7 - Girl Friend

69 4 2
                                    

ASHLEY POV

"Yow! Ash! Sabay ka na sa amin." - Xander na kasama si Ced

"Ah eh teka.. Susunod na lang kami ni Ivan." sagot ko naman. Lumabas na kasi ako ng classroom pero naiwan ko pa sa loob si Ivan. Kinausap pa kasi siya nung prof. Kaya heto ako ngayon, hinihintay siya. Sabay na kasi kami pupunta ng tambayan para mag lunch. Magkaklase nga kami diba? Si Tom lang naman tong ayaw. Ewan ko ba dun. Napapalapit na nga ako dito sa anim na mokong na to eh. Ay este, lima lang pala. Hindi naman kasi namamansin yung isa - Si Tom. Pamysterious effect pa. Tch..

Dalawang linggo. Dalawang linggo nang wala si kuya Stan dito. Sa totoo lang, medyo naiinis ako. Nakakainis naman kasi na kakarating ko lang dito tapos bigla ba naman akong iwan? Ampu!! Pero alam ko naman na mali ang magtanim ng galit sa kanya dahil importante naman yung lakad niya. Darating rin yung araw na siya na ang mamamalakad ng kumpanya namin, (yun nga lang dinamay pa ako. tch.) kaya sa tingin ko ayos lang din na umalis muna siya pansamantala para naman masubukan niya na ang mga gagawin niya sa susunod.

"Huwag mo na intayin yang si Ivan, kaya naman niya ng lumakad mag-isa. Tara na!" - at hinigit na ako bigla nitong si Xander. Walangya ah! -_-

--

"Oh! Xander! at... ?" -eh? sino naman to. Babae siya. Magkasing height lang siguro kami. Sino ba to?

"Whooa! Anong ginagawa mo ditong babae ka?!" - Xander

"Dinadalaw kita! Bakit ba?! Atsaka sino yan?! Huh!?" grabe naman kung makatingin sa akin tongg babaeng to. Yun bang titig na pamatay. Hindi yung killer look ng isang gwapo na nakakainlove kundi iyong tipong laser beam na kulang na lang susugurin niya na ako at papatayin.

"Ah eto ba. Girlfriend ko." - sabay akbay sa akin ni Xander

ay packing tape at duct tape. Parang alam ko na tong nangyayari ah. Babae ata to ni Xander at itong ulol na to ginamit pa talaga ako. Teka nga..

"ARAY!" sigaw ni Xander ng tinapakan ko, or should I say tinadyakan ko yung paa niya. At nung nakawala na ako sa akbay niya lumakad na ako palapit sa kambal. Pero bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

"Hindi ko yan boyfriend no. Kaya tigilan mo ako sa titig mong yan." sambit ko dun sa babae. Paano ba kasi yan nakapasok dito? Ang alam ko hindi naman sila basta bastang nagpapapasok dito ah. So girlfriend nga ba siya ni Xander? Hays, makakain na nga.

--

"WAAAHH! IVANNN!!" bigla akong narindi sa sigaw nitong babaeng to. Nasa mini kitchen kasi ako. Ayaw ko dun sa may couch, ang pangit ng sight. Ayaw ko kasing nakakakita ng PDA. Masyadong malaswa sa paningin ko. Well, hindi naman talaga sila PDA, parang unrequited nga eh. Hindi kasi pinapansin ni Xander yun. Natatawa nga ako paminnsan minsan. Nasisilip ko rin naman kasi sila dito. Nakakacurious rin naman kasi. Ngayon ko lang nakita yang girl eh.  Pero mukha naman ng sanay yung kambal dahil naglalaro lang sila ng PSP. Wow! May klase pa ah. At kelan pa nagkaroon ng PSP diyan?? Wahhh, gusto ko itry. *__*

"La-layuan mo nga ako! Nakakadiri!" -sabay tulak ni Ivan dun sa babae na kasalukuyang nakayapos sa kanya

"Wahhh! Ang mean mo! Ngayon na nga lang tayo magkikita *sniff* tapos *sniff* s-sabi mo pa *sniff* nakakadiri ako. Waaahhh!" at yun nagdrama na. Aish! Ayaw ko sa mga ganyan! Sino ba kasi yan?

Hindi ko na napigilan ang curiosity ko at lumabas na ako galing mini kitchen. Matanong na nga tong kambal.

"Ashley! Andito ka lang palang babae ka! Kung saan-saan pa kita hinanap ah." woah! Bakit andito na tong si Sundae sa harap ko ngayon. Bilis naman ata. The Flash, ganun?

Teka, hinanap niya ako? Ay oo nga, iniwan ko nga pala to. Pero andun naman si Cedric kanina ah.

"Eh, si Xan-"

"Wahh! Ivan, kaya ba ayaw mo na sa akin dahil may babae ka na?" alam niyo na siguro kung sino. tch.

"Tigilan mo nga ako. Tch." alam niyo nakikigaya talaga ng expression yang si Ivan. Kaka tch ko lang ah. Tch.

"So babae mo nga siya. Tama ako no. ^_^" -hala. bakit nakasmile na to. Nababaliw na ata.

"Hindi sila ni Ivan!" - Max

"Oo nga, magkaibigan lang sila!" - Chance

"Oo na. oo na. Defensive naman kayo masyado eh. Sayang naman. Aissh! Pero Ivan maggirlfriend ka na nga. Kung matatagalan pa yang pagiging single mo, ipagkakalat ko na talaga na bayot ka!" w-what? ohmygod. bayot si Ivan? Hindi naman ah.

"Hahahahaha!" ayun, tawa ng tawa yung kambal pati si Xander.

"Pero kung hindi siya kay Ivan, kanino siya? Bakit siya pumapasok dito. Exclusive lang tong place niyo ah." sabay turo niya sa akin.

"Kay Stanley yan!" -Chance

"WHAT!!?? OMG! So ikaw pala yung fian-asdfghjkl' -tinakpan ni Max yung bibig niya

tapos may binulong naman si Chance sa kanya.

"Ah, ehh.. kapatid ka pala ni Stan. Nice meeting you. I'm Ivy. Little sis ni Ivan." inabot niya sa akin yung kamay niya.

"N-Nice meeting you rin. Ashley." eh hindi naman kasi masyado nice yung meeting namin kanina. Kung makatangin eh.

"Sorry pala kanina ah! Akala ko kasi nambababae si Xan. Hehe. peace."

"Ah, it's okay. Let's just forget it." atleast nagsorry siya. Okay na siguro yun.

--

"Nga pala, Ivy!" - Max

"Oh?" - Ivy

"Wag ka sanang sumigaw ng nakakarindi sa sasabihin ko ah."

"huh? Ano ba yun?" nagtatakang tanong naman niya

"Eh, hindi na kayo pwede ni Xander."

"W-WHAT????!!!" grabe tong babaeng to. Megaphone. Machine gun. Microphone. Amplifier. Ang tindi ng boses mo, girl!

"Aish! Kakasabi lang eh!" reklamo naman ni Max.

"H-hoy! Bakit naman bawal huh? Eplain. Now." nakapamewang na siya this time. Taray mode. Ginagawa ko rin yan eh. Haha

"May usapan kami. Walang talo-talo. Kaya maswerte tong si Xander at nakalaya na siya sayo. Bwahahaha." -at sinbayan na ni Chance tumawa ang kambal niya. Mga loko talaga to! Nga pala, alam ko na rin yung rule nila na walang talo talo. Kaya nga kahit napapalapit ako sa kanila, iniiwasan ko yung pagkakaroon ng any affection towards them. Hanggang friends lang. Wala rin naman kasing lumalapit na ibang students masyado sa akin eh. May mga barkada na sila. Kaya dito na rin ako.

Nanlumo naman yung mukha ni Ivy pero mamaya-maya bigla niyang kinalabit si Ivan.

"Ivan. Tanggalin mo yung rule na yun. Leader ka naman, diba?" seryosong sabi niya kay Ivan pero hindi siya pinapansin

Pero mukhang nakulitan na rin siya sa walang hintong pagkakalabit ni Ivy.

"Pwde ba Ivy? Si Stanley ang nag-impose niyan. Hindi ko yun pwede galawin."

"Aish! Fine! For now. Tatanggalin ko  yang rule nyong yan. Tss. Kainis!"

at ayun nag walk-out na. Mukhang tinamaann talaga to kay Xander. Haha.

Pero matatanggal niya kaya yung rule na yun? Wala pa naman dito si Stan. But atleast mukhang magkakaroon na ako ng friend na babae. Yay!!! ^_^

--

*to be continued

[A/N: Sorry kung may typos. Hindi ko na inedit eh. Peace out! ^_^]

She's the... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon