--Raindell's Point of View--
"nandiyan na ba ang lahat sa loob?" walang emosiyon kong tanong sa isa kong tauhan.
"opo sir." sagot naman nito na tinanguan ko lang.
As I step forward towards the abandon basement, I can feel the urge inside of me to kill someone. To kill a demon. But hell Im more demon than to anyone else.
"MGA P*T*N*I*A NIYO PAKAWALAN NIYO KO RITO!" sigaw na salubong sakin ng isang lalaking naka blind fold at nakagapos.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at nakita ko ang ilang mga kalalakihan na nakagapos rin.
"Ito na ba ang lahat?" tanong ko
"opo sir."
diretso akong pumunta sa direksiyon ng lalaking nagsisisigaw at tinanggal ang blind fold nito.
"PO*AN*I*N* MO! ANONG ATRASO KO SAYONG HUDAS KA HUH!" sigaw nito sakin dahilan kung bakit ko ito sinuntok ng pagkalakas lakas.
"TA*G*NA MO RING GAGO KA! ATRASO? OO MALAKI ANG ATRASO MO." ganting sigaw ko rin dito.
Tan***a gusto ko ng pagbabangasan ang mga lalaking ito. Mga p*t* sila.
"DAHIL SA INYONG MGA P*TA KAYO NAPAHAMAK ANG BABAING MAHAL KO!" dagdag ko pa bago sinuntok muli ang lalaki. Kulang pa ang pangbubugbug na ito sa ginawa nila kay Akyla. Dahil sa kanila kung bakit siya'y nahihirapan ngayon at lalong nagpupuyus ako sa galit dahil sila ang dahilan kung bakit bumalik ang kanyang sakit.
Tinigil ko lang ang pambubugbog ko nang makitang nagdudugo na ang aking kamao. Marahas ko itong binitawan at ibinaling ang tingin sa mga lalaking nakagapos rin. Mga pito ata sila.
Agad ko silang linapitan at binigyan ng magkasunod sunod na suntok. Wala akong pakialam kung hindi man sila makaganti sakin. Ang gusto ko lang ay mapaghigantihan ang ginawa nila sa babaeng mahal na mahal ko.
I stop as I saw them lying on the cold cement. Tinapunan ko ng tingin ang mga tauhan ko.
"kayo na ang bahala sa mga yan." sabi ko bago umalis sa mala empyernong basement na yun.
***
I heave a sigh before enter in Akyla's room. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang kama at tulala na naman sa kawalan.
It's been one week since she confine here in this asylum. Nakakatawang isipin na ang pangyayari noon ay nangyayari na naman sa kasalukuyan. Ngayon. This scene.
Umupo ako sa kanyang tabi at marahang hinaplos ang kanyang mahabang buhok. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing siya'y aking nakikita sa ganitong kalagayan.
"Akyla." mahinang tawag ko sa kanya. "im sorry." dagdag ko pa.
I close my eyes as i feel the mere liquid in my cheeks. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan na kong umiyak. Magmukha man akong bakla ngunit hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nananalaytay sa aking dibdib.
Muli akong dumilat, at sa pagkakataong ito nasa akin na ang kanyang paningin. Di ko na napigilan pa ang aking sarili at tuluyan ko na siyang ikinulong sa aking mga bisig.
"Akyla, im sorry. Im really sorry." paulit ulit kong sambit habang nakayakap parin sa kanya at umiiyak. Subalit ako'y natigilan nang siya'y tumugon sa aking yakap.
"h-huwag ka nang umiyak boss."
***