ASHLEY POV
Haaayy life. Kasalukuyan na akong nasa airport ngayon. Hinihintay ko nalang ang pag-alis ng eroplano. Mahigit isang linggo na din ang nakalipas simula nung cheating disaster este examination na yun. At ano pa nga ba, since nandaya nga ako, automatic na na bagsak ako doon sa exam. At katumbas lang naman nun ang pagbalik ko sa Pilipinas.At oo, ngayon na nga ang alis ko. Tch.
Kung tinatanong niyo anong naging usapan namin ni Mama, sorry nalang, ayaw ko na balikan yun. Parati nalang akong naaunder dun. Aish!
.
.
.
[NAIA]
“Miss, sasakay po ba kayo?”
“No.”
“Ah. Eh miss, sa iba nalang po kayo tumambay, sakayan po ng taxi to.”
Naman oh! Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa airport na to. Susunduin naman kasi ako dapat nung magaling kong kuya. Kaso mag-iisang oras na wala pa rin ni anino niya man lang. Kaya nagpasya muna akong umupo sa hintayan ng mga magtataxi, dalawang maleta kaya ang dala ko. Syempre kailangan kong maupo kahit sandali.
At yun nga, since ‘tumatambay’ lang daw ako doon, sinuway nanaman tuloy ako ulit ni manong.Saan na ba kasi yung lalaki na yun?!!
Ah, alam ko na. Magjojollibee muna ako. Patok na patok ito sa Pinas daw eh. So dapat subukan ko to. *-* Lumaki na kasi ako sa US. Bumabalik lang kami dito every other year para magbakasyon. Siguro 8 years old palang ako nung huli kaming tumira nang pangmatagalan dito. And unfortunately, hindi ako nakakatikim ng pagkain galing fastfood chains. Ayaw kasi ni lola. Nakakasama daw yun. Pero wala naman masama kung susubukan ko diba? Wala naman siya dito eh. Wala naman siguro magagalit. *smirks*
Umorder ako ng chicken, spaghetti, burger, fries, sundae, at cokefloat. Oy! Hindi ako patay gutom ah, gusto ko lang tikman.
.
.
IVAN POV
Tahimik akong kumakain dito sa Jollibee sa airport kaso may nahagip ang mata ko na isang babaeng… ngayon lang ata nakakain?
Grabe naman ata kasi yan, parang may dragon sa tiyan. At tingnan mo oh, parang ngayon lang nakakain dito, ang saya-saya ng mukha niya sa tuwing susubo siya. Hahahahaha.
“Oh, baka matunaw.” Huh? Ako ba kausap neto?
“…” Kumunot yung noo ko.
“Haha. Yung sundae mo. ;)”
“S-sundae?”
At yun tinawanan lang ako with matching iling-iling pa. Sht. Sundae. Tama, kumakain ako ng sundae ngayon. Natutunaw na nga. Arrgh! Napatagal naman kasi ata ang titig ko doon. Nahuli pa tuloy ako. Nakakahiya. -_-
.
.
.
ASHLEY POV
Hahaahaha. Kanina pa ako tawang-tawa dito sa utak ko. Kung hindi lang nakakahiya, malamang gumulong na ako sa kakatawa dito. Eh kasi naman yung lalaki kanina, natulala sa... akin?! Wow ha. I'm so flattered. Namumula pa talaga siya kanina habang inuubos yung sundae niya. Nahiya ata. Haha.
"Oy! Ashley!" eh?
"S-Stanley?"
*to be continued
---------------
[A/N: short update. sorry]