Rodny's Pov
Walang ingay akong nagtungo sa likod ng hospital. Parang ninja kong kumilos. Mataas ang gate ng hospital kaya kailangan kong mag-ingat pag-akyat para walang makakita. Hindi naman ako naghirap dahil ang pagiging mafia reaper ko ay sanay na sa ganito at nakakatulong din ang dilim ng gabi. Maingat akong naglakad patungo sa exit door, pero bago pa ko makatung-tung ay may nakita akong guard na nagroronda. Nagtago ako sa isang malaking puno na nandito at mahinang napamura nang may kung ano akong naapakan dahilan upang makagawa ito ng ingay.
"Sino ang nanjan?" rinig kong sinabi ng gwardiya habang nakatutok ang flashlight sa mismong tinataguan ko.
Rinig ko ang mahinang yapak niya papalapit sa gawi ko. Nang siya'y makalapit ay agad agad ko itong inundayan ng suntok. Napakalakas na suntok.
"a-anong--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang sinuntok ko siyang muli at sinipa dahilan ng kanyang pagsalpak sa lupa. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang ibaba ng magkabilaang tenga niya.
"Sana hindi ka nalang pumunta dito kung mahal mo pa ang buhay mo, pero pasensiyahan nalang tayo at malaki kang sagabal." mahinang sabi ko bago walang awang binaliko ang ulo niya.
Walang buhay ko siyang binitawan at dahan-dahang pumasok sa building. Kailangan ko nang magmadali dahil ano mang oras ay matatagpuan ang katawan ng gwardiyang iyon.
'malaki talagang sagabal, peste.'
Maingat at purong kilos ang ginagawa ko para wala nang makakita sakin. Mabuti nalang at alam ko kung saan ang kwarto ng Akyla'ng iyon kaya hindi ako mahihirapan sa paghahanap.
Inayos ko ang nurse uniform ko bago magpakita sa lahat. Naka mask ako kaya hindi kita ang mukha ko. May ilan ilan din akong nakakasalubong na mga nurse na may dala dalang wheel chair pero walang nakasakay.
Ilang pasikot-sikot sa hallway ang dinaanan ko bago makarating sa mismong pinto ng kwarto nung Akyla. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo at nakasandal sa ulunan.
Kita ko ang pagtingin niya sa gawi ko at umayos ng upo. "Mr. Nurse" mahinang tawag niya sakin na ikinangisi ko.
"good evening ma'am." sabi ko
"good evening din. Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong niya na mas lalong ikinangisi ko.
"sinusundo ka papunta kay dra. Dimakasubo. May session kayo ngayon." sagot ko at tinutukoy ang isa sa mga doktora dito.
"session? Sa ganitong oras?"
"oo." tanging sagot ko at lumapit sa wheelchair na nasa tabi ng kanyang kama.
"sumakay na po kayo dito. Aalalayan ko kayo."
"s-sige" hindi ako nahirapang paupuin siya sa wheelchair dahil tinutulungan niya mismo ang sarili niya, tuloy mas lalo akong napapangisi sa ilalim ng mask na ito. Wala siyang kamalay malay na hindi na siya magtatagal sa lugar na ito.
Kawawang Akyla, pero mas kawawa ang Raindell hahaha.
Nakaupo na siya ngayon at itutulak ko na sana ang wheelchair nang mapansin kong nakatulala siyang nakatingin sa...
Mas lalo akong napangisi habang nakikita ang rumerehistrong takot sa kanyang mukha.
"b-baril?" natatakot na saad niya.
Nakangisi akong napatingin sa tinitingnan niya. Ang baril sa tagiliran ko. "enjoying the view?" nakangisi kong tanong dito.
"s-sino ka?" takot din na tanong niya. Hindi ko talaga mapangalanan ang saya sa aking dibdib habang may nakikita akong taong natatakot sakin.
'sige lang, matakot ka pa. Mas lalo mo kong pinapasaya.'
"ako? Hmmm.... isang nurse?" nakakalukong saad ko na mas lalong ikinatakot niya.
Tatayo na sana siya pero nahawakan ko kagad magkabilang balikat niya at hinarap siya.
"oppss san ka pupunta. Diba may session ka pa kay Dimakasubo?"
"h-hindi nagsisinungaling ka. S-sino ka? A-anong gagawin mo sakin?"
"tsk tsk. Masiyado ka namang maraming tanong. Nakakarindi alam mo yun?" malumanay na saad ko.
"p-please kung a-ano man ang s-sadya mo, itigil mo na."
"ha! At sa tingin mo gagawin ko yun?"
"p-please.... TULO--"
"oppss wag kang mag ingay, baka madulas tong kamay ko at bumulagta ka nalang dito." malumanay ko pa ring saad habang dinidiinan ang pagkakahawak sa bibig niya. Nagpupumiglas siya pero syempre mas malakas ako kaya wala siyang nagagawa.
Dali dali kong kinuha ang syringe na nasa bulsa ng damit ko at agad ininject sa kanya. Ang kaninang nagpupumiglas na Akyla ay mahimbing nang natutulog.
Inayos ko muna siya sa pagkakaupo sa wheelchair bago ito dahan dahang itulak. Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala ng tao sa hallway at wala na kong maididispatsa.
Iniwan ko ang wheelchair sa labas ng exit door at kinarga siya. Dahil may dala na kong tao mahihirapan na kong umakyat sa gate kaya wala akong choice kundi sa gate mismo dumaan.
Well nadaanan ko parin ang nakabulagtang guard at masasabi kong siniswerte ako.
Mas lalo akong napangisi na wala manlang nakabantay na sa gate dahilan para hindi manlang ako napawisan sa paglabas. At sa paglabas kung iyon ay may sasakyang huminto at agad agad akong pumasok dito.
'mission accomplished'
***
Akyla's Pov
Idinilat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang isang nakakasilaw na bagay. Pumikit akong muli tapos dumilat pero naroon parin ang nakakasilaw na iyon. Tatayo na sana ako nang may mapansin akong kakaiba.
Gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang mapagtantong nakatali ang paa, kamay at katawan ko.
"Finally, nagising ka rin." napalingon ako sa nagsalita pero di ko masiyadong maaninag ang mukha niya.
"s-sino ka? N-nasan ako? A-anong gagawin niyo sakin?" kanda-utal utal kong tanong dito.
"tama nga si Rodny, masyado kang matanong. Well, Im Mr. Darwin Kyshawn. At nandito ka para mas mabilis kang gumaling sa sakit mo, pero ang alaala mo ay mapapalitan ng panibago. Diba ang galing?" nakakalokong saad nito.
"a-anong pinagsasasabi mo?"
"HAHAHAHAHAHA, discover it on your own-- Sige Gawin niyo na."
bago pa ko makareact ay may kung anong ginawa nila sa ulo ko dahilan para mapalahaw ako sa sakit.
"AAAAHHHHHH!!" sigaw ko. Para akong kinukuryente.
Butil butil na luha ang pinakawalan ko bago ako tuluyang kainin ng dilim.