6 - Goodbye Stanley

64 4 0
                                    

ASHLEY POV

Isang linggo na ang nakalipas mula noong pinakilala ako ni kuya sa university. Simula nun halos lahat na sila ay gustong makipagkaibigan sa akin. Pero syempre, hindi ko naman masyado pinapansin. If I know, lumalapit lang sila sa akin para makalapit dun sa SEVEN. Pansin ko rin kasi na mas dumadami yung bumabati sa akin sa tuwing may kasama ako na kahit isa man lang sa kanila.

At nga pala, ngayon ang araw na aalis si kuya Stanley.

*Flashback

Naririto kaming lahat, ako at ang SEVEN sa tambayan nila. Kakagaling lang naming sa cafeteria dahil nga biglaan akong ipinakilala ni Stanley. Hindi ko nga alam ang dapat kong maging reaksyon. Kakaiba kasi yung aura ni kuya ngayon at walo halos ni isa sa kanila ang umiimik.

“Aalis ako.”

O_O  huh?

“Business trip. Atleast two months akong mawawala.” Dugtong pa niya

“WHAT?!” –eh sa hindi ko talaga to inaasahan

“Whoa! Sigurado ka ba dyan bro?” -Max

“Oo nga, biglaan naman ata.” –Chance

“Saan ka pupunta?” – Xander, ung lalaking nakita kong gumigitara.

“Hindi ka pa naman gradute ah.” –Ced, yung mahilig magbasa. Grade conscious ata to.

“Hyung, kelan ka aalis?” -Ivan

“Next week na ang alis ko…”

*end of flashback

At ayun nga, gustuhin ko man siyang isama sa airport pero hindi naman niya ako pinapayagan. Dito nalang daw ako sa bahay at mag-aral para naman daw makahabol ako sa mga lessons. Tch.

 .

.

STANLEY POV

 “Bro, bakit ba kami lang ang nandito. Dapat lahat tayo kompleto ah. Ang tagal mo kayang mawawala.” -Max

Gustuhin ko mang isama ang buong SEVEN at si Ash dito sa airport ngunit hindi iyon maaari. Iyong kambal nga lang ang inatasan ko na samahan ako dito.

“May hihingiin sana akong pabor sa inyo eh. At wala sanang makaalam neto.”

Nagtinginan naman silang dalawa at kumunot ang mga noo nila.

“Gusto ko sanang bantayan niyo si Ashley. Huwag niyo sana masyadong papalapitin kay Ivan.”

“Huh?!” sabay pa sila.

“Basta gawin niyo nalang. May aasikasuhin pa ako sa pag-alis ko.” –sabi ko nlng para wala na masyadong tanong.

Tumango naman silang dalawa pero bakas pa rin sa mukha nila yung pagtataka.

 .

.

XANDER  POV

“Umusod ka nga nang konte Ced. Hindi ko naman marinig eh.”

Walanghiya talaga tong si Cedric. Hindi ko tuloy madinig. Kung nagtataka kayo kung anong nangyayari, ngayon lang naman ang alis ni Stanley at oo, nandito kami ni Ced sa airport. Nakakapagtaka nga naman kasi na hindi niya kami pinapunta dito. Ang tagal niya kayang mawawala. Kaya heto kaming dalawa ngayon, nakikinig sa usapan nila Stan at nung kambal. At ayun, buti naman umurong na tong si Cedric at dinig na dinig ko na. Nagtatago lang kasi kami sa may pader.

“May hihingiin sana akong pabor sa inyo eh. At wala sanang makaalam neto.”

“Gusto ko sanang bantayan niyo si Ashley. Huwag niyo sana masyadong papalapitin kay Ivan.”

“Huh?!”

“Basta gawin niyo nalang…”

At yun lang yung nadinig ko. Umalis na ata si Stan.Humarap na kasi si Ced sa akin eh.

“Bro, sigurado ka bang business trip yung pupuntahan ni Stanley? Parang hindi naman ah.” -Ced

Huh?

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Xander, may mali eh. Diba kailangan niya munang gumraduate bago siya maging tunay na parte ng company nila?” Tama, may usapan nga silang ganun sa pamilya niya. Para na rin daw makafocus siya sa pag-aaral. Pero pwede naman din sigurong hindi eh.

“Oo pero malay mo binigyan siya ng training.” Sagot ko naman. Pwde naman kasi yun diba?Exposure na rin yun.

“Hindi eh! Binawalan niya tayo na sumama dito sa airport tapos narinig mo ba yung sabi niya na Gusto ko sanang bantayan niyo si Ashley. Huwag niyo masyadong papalapitin kay Ivan.” Aba, at ginaya niya pa yung boses ni Stanley ah. Nice! ^_^

Pero teka nga..

Napaisip tuloy ako..

Teka..

Bigyan niyo ako ng moment..

Hahaha, joke lang. eto na.

Ting!

“Wow! Ang talino mo talaga Ced! Oo nga no, so ibig sabihin may tinatago si Stanley sa atin?”

“Parang ganun na nga.”

“So I guess di pa dito natatapos yung pagiging spy natin. Nice! ^_^”

“Aish! Halika na nga. Tulungan mo nalang ako. Aalamin natin ang katotohanan.”

Yes! Atleast kahit dito man lang maging spy ako. Haha. Pakialam niyo ba, eh sa ang cool kaya talaga nung mga secret agents, detectives, etc. Napapanood ko yan sila pero hanggang hanga lang ako. Sa musika kasi na punta ang galling ko. Pero hindi ako nagrereklamo ah, instead minamahal ko yung talentong yun. ^_^

.

.

.

*to be continued

She's the... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon