IVAN POV
Kanina ko pa pinapanood itong si Ashley kumain. Grabe, ang takaw nitong babaeng to. Nung nakita ko siya sa airport ganito rin siya eh. Ang dami nga niyang inorder nun. At eto siya ngayon, halos ubusin na yung isang box ng pizza. Kung titingnan mo nga, parang talo niya pa ang mga lalake sa katakawan eh. Pambihira tong babaeng to. At eto pa, pinabantayan pa talaga sa akin ni hyung. Tch. Hindi naman ako makatanggi doon. Parang kuya ko na talaga yun eh. Wala kasi akong kapatid na lalake, puros babae lahat. Only boy tuloy ako sa bahay. Tch.
.
.
At sa wakas, natapos na rin siya kumain, kaso may pahabaol pa na.. isang malakas na dighay. Napahawak nalang ako sa noo ko. Kakaiba talaga tong babaeng to. Kung gaano siya kasophisticated manamit at mag-ayos ng sarili, pwes kabaligtaran naman pag nasa harapan ng hapag kainan. Napailing nalang tuloy ako.
“Schedule mo?” – tanong ko
“Huh?” – siya. Tch. Schedule lang di pa alam? >_<
“Yung schedule mo, ihahatid na kita sa room niyo. Hindi ka pa naman pamilyar sa school na to, diba?”
Tapos ayun, kinuha nya yung papel sa bulsa niya at inabot sa akin. Gusot-gusot na nga eh. Ipasok ba naman sa bulsa ng pantalon. Nakakatanga tong babae na to. Hindi naman ganito si Hyung ah.
Teka, Business Management rin sya, so same course kami? At same block rin. Nakablock kasi lahat ng sections sa school na to maliban sa mga 4th years. Mayroon nang mga gawang schedule for the courses at may limited slots lang. So first come, first serve basis. Pero naknang, ibig sabihin parati ko tong makakasama, aish! Napakunot tuloy yung noo ko.
‘Oh, bakit?” –tanong niya, napansin ata yung expression ko.
“Wala.. wala.. tara na.” Hindi ko na muna binaggit na magkaklase kami. Baka madami pa tong tatanungin eh. Mahirap na. Hindi pa naman ako masyado nakikipag-usap sa mga kung sino maliban dun sa anim.
*lakad lakad
*lakad lakad
Napatigil lang ako nung bigla niya sinundot yung tagiliran ko. Problema nito? Tumingin ako saglit sa kanya at nagpatuloy na sa paglakad.
“Hoy, I-Ivan. May dumi ba sa mukha ko? May mali ba sa damit ko? Kanina pa sila nagsisipagtinginan tapos nagbubulungan oh.” –tpos tinuro niya ng bahagya yung mga estudyante. Parang bata naman yung itsura niya ngayon.
“Wala yan. Wag mo na pansinin.”
Hindi naman na kasi ako nababahala sa mga pasulyap sulyap na estudyante. Nasanay na rin ako. Yun bang sa tuwing dadaan ako, o kahit sino sa aming pito ay magsisipagtabihan sila. Ako yata si Ivan Zeke Thorn. ^-^
Nakarating na kami sa room namin, hindi pa naman nagsisimula yung klase. May fifteen minutes pa.Pumasok na ako sa room at sumunod naman siya. Pero sinundot nanaman niya yung tagiliran ko. Ugh!
“What now?” inis kong pagtanong
“By chance, magkaklase ba tayo?” tapos nagsmile siya. *_* Ang ganda talaga ng ngiti niya. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi ako magpapadistract diyan. Bahala ka.
Kaya tumalikod na ako at umupo sa upuan ko. By three’s kasi yung seating arrangement dito. Bakante yung gitna para lalagyanan namin ng bag namin. Sa kanan ako at sa kaliwa naman si Tom. Nakaupo na nga siya sa upuan niya at nakatingin lang sa kawalan. Nagsa-soundtrip naman ata. Nakapansak nanaman yung earphones niya sa tenga niya eh. Ganyan talaga yan. Hindi yan masyado maimik. Yan na ata pinakatahimik sa aming pito. Minsan nga iniisip ko kung may problema ba to. Kaso wala naman akong nakikitang mali eh. Siguro nga tahimik lang talaga yan. Siya nga lang ang kaklase ko sa grupo. Graduating na kasi sila Stanley, Chance at Max. Yung dalawa naman, sina Xander at Ced ay ibang course ang tinetake.