Chapter 4: The Conversations

123 13 1
                                    

Zhanaia's POV

Diyos ko!! 😱😱😱

Parang maghahalikan pa yata kami ng lalaking 'to! 😱😱

Nakadikit ngayon sa akin ang matigas niyang...

Katawan. 😅😅

At mas nilalapit pa niya ang kanyang mukha sa akin!! Huwag!! 😣😣

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo at hindi niya itinuloy ang kanyang masamang balak. Hay salamat. 😪😪

"Hooo!" paghinga ko. 😮😮

"Asyumera! Akala mo naman siguro hahalikan kita. No way!" sabi niya.

Abay... Ang lakas ng tiwala niya sa sarili ah? "Tsk" 😏😏

"Teka nga muna, bakit ka nga pala nandito sa isla namin? Siguro isa kang baliw na takas mula sa mental 'no? Na nilangoy ang dagat at naligaw dito 'no?" sabi niya habang itinuturo ako.

"Alam mo, ikaw siguro ang baliw! Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo!" 😤😤

"Hay naku, bakit hanggang ngayon ay kinakausap pa kita?!" sabi niya at tumalikod at nagkalad habang pumipito.

"Hoy teka lang!" sabi ko at tumayo. "Hintay!" 😁😁

"Hay naku bahala ka sa buhay mo!" sabi niya at nagpatuloy na naglakad habang ang dalawang kamay niya ay nasa kanyang ulo.

Bigla naman akong nakaramdam ng sakit.

"Aray!" sigaw ko. 😖😖

Ano ba 'tong nararamdaman kong sakit?

Bigla naman akong napahawak sa aking binti.

Ano?! Bakit ako may sugat?

"Ah... Lalaking masungit..." sabi ko at mabilis na nawalan ng malay.

*************

Kiro's POV

Kung akala mong kakausapin pa kitang muli, nagkakamali ka! Huh.

"Ah... Lalaking masungit..." mahina niyang sabi at biglang hindi na nagsalita.

Huwaw!!

Ako masungit?

Hindi 'no!

Bigla naman akong napalingon sa kanya at nagulat ako na nakahandusay na siya sa buhangin at walang malay.

"Hoy babae! Huwag kang magbiro nang ganyan! Hoy!" pagpa-panic ko habang niyuyugyog siya.

Teka lang bakit may lumalabas na dugo sa kanyang binti?!

"Kailangan niya ng agarang tulong!" sabi ko at binuhat ko siya at dinala malapit sa aking jet ski.

Pinindot ko ang isang buton sa gilid nito at bumukas ang isang maliit na pinto. Kinuha ko dito ang isang emergency kit at sinimulang gamutin ang kanyang sugat.

*************

Tapos ko na ngang gamutin ang sugat niya at bigla akong napaupo.

"Hayy" paghinga ko.

Napatingin naman ako sa araw na unti-unting lumulubog na para bang nangangahulugang tapos na ang araw na ito. Makalipas ang ilang taon, natanaw ko na rin ng buo ang paglubog ng araw. Hayy... Nakaka-miss din ang mga ganitong pagkakataon, na para bang birthday na hinihintay natin taun-taon.

"Gumagabi na, kailangan ko na rin yatang maghanap ng panggatong" sabi ko at sinimulang naghanap ng mga kahoy.

*************

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon