Chapter 10: The Last Stand

122 11 1
                                    

Third person's POV

"Mahal na haring Tide... Masamang balita. Ang ang iyong kapatid na si Oceana ay nakatakas mula sa kanyang kulungan!" pagbabalita ng isang kawal.

Napatayo si Tide mula sa kanyang kinauupuang trono na para bang nagulat at sinabing...

"Ihanda ang ibang mga kawal at hanapin siya! Huwag kayong mag-alala kung mapapatay niyo siya, dahil matutuwa pa nga ako kung magagawa niyo iyon!" sigaw niya.

"Tayo na at kumilos!" sigaw ng isang kawal at mabilis na umalis.

**************

"Dito lang po kayo" sabi ni Coralia kay Reyna Oceana at nagtago sa likod ng isang haligi na kung saan nakapuwesto ang isang kawal.

Patalikod na ginilitan ni Coralia sa leeg ang kawal na ito na agad rin namang bumagsak.

"Tayo na po" sabi ni Coralia kay Reyna Oceana at sila na nga ay nagpatuloy.

Pero habang nakatalikod pala si Coralia ay mayroon palang kawal na tangka siyang atakihin gamit ang isang mahabang sibat buti nalang pinigilan ito ni Reyna Oceana gamit ang kulay asul na enerhiyang lumalabas sa kanyang mga kamay.

"Ilag! Hiyah!" sigaw ni Oceana at mabilis na umilag si Coralia at natamaan ng pag-atake ang kawal na ito.

Mabilis na bumagsak ang kawal na nawalan ng malay.

"Salamat" sabi ni Coralia.

"Walang anuman. Ah, mas mabuti pa sigurong umalis na tayo at magpatuloy" sabi ni Oceana.

"Sige, tayo na!"

At sila na nga ay mabilis na umalis.

******************

Zhanaia's POV

Nakarating na nga kami ni Seymore sa kaharian ng Aquasia at nandito kami ngayon sa loob ng isang bahay-inuman na nababalot din ng mahiwagang bula na gaya ng sa palasyo, kaya tuyo o walang tubig ang makikita dito sa loob.

"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito Seymore?" pagtataka kong tanong.

"Basta" bitin niyang sagot.

Tsk. 😑😑

'Di ba nga nandito kami sa loob ng isang bahay-inuman? So, ano nga ang ginagawa namin dito? Bwesit naman kasi 'tong si Seymore, hindi niya naman kasi sinasabi kung bakit niya gustong pumunta dito. Hmmp! 😑😑

Naglakad kami sa loob na para bang hindi man lang kami napansin, sa dami ba naman ng nilalang na nandito mapapansin pa ba kaya kami?

May mga taong-isda, mga sea creatures and monsters at syempre, mga Aquasian na puro mga lasinggero. 😑😣

Pumasok kami sa loob ng isang silid at nagulat ako na may tatlong nilalang ang nakatayo na suot ang kani-kanilang costumes o armors? 😁😁😅

"Si-Sino sila?" tanong ko.

"Kung lalabanan natin ang tiyuhin mong bugok, kakailanganin natin ng tulong. Ipinakikilala, si Crabclaw..." sabi ni Seymore at ipinakilala niya ang isang nilalang na mayroong dalawang malalaking braso na kahalintulad ng sa sipit ng alimango na kulay kahel at suot din nito ang kanyang matigas na armor na kakulay din ng mga braso niya. "...Siya ay isang uri ng sea creature na halos dito lang makikita sa teritoryo ng Aquasia. Ang kapangyarihan niya ay ang magpalabas ng enerhiya sa kanyang mga sipit at mataas din ang antas niya sa pakikipaglaban na kung saan ginagamit niya ang kanyang mga malalaking sipit na ito sa pagdepensa at opensa..." pagpapaliwanag ni Seymore.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon