“I-Ikaw?!” >_<
Nung nabanggit ko yun, bigla nalang siya namula. Waaahh. Ang cute! ^.^ Haha. At parang hindi na tuloy makasalita. Mukhang natamaan na to ah. Tch. Tch.
“So magkakilala nga kayo?” –Kuya Stan
“Huh? Hindi no. Namukhaan ko lang siya.” -ako
“Hmm.. Oh bro, namumula ka na oh.” –Stan
“Woah! Yan na ba yung tinatawag na blush? Pumupuso na si Ivan. Ayieee” pang-aasar nung isa nilang kasamahan. Lima sila actually. Itong si Mr. Sundae na Ivan ata ang pangalan. Then si Kuya. Tpos yung nagsalita bago lang. Yung isa naman pumipigil na ng tawa. At yung isa, parang wala lang pakialam. Nakashades with matching earphones pa.
Pero shemss, ang gwapo nila lahat. *__*
Hoy Ashley, wag kang papahalata, nandiyan ang kuya mo oh.
Oo nga naman. Hindi dapat ako papahalata. Ssshh. Haha
“Pero sino ba yan?” sabay turo sa akin nung lalaking pumipigil ng tawa kanina.
“Meet Ashley Ava Ashford. ^_^” –Kuya sabay akbay sa akin.
“A-ashford? Asawa mo Stan? Kasal ka na? Kelan pa? Bakit di mo sinab-aray!” ayun. Binatukan ni kuya. Pinagsasabi kasi nun? Kanina inasar si Mr. Sundae sa akin tpos ngayon gagawin akong asawa ni Kuya? Of all the people. Wow ha.
“Ulol! Kapatid ko to, hindi asawa. Kahit kelan ka talaga, Max!” ah so Max pala name neto.
“Ah, I see. Pero Stan, wala naman tayong rule na walang talo-talo diba?” Eh? Walang talo-talo? So dapat lahat panalo? Huh? Ano daw?
“Hoy Chance, simula ngayon meron na. Diba Ivan? Tara i-aanounce na yun sa buong grupo. Tara, sa tambayan.” Tpos biglan nalang akong kinaladkad ni kuya. San daw kami pupunta? Tambayan? Ahh. Okay.
.
.
Ilang pasikut-sikot rin ang dinaanan namin bago kami nakadating dito sa isang room na… tambayan? Eh kasi naman, may couch, TV, mini kitchen, may ibat-ibang sports at musical stuffs din, at konteng books. Halos isang maliit na bahay na. Kulang nalang kwarto. So tambayan nga. May dalawang gwapong nilalang rin na nakaupo sa may couch. Tumutugtog ng gitara yung isa, samantalang yung isa naman nagbabasa ng pocket book. So bale, pito na sila lahat ngayon. *__* Ang gagwapong nilalang.
Stanley. Stanley. Andiyan ang kapatid mo. Pasimple lang Ash. Hihihi
But wait, so hindi lang pala sa mga nababasa ko nangyayari yung mga ganito. Nababasa ko kasi yun sa mga ibang stories. Yung mga sikat na grupo sa isang school, mayroon silang sarili nilang tambayan. WOW! Feel ko nasa isa akong wattpad story. Ang cooooool! ^_^
[A/N: Nasa wattpad ka nga, Ashley!]
Tapos merong mga gwapo, then dito ko mamemeet yung makakatuluyan ko. OMG. Pipili na ako ng pinakacrush ko. Hahaha. Waahhh, teka, papasimple akong tititig sa kanila isa-isa mamaya. Secret lang yun. Isang mahigpit na sikreto. Patay ako kay Stan neto eh. Natatandaan ko tuloy ung mga sinabi niya.
Flashback:
“Ash?”
“Hmm?”
“Bawal ka pa magkaboyfriend ha.” Eh??
“Wala naman akong boyfriend ah.”
“Sinasabi ko lang. Lagot ka sa akin pag di mo yan sinunod.”
“Opo. Masusunod po, Mr. Stan.”
*end of flashback
See? Sinabi ko pa naman na masusunod. Kahit pa sarcastic yun. Ayaw na ayaw pa naman ni Kuya pag hindi ka nagiging totoo sa mga sinasabi mo. Pero sige lang. Kung tila wattpad man itong buhay ko, alam kong darating ang tamang panahon upang makapiling ko ang kaisa-isang lalakeng nakatadhana sa akin. Oh, nagiging makata na ako ng tunay ah. Hahaha But srsly, crush nalang muna for now. Ayiiee, kinikilig ako. Iniisip ko pa lang nga eh. Calm down, hormones. Calm down, my heart.