Ito na ang simula, simula ng pagbabago sa mundong ginagalawan ni Almira. Paano niya nga ba malalabanan ang lahat ng mga pagsubok na darating sa buhay niya?
Susuko na lang ba siya o haharapin niya ang lahat?
Kakayanin kaya niya?
Dalawang buwan na ang nakalipas, 1 week pa bago ang graduation ni Almira. Dahil linggo ngayon ginusto niyang magrelax muna kaya naman sumama siya sa outing ng kanyang pinsan.
Nakaupo sila ngayon sa baybay-dagat habang masayang nagkukwentuhan.
"Congrats pinsan, ngayon pa lang binabati na kita.
"Salamat pinsan.
"Ohh bakit mukhang hindi ka masaya? may problema kaba na hindi ko alam? kung ano man 'yan Almira ishare mo lang sa akin, handa naman akong makinig diba?
Bahagyang ngumiti si Almira at itinuon niya ang kanyang paningin sa mga alon.
"Wala akong problema, masaya ako dahil matutupad ko na ang ipinangako ko kay uncle.
"Sigurado ka? siya nga pala nagkikita paba kayo ni Miguel?Ang weird kaya ng lalakeng 'yon! bwesit siya talagang hinila niya ako noong nalaman niyang pinsan mo ako. Akala ko pa naman ako ang kailangan niya 'yon pala ikaw! Juice ko Almira kinilig kaya ako, eh kasi naman ang gwapo niya tsaka sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad niyang halos perfect na ang lahat. Aminin mo nanliligaw ba si Miguel sayo?
Natigilan si Almira at binaliwala niya ang sinabi ni Vanessa.
"Gutom na ako Vanessa dyan ka lang kukuha ako ng makakain. Pag-iba niya ng usapan. Akmang aalis na ito ng pigilan ni Vanessa.
"Tama nga ako na siya ang dahilan kung bakit malungkot ka Almira. Hindi ka naman ganyan dati eh, in love ka ba sa kanya?
"Tama ka nga Vanessa in love na nga ako sa kanya.
Tumili ng malakas si Vanessa ng marinig niya ang salitang 'yon.
"Oh my gosh! sure ka?mapapamura talaga ako pinsan! sa wakas naman at may naligaw dyan sa puso mo! napaka swerte naman pala ni Miguel. Tara mag inuman tayo para icelebrate 'yang puso mong tinamaan ng wagas. In love pala ah! masayang sabi ni Vanessa at hinila niya na si Almira sa pwesto ng kanyang mga kaibigan na kanina pang nag-iinuman.
Halos dalawang oras ng umiinom si Almira kaya hinatid na ito ni Vanessa sa kwarto. Lasing na lasing ito kaya naman ang kanyang pinsan ang nagpalit ng damit at pinatulog ng maayos.
"Ngayon lang kita nakasama na inangkin ang lahat ng alak. Daig mo pa ang na broken hearted Almira, tskk! tskk! Sabi nito habang kinukumutan si Almira.
"Miss na miss na kita Mr ko, mahinang sabi ni Almira habang tulog. Nagtaka naman si Vanessa dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.
"Sinong Mr ko ang tinutukoy mo?nananaginip kaba pinsan? tanong nito pero hindi naman siya sinagot dahil tulog na tulog ito. Lumabas na ng kwarto si Vanessa para bumalik sa mga kaibigan niya.
Kinabukasan late ng nagising si Almira. After lunch umuwi na rin sila, pagdating ng bahay ni Almira nagulat siya ng wala ang kanyang uncle sa bahay. May nakita siyang notes sa mesa at binasa niya iyon.
"Almira hindi kita ma contact kailangan mong pumunta sa hospital. Chang Yumi.
Hindi pa niya nailapag ang kanyang bag tumakbo na si Almira papalabas ng pinto.
Sumakay siya ng taxi para puntahan ang hospital kung saan naroroon ang kanyang uncle. Halos hindi mapakali ang dalaga dahil sa pag-aalala.
Pagdating niya sa hospital agad niyang tinungo ang kwarto ng kanyang uncle. Pagbukas niya ng pinto nakita niya ang dalawang lalake na nakaputi at isang lalake na may katandaan na rin.
Hindi niya na pinansin kung sino ang mga taong iyon, agad siyang pumasok sa loob at niyakap niya ang kanyang uncle na nakahiga sa kama.
"Uncle! nandito na ako, uncle gumising ka please, mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Miss Almira hayaan mo muna ang uncle mo, halika may pag-uusapan tayo. Wika sa kanya ng lalakeng may katandaan.
"S-sino po kayo? b-bakit nandito kayo?
"Ako si secretary Ja sila naman ang bodyguard ng uncle mo.
"Bodyguard? ni uncle? gulat na tanong ni Almira.
"I mean bodyguard ko, mali ka ng rinig. Nandito ako para kausapin ka tungkol sa sakit ng uncle mo. May mga kailangan lang akong papirmahin sa'yo kaya sumama ka muna sa akin.
"Hindi ko po pwedeng iwanan si uncle dito.
"Hayaan mo nandyan naman ang dalawa kong bodyguard para bantayan ang uncle mo.
Bago sumama si Almira nilingon niya muna ang kanyang uncle. At pagkatapos ay sumama na ito kay secretary Ja.
Samantala nagising naman si uncle Matteo pagkaalis nila.
"Sir buti naman at gising na kayo.
"Lumapit kayo sa akin. Mahinang wika ni uncle Matteo at lumapit naman ang dalawang bodyguard.
"Kapag wala na ako kayong dalawa ang magbabantay sa pamangkin ko. Kayo ang magtatanggol sa kanya. Si secretary Ja na ang bahala sa inyo basta gawin niyo ang makakaya niyo hangga't maaari.
"Yes sir! gagawin po namin ang makakaya namin!
"Salamat, aniya at ipinikit nito ang kanyang mga mata.
Maya-maya ay dumating na sina secretary Ja at Almira.
"Salamat sa pagbabantay kay uncle, pwede na kayong umalis tutal nandito na ako. Simula ngayon ako na ang magbabantay sa kanya. Bago ko makalimutan sobrang thank you secretary Ja dahil kayo ang kusang nag bayad ng bills namin dito sa hospital. Hayaan niyo po paunti-unti mababayaran ko po kayo.
Ngumiti lang si secretary Ja, walang kaalam-alam si Almira na sa kanyang uncle nanggaling ang perang pinangbayad sa hospital.
"Kung ganoon kailangan na naming umalis Miss Almira. 'Wag mo ng alalahanin ang lahat ng gastusin. At nag vow na ito sa harap ni Almira bilang isang paggalang at umalis na ito.
Naupo sa tabi ng kanyang uncle si Almira, hinawakan niya ang kamay at kusang tumulo ang kanyang mga luha habang nakatitig lamang sa kanyang uncle.
"Biruin mo uncle nakahiga kana naman dito, diba sabi ko sa'yo ayaw na ayaw kong nandito tayo? bakit kasi ang kulit mo nag-aalala tuloy ako. Bilisan mo pong magpagaling dahil uuwi na tayo. Kailangan mo 'yon dahil ikaw ang magsasabit ng medalya sa akin, tsaka sa'yo ko ibibigay ang deploma ko. Pinahid niya ang kanyang mga luha at patuloy parin siya sa pagsasalita.
"Ikaw din uncle mamimiss mo ang paborito mong pandesal na sinasawsaw mo sa kape. Sabay tawa nang maalala niya ang kabaliwan nila ng kanyang uncle.
Habang umiikot ang orasan hindi parin umalis si Almira sa tabi ng kanyang uncle hanggang sa nakatulog na ito na nakasubsob sa gilid ng kama ang kanyang ulo habang nakaupo.
Nagising naman ang kanyang uncle at nakita ang hitsura ni Almira. Napangiti ito at niyapos sa buhok ang kanyang pamangkin.
"Napakaswerte ko Almira dahil itinuring mo akong isang tunay na ama. Hindi ako naging iba sa'yo kaya naman nalulungkot ang puso ko na iwan ka ng ganyan, maging malakas ka, matatag kapag nawala na ako.
Habang sinasabi iyon ni uncle may mga butil ng luha ang umagos sa gilid ng kanyang mga mata.
Pilit niya mang pigilan iyon ngunit kusang tumutulo dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]
Storie d'amoreANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG PHOTOGRAPHER AY ISA SA MGA IPINANGAKO NI ALMIRA JACINTO SA KANYANG UNCLE MATTEO. NGUNIT SA ARAW NG KANYANG PAGTATAPOS, IS ALSO THE THE DAY OF HER UNCLE'S DEATH. MATATAG, MATAPANG, AT HINDI SUMUSUKO SI ALMIR...