My Fraudster Wife♡♡♡
EPISODE 12 [Part 2]
Flashback....
"Ilang taon na ang nakalipas at marami na ang nagbago.Sa palagay ko panahon na rin para kalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.Alam mo bang pinag-isipan ko na talaga na kahit kailan hindi magiging kami.Oo,hinangad ko rin na sana balang araw maging akin siya at magiging masaya kaming dalawa.Although,mahirap paniwalaan pero nangarap at hinangad ko parin.
End of flasback...
"Bakit nagkakaganito ako?bakit nasasaktan ang puso ko?"kapag naaalala ko ang mga sinabi mo mas lalo akong nasasaktan.Hindi ko mapigilan at kusang tumutulo ang luha ko.Sinichi Yibo Fernando please pakinggang mo ako,bakit kung kailan nangyayari ito sayo saka ko naman nakikita ang halaga mo."Bukod sa mga kumikislap na stars sa langit ay nakikita rin ni Almira ang mga sasakyang panghipapawid habang nakatingala ito.
"Kung nakilala sana kita umpisa pa lang siguro ikaw ang unang minahal ko.Pero mali,maling magustuhan kita dahil isa lamang ang itinitibok ng puso ko kundi si Miguel lang.Siya lang ang lalakeng mahal na mahal ko at hindi na siya mapapalitan.Napabuntong hininga si Almira at napasandal na lamang siya sa sasakyan.
"Miss Almira hindi paba tayo uuwi?kailangan mo na rin magpahinga para bukas.Bungad ni secretary Ja na kakabukas lang ng salamin ng sasakyan.
Pumasok na sa loob si Almira at kusa niyang naitanong kay secretay Ja ang tungkol sa kanyang nararamdaman.
"Sir,pwede bang magmahal ng dalawa ang isang tao?"
Medyo nagulat ng kunti si secretary Ja at bahagya itong natawa.
"Ang weird po nuh?kung pwede lang po sana.
"Bakit naitanong mo Miss Almira?yan ba ang nararamdaman mo sa ngayon?Para sa'kin,ang magiging advice ko sa'yo ay hindi pwede.Halimbawa sa akin at sa asawa ko,syempre ayaw kong dalawa kami sa puso ng asawa ko.Hindi ako papayag dahil dapat ako lang.Parang padlock at susi lang yan,hindi mabubuksan ang padlock ng ibang susi kundi ang susi mismo nito.Kung baga ikaw Miss Almira hindi ka magiging masaya kung hindi mo kasama ang taong nagpapatibok ng puso mo.May pagkakataon ding nabubuksan ng ibang susi ang padlock pero pangit diba?bakit?dahil hindi naman pagmamay-ari nung padlock ang susing ginamit sa kanya dahil may nagmamay-ari din sa susing 'yon.Kung baga Miss Almira,sumaya ka lang nung nakilala mo ang isang nagugustuhan mo,akala mo mahal mo siya,akala mo masaya ka kapag kasama mo siya pero hindi pala dahil pansamantala lang pala 'yon.Pwede kang magmahal ng dalawa kaso kailangan mong mamili sa kanila kong sino ang totoong sinisigaw ng puso mo.Sa pag-ibig may nasasaktan,at may sumasaya.Meron ding nagpaparaya,masyadong mapaglaro ang tadhana kailangang maramdaman mo muna ang sakit bago ka sumaya.
"Paano kong ako na lang ang lumayo mas makabubuti pa yata 'yon.
"Si Yibo at Miguel ba ang tinutukoy mo?Alam mo Miss Almira,mahal niyo ni Miguel ang isat'isa.Marami na kayong pinagdaanan at nalagpasan niyong dalawa iyon.Pagmamahal ang naging tulay kung bakit nalagpasan niyo ang mga pagsubok na dumating sa inyong dalawa at hindi kayo nagpatinag.Kung kay Yibo naman marahil siya lang ang nagmamahal sa inyong dalawa.Aminin kong minahal kana niya noon pa,kaso nga lang hindi niya nasabi sayo ng mas maaga at iyon din ang mali niya.Sundin mo kung sino ang mas matimbang sa dalawa,sundin mo ang puso mo.
Napapikit si Almira,at napalunok na lang ito.Napansin niyang malapit na sila kaya nagpasalamat na ito kay secretary Ja.
Sinalubong naman siya ni chang Yumi at agad na silang pumasok sa loob.
"Almira alam naba ng mga police kung nasaan ngayon si Yibo?"diretsong tanong ni chang habang nilalapag ang malamig na tubig.
"Hindi pa po chang,nag-aalala ako sa kanya."hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya.
Tinapik ni chang sa braso si Almira.
"Ipagdasal natin na walang mangyayari sa kanya.Makakaligtas siya magtiwala lang tayo sa Diyos.
Tumango ang dalaga at mahigpit niyang niyakap si chang.Napatuon silang dalawa sa table ng marinig nila ang tunog kung saan nakalapag ang cellphone ni Almira.
Calling Miguel... ... ..
Sinenyasan siya ni chang na sagutin ang tumatawag.Inabot iyon ni Almira at sinagot niya ito.
"Hello."mahinang sabi ng dalaga.
"N-nasa harap ako ng b-ba-bahay mo,p--puntahan mo ako.Yun lang ang sinabi ni Miguel at binaba niya na ang linya.
Call ended...
"Anong sabi?tanong ni chang.
"Nasa labas siya chang.
"Puntahan mo na,malamang miss kana niyan.Napapansin kong sa dame ng mga nangyayari wala na kayong oras sa isat'isa.
"Pero chang iisipin paba namin 'yon?"mas kailangan ako ngayon ni Yibo.Kailangang malaman muna namin kung nasaan ang kapatid niya bago namin unahin ang tungkol sa aming dalawa."
"Almira,hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan.Syempre si Miguel din at ang pamilya niya.Sa palagay ko kailangan ka ngayon ni Miguel alam kong nalulungkot din siya sa mga nangyayari.Katulad mo kailangan niya rin ng karamay.Puntahan mo na siya sa labas.
"Sige po."sagot ng dalaga at lumabas na ito.Pagbukas niya ng gate bumungad sa kanya ang lasing na lasing na si Miguel.Nakasandal ito sa kotse habang sinisinok.Agad niya itong nilapitan at inalalayan.
"Miguel ano ba!"nagmaneho kang ganyan ka lasing?"p-pano kung---
"K--ku--kung maaksidente ako?hahaha!a--a--ako paba m-misis ko?sisiw lang sa akin ang m-m-magmaneho.Sagot niya habang ang kanyang ulo ay parang lantang gulay sa sobrang kalasingan.
"Napakayabang mo talaga!ano ba kasing problema mo bakit ka naglasing?
"E-e-ikaw ang p-p-problema ko Almira!n-nawa--walan k--kana ng time sa a-asawa mo!bigla niyang hinawakan sa pisngi si Almira at ngumiti ng malapad.Miss na miss ko na ang d--dati,pu-pu-pwede bang d-dito na lang ako m-matulog?sabay sinok at nasubsob sa dibdib ni Almira ang mukha ni Miguel.
Napahangos naman ang dalaga ng malalim at sinubukan niyang ibangon uli ang binata.
"Miguel,ano bang pinagsasabi mo?umayos ka nga dyan!Miguel!"sigaw niya pero hindi niya na narinig na sumagot ang binata kaya niyogyog niya ito.
"Naku,tinulugan yata ako ng lalakeng 'to."napanguso si Almira at wala na rin siyang nagawa kundi ang ipasok sa loob si Miguel.
Pinahiga niya sa kama ang binata,kumuha siya ng towel at maligamgam na tubig para punasan ito.
"Sorry Miguel kung nawawalan ako ng oras,pero miss na miss na rin kita Mr.ko.Nakakainis ka lang kasi kung bakit nagmaneho ka pa ng lasing.Dahil sa inis ni Almira muntikan niya ng mapigaan sa mukha si Miguel.
gamit ang towel na galing sa maliit na washbasin,buti na lang at dumating si chang Yumi na bitbit ang kapirasong damit."Almira ano bang ginagawa mo?hindi ganyan ang pagpunas.At tinuruan siya ni chang pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto pero bago iyon sinabihan siyang palitan ng damit si Miguel.
"P-pero chang!"
"Alangan man na ako ang magpalit sa kanya.Magiging mag asawa naman kayo pagdating ng panahon kaya wag ka ng mahiya Almira.Lalabas na ako,kung may kailangan kapa katukin mo lang ang pinto ng silid ko.
Tumango si Almira,pagkalabas ni chang napasulyap siya sa mukha ni Miguel.Napapikit siya at may binulong.
"Tinkerbell,tulungan mo akong wag kabahan,first time kong gawin ito kaya sana tulungan mo ako.Kung ano man ang kababalaghang makita ko please wag sana akong makagawa ng milagro.
"Misis ko."mahinang sabi ni Miguel kaya napadilat si Almira.
"Gising kana pala ikaw na lang kaya ang magpalit ng damit mo!sigaw niya pero hindi siya sinagot ni Miguel dahil bigla siyang hinawakan sa baywang at hinila siya ng malakas kaya napaibabaw siya sa binata.
Napatingin si Miguel kay Almira.Tinitigan niya ito sa mga mata,hanggang sa napangiti siya dahil nakita niya ang mapula at maliit na labi ng dalaga.Napakagat labi ang binata,ibinalik niyang muli ang kanyang mga titig sa mga mata ni Almira at dahan-dahan niya itong hinaplos sa pisngi.Pagkatapos ay napapikit siya at kanyang nilapit ang kanyang labi sa labi ni Almira.
BINABASA MO ANG
MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]
RomanceANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL BILANG ISANG PHOTOGRAPHER AY ISA SA MGA IPINANGAKO NI ALMIRA JACINTO SA KANYANG UNCLE MATTEO. NGUNIT SA ARAW NG KANYANG PAGTATAPOS, IS ALSO THE THE DAY OF HER UNCLE'S DEATH. MATATAG, MATAPANG, AT HINDI SUMUSUKO SI ALMIR...