Chapter 1: Aquasia

258 13 1
                                    

Zhanaia's POV

Aliens, Mythmens, Sorcerers, Angels, Demons, Centaurs, Superhumans and Magical Creatures. Alam mo na kung sino sila at ano sila, pero hindi mo pa alam kung ano ang mga Aquasian.

Sirena kung tawagin sa lupa ang mga kagaya naming aquasian, pero hindi niyo pa talaga kami tuluyang kilala.


Habang nakatingin ako mula sa aking bintana na nababalutan ng bula ay panandalian kong nakalimutan ang aking mga problema. Huminga ako ng malalim at nilasap ang ganda ng panahon, na kahit sobrang lalim na ng kinalalagyan namin ay naaabot pa rin ito ng araw na lumilikha ng kakaibang ilaw na sumasayaw sa tubig. Maganda ang panahon, matiwasay ang lahat at walang gulo. Sa paglingon ko ay napansin ko agad ang mga naglalakihang gusali na nakababad sa tubig alat.

Aquasia, isang lugar na kung saan pinamumunuan ng isang reyna, ang aking ina si Oceana Watergreat.

Ang Aquasia ay matatagpuan sa kailaliman ng pacific ocean na walang sinumang tao ang nakararating.

Mayroong napakalaking kastilyo ang Aquasia na gawa sa kakaibang uri ng buhangin at dinurog na perlas na kulay asul na tinatawag na Blue Pearl. Ang buong kastilyo ay silyado gamit ang isang mahiwagang bula na hindi nababasag o pumuputok, para mapanatiling tuyo ang loob. Ang mahiwagang bula na ito ay nakalagay sa mga bintana, pintuan at sa kahit ano mang lagusan, palabas o papasok man dito sa kastilyo.

Ang mismong kastilyo ay nakatayo sa gitna ng syudad na may samu't saring establisyemento na may iba't ibang laki at hugis na silyado rin ng mahiwagang bula na ito.

May isang napakataas na tore na konektado dito sa kastilyo ang may isang kampana, na tumutunog kapag alas dose na ng hatinggabi. Ito rin ang nagsisilbing pang-alarma sa mga mamamayan kapag may gulo.

Maliban sa Aquasia, marami ring ibang kaharian na nakatayo sa ibang parte ng karagatan. Kung ang Aquasia ay sa Pacific ocean, ang Indoquaria naman ang namununo sa parteng Indian ocean at sa malawak na dagat na sakop ng katimugang asya. Sa Atlantic ocean naman ay ang Eurosus na kinabibilangan din ng mga dagat na sakop ng mga European countries at america.

Lahat sila ay nagtutulong-tulong para mapabuti ang kalagayan ng karagatan.

Habang patuloy akong nag-iisip ay bigla naman akong tinawag ni Seymore, ang aming butler. Siya ay isang butler na laging suot ang kulay puti niyang uniform na may blue accents. At take note, palagi siyang nakasimangot at sobrang seryoso niya sa mga bagay-bagay kahit na halos dalawang taon lang naman ang tanda niya sa akin. Gwapo naman siya pero, hindi siya ang tipo ko at mas gusto ko siyang kaibigan. 😇

Kumatok siya ng dalawang beses at pumasok sa aking kwarto.

"Mahal na prinsesang Zhanaia, tinatawag na po kayo para sa sukatin ang iyong damit para sa iyong kaarawan" sabi niya.

"Sige..." sabi ko at tumayo at kami na nga ay umalis.

Sa aming paglalakad ay napansin ko naman ang paghahandang ginagawa ng mga tauhan ng kastilyo. Nag-uumpisa na silang magkabit ng mga kung anu-anong bagay na kulay asul dahil bukas na bukas ay ipagdiriwang ko na ang aking ika-labingwalong kaarawan. ♥️

"Ah Seymore, bakit ang aga naman yata ng mga paghahandang ginagawa ninyo?" sabi ko.

"Dahil iyon ang utos ng inyong ina mahal na prinsesa" --

"Parang mas sabik pa siya sa akin ah" mahina kong sabi. 😏

"Ah... Ano po 'yun?"

"Ah, wala-wala" sabi kong gano'n. 😅

Hay... Bakit yatang mas excited pa sila sa akin? Parang sila 'yung may kaarawan ah? Huh. 😏

Binuksan ni Seymore ang isang pinto at pumasok ako.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon