5 - Cafeteria Announcement

76 4 4
                                    

[A/N: Short update lang po muna. Medyo busy.  :( tsk]

STANLEY POV:

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang tambayan kasama yung magkapatid na Mendoza, sina Max at Chance. Lunchbreak na kasi ngayon at sabay-sabay kaming pito kumakain. Hindi naman na kami pumupunta ng cafeteria, paminsan minsan lang kung talagang kinakailangan. Hinahatidan na kasi kami mismo ng pagkain sa tambayan. Kasama lang naman kasi namin si Ivan. Kaya ayun, may special treatment. At oo, tama, magkapatid nga yung si Max at Chance. Kambal, specifically. Pero identical twins naman sila, so hindi mahirap i-distinguish. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad naming ay may narinig akong mga babaeng nag-uusap. Hindi naman ako yung tipong makikinig sa usapan ng iba sa kanila kaso talagang napintig yung tenga ko sa nadinig ko eh.

“Balita ko yung transferee kaholding hands daw si Ivan kanina. Like what?!”

“Yah. Ashley daw yung name niya. Ewan lang yung last name.”

“Haynako girl, aalamin natin yan.”

Amp*ta, si Ashley pati Ivan?! Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Nung nakita ko palang sila sa airport nagtaka na ako eh. At pinag-isipan ko rin yung mga what if's. At sa palagay ko, hindi talaga Malabo na magkagusto sila sa isa’t-isa. Masasabi ko yun dahil kilalang-kilala ko ang kapatid ko. Wala pa yan naging boyfriend pero nahahalata ko naman siya sa tuwing may nagugustuhan siya. Si Ivan naman, parang kapatid ko na rin. At hindi yan basta naaapektuhan ng isang babae. Ngunit iba siya kumilos pag andiyan si Ash eh. Kaya nga sinadya kong ibilin sa kanya si Ashley kanina. Para naman makita ko kung tama nga ang mga hinala ko.At sa tingin ko, hindi nga ako nagkakamali.

Huminto muna ako at tinext ang buong grupo.

“Sa cafeteria. Ngayon na.”

At dumiretso na kami nina Max at Chance doon. Hindi naman na sila nagtanong dahil alam kong narinig rin nila yung pinag-uusapan kanina.

.

.

Maya-maya’t dumating na ang iba pa pati na rin si Ashley. Tinatanong nila ako kung bakit, pero ang tanging sagot ko lang ay may iaanounce ako.

Hinawakan ko si Ashley at pumasok na sa loob. At ayun nga, biglang tumahimik at napatingin sila sa gawi namin.

“Makinig kayong lahat! Itong babaeng ito ay si Ashley…” Panimula ko. Pansin ko namang kumunot yung mga noo ng ibang kababaihan. Tsk.

“… transferee siya at KAPATID ko siya. Kaya naman kung sino man ang magtatangkang aaway sa kanya ay malalagot sa aming PITO. At wala rin sino mang pwedeng manligaw sa kanya. Naiintindihan niyo ba?”

Tumango naman sila.

“Mabuti naman. Yun lang.”

At lumabas na ako nang hawak-hawak pa rin si tong si Ash. Hindi naman siya umiimik. Nasa state of shock ata. Sumunod na rin naman yung anim. Sa tambayan nalang kami mag-uusap usap.

.

.

.

*to be continued

 [A/N: Yun oh. protective brother. haha Pero paano nga ba nabuo yung grupo ng SEVEN? Hmm… malalaman niyo rin yun, pero complete list of names lang muna for now. ^_^]

X Ivan Zeke Thorn

X Stanley Jace Ashford

X Chance Mendoza

X Elliot Max Mendoza

X Theodore Othello Madrigal (Tom)

X Alexander Marvin Lopez

X Cedric Torres

She's the... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon