat po kayo sa kanya ha?"sige po babalik na po ako sa trabaho.At umalis na ito.

Hindi nagdalawang isip na puntahan ni Almira ang tinutukoy ng kanyang empleyado.Nagtataka ito kung sino ang gustong makipag-usap sa kanya.

Kasalukuyan siya ngayong nakatayo sa labas ng main entrance.Wala siyang makitang tao kaya naman nilibot niya ulit ng kanyang mga mata ang buong paligid.

"Almira."

Napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya.Doon nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang isang babaeng nakasalamin.Pamilyar sa kanya ang babae hanggang sa tinanggal nito ang salamin na dahilan naman kung bakit nanlaki ulit ang mga mata niya.

"Stefy?"banggit niya at kusang naging isang matigas na yelo ang buo niyang katawan.

Lumapit sa kanya si Stefy at hinawakan siya sa kamay.Hinila siya nito kung saan walang mga tao.Nagpupumiglas naman si Almira pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.

"A-anong kailangan mo sa akin?"pag-alalang tanong ni Almira.

Hindi siya sinagot ni Stefy kusa nitong binitawan ang kamay ni Almira at serysoso niyang tinitigan ang dalaga.

___________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon