Prologue

329 15 2
                                    


Third person's POV

Sa isang sikretong silid naman makikita ang dalawang taong nag-uusap.

Silang dalawa ay nakaupo habang nakaharap sa isang pabilog na mesa na may nag-iisang kandilang nakasindi.

"Malapit na ang kaarawan ng prinsesa... At sa araw ding iyon iaanunsyo ni Oceana ang isang mensaheng siya lang ang nakaaalam..." sabi ng isang lalaking nakatalukbong ang buong ulo na halos hindi na makita ang kanyang buong mukha.

"Ano ang gusto mong gawin namin?" sabi ng isang lalaki.

"Dukutin niyo ang prinsesa at patayin!" --

"Sige... Kung 'yan ang gusto mo" tugon niya.

"Siguraduhin niyo lang na magagawa niyo ito ng maayos. Nakalimutan niyo na yatang isang royal blood ang dudukutin ninyo? Na alam naman nating likas na makapangyarihan." --

"Nakalimutan mo na rin yatang kami ang Thirdwave?" sagot niya.

"Alam kong kayo ang grupo ng mga Aquasian na sanay na sa kung anong ilegal na gawain. Pero, mag-iingat pa rin kayo. Mukha lang mahina at parang walang ka kwenta-kwenta at parang bata-isip... Hindi pala "parang", bata-isip nga talaga ang bugwit na 'yun" biro niya. "Heto na nga... Mukha lang siyang mahina pero may natatagong kapangyarihan din ang Zhanaia na 'yun kaya pagplanuhan niyo ito ng mabuti at bilisan na ninyo!" sigaw ng lalaking nakatalukbong.

"Masusunod General Tide..." sagot ng kaharap niya.

************

Zhanaia's POV

Hello everyone! 😉😆

Ikinagagalak kong ipakilala ang aking sarili. 😃😃

My name is Zhanaia Sophia Craine Bluewave Watergreat. ♥️

Ang haba 'di ba? 😅😅

Btw, 17 years old na ako at malapit na akong mag-debut.

Si Ina lang naman talaga ang may gusto na ipagdiwang ng bongga ang kaarawan ko, pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ang regalong bagay dahil tumatagal hindi tulad ng pagdiriwang na tumatagal lang ng isang araw.

Hmmmp!! 😑😑😑

Nag-iisa lang akong anak nina Queen Maria Oceana Bluewave Watergreat at King Tridentirr Magnus Bluewave Watergreat.

Ngunit nang dahil sa isang insidente nung bata pa ako, ay namatay ang aking ama dahil sa pagliligtas sa akin.

Natatandaan ko pa nga ang napakadilim na alaalang iyon na ikwenento ni Ina.

Nag-umpisa ang lahat nung may nagtangka raw sa aking buhay nung mga tatlong taon pa lang ako.

Mahimbing daw akong natutulog noon sa loob ng aking silid nang biglang may isang napakamisteryosong nilalang ang pumasok dala ang isang patalim para ako ay patayin.

Sinubukan niya akong saksakin ngunit hindi siya nagtagumpay dahil bigla na lang akong nabalutan ng kulay asul na enerhiya at ang nilalang na ito ay tumilapon at nagdulot ito ng malaking sugat sa kanyang dibdib na hugis ekis.

Hindi nagtagumpay ang nilalang na ito sa pangalawang pagkakataon dahil naabutan siya ng aking ama at pinigilan.

Naglaban nang naglaban si Ama at ang misteryosong nilalang na ito hanggang sa si Ama ay aksidenteng nasaksak sa kanyang dibdib na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

At simula ng gabing iyon ay hindi na natagpuan pa ang misteryosong nilalang na ito hanggang sa ngayon.

Lumipas ang mga taon at naging mas maingat na ang kaharian. Mas hinigpitan pa nila ang siguridad ng buong palasyo at mas naging strikto na si Ina sa akin, na halos lahat ng galaw ko ay dapat alam niya! 😑😑😑

At nang dahil na rin sa naganap na digmaan sa pagitan ng mga alien 👽 at ng grupo ng mga superheroes ⚡ ay mas naging mahigpit na si Ina sa akin. 😑😑😑😭😭

'Yoko na talaga sa Earth. 😅😅

Kaya nga ngayon sinusubukan kong gumawa ng plano para ako ay makatakas at maging malaya.

Pero paano kaya? 🤔🤔

***************

I PROUDLY PRESENTS...

FROM THE UNIVERSE THAT BROUGHT YOU...

THE RED ARMOR, ☢️

LEGENDARIA, 🏹

THE MYTHMEN REBORN,

DETECTIVE DEMON, 🔍

AND...

CONVERGENCE GENESIS. 🌐

IT'S HER TIME TO SHINE...

COMIIX SUPERHERO UNIVERSE PRESENTS...

ZHANAIA: THE WATER PRINCESS.

*********

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon