Zhanaia's POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sadyang wala akong maihahambing na salita para dito.
Kasalukuyan pa rin kaming nakasakay sa kanyang motorsiklo na mayroong napakagandang tunog na nililikha.
Hapon na at kararating lang namin ni Kiro sa isang lugar na napakaganda.
"Ah, Kiro, anong lugar ba 'to?" 🤔🤔😣
"Nasa Theme park namin tayo. Tara pasok tayo. Punta tayo sa ticket booth" sabi ni Kiro at kami na nga ay nagpatuloy.
"Welcome to Aqualand Theme park sir" sabi ng isang babaeng nasa loob ng isang maliit na silid na may malaking glass na dingding sa harap.
Itinaas ni Kiro ang itim na salamin na nasa kanyang suot na helmet at biglang pinindot ng babae ang isang kung anong buton at biglang tumaas ang isang makintab na bakal na nakaharang.
"Ikaw pala sir Kiro, ah... Enjoy!" sabi ng babae at biglang ngumiti.
Pumasok na nga kami sa loob at nagulat ako na marami palang mga kakaibang atraksyon ang nandito.
Marami na ring tao ang nandito. Mga magkakapamilya, magkakaibigan at mga kabataan.
Pumarada na nga kami ni Kiro at bumaba sa kanyang motorsiklo. Hinubad niya ang kanyang helmet at gayundin na rin ang sa akin.
Inayos niya ang aking buhok at sinabing...
"Ayan... Ganda mo na."
😣😣😣
"Ah... Halika, dito tayo" dugtong niya at bigla niya akong hinawakan sa kamay at patakbo kaming pumunta sa isang parang tindahan.
"Ano ba ang gagawin natin?" 😣😣
"Maglalaro tayo. Ah manong pakiabot nga po..." sabi ni Kiro at biglang iniabot ng isang lalaki ang dalawang laruang baril na para bang aquasian weapon na may nakakonektang malambot na tubo. "Siguro alam mo naman kung paano gamitin 'to 'di ba?"
"Ah... Oo naman. Syempre gagamitin natin ang baril na 'to para basain ang lalaking 'yan! Yah! Yah! Yah! Pow! Pow! Pow!" parang baliw kong sabi at bigla kong pinagbabaril ang lalaking tagabantay at nagulat ako na tubig ang lumalabas na bala.
Wow! 😯😃😄
"Hay naku, akala ko pa naman alam mo. Hay... Ikaw talagang babae ka, para kang hindi nanggaling dito sa earth. Okay stop it..." mahinahon niyang sabi at bigla niyang kinuha ang hawak kong baril.
"Pow... Pow... Pow..." sabi ko sa isang boses na mula sa malakas papunta sa mahina. 😣😣
"Hay naku, palabiro ka talaga..."
"Paano ba kasi 'yan?" 🤔🤔😑😑😅
"Ganito oh..." sabi niya at bigla niya na lang akong niyakap mula sa likod. "Hawakan mo dito tapos... 'Yun, asintahin mo ang bagay na 'yun na mukhang sea monster... Then go!" sabi niya at bigla niyang pinatamaan ang isang laruang halimaw-dagat na nasa gitna.
"Ah... Gano'n pala" sabi ko. 😑😑😅
At 'yun na nga. Naglaro na nga kami nang naglaro ni Kiro dito at sa iba pang mga palaruan. Sumakay kami sa mga tinatawag nilang "rides" lalong lalo na sa 'yung tinatawag nilang "ferris wheel".
Masaya ang mga naganap sa mga nakaraang mga oras. Mukhang ito na yata ang pinakamasayang kaarawan na naranasan ko makalipas ang halos labingwalong taon.
Pero kahit ang saya-saya ko na ngayon sa piling ni Kiro... Bakit parang may kulang?
Hinahanap ko si ina at si Seymore at ang mga masasayang alaalang bumabalik sa aking isipan.
![](https://img.wattpad.com/cover/155034563-288-k580719.jpg)
BINABASA MO ANG
ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)
FantasyIsang pasaway na prinsesa ang makatututo ng isang leksyon na makapagpapabago ng kanyang buhay. Naganap ang istoryang ito pagkatapos ng mga pangyayari sa CONVERGENCE GENESIS. Dahil sa naganap na digmaang iyon, mas naging mahigpit na ang ina ni Zhanai...