Chapter 9: The Water Princess

91 11 1
                                    

Zhanaia's POV

Sumugod ulit si Xanderr. Tumakbo siya patungo sa amin at itinapon ulit ang kanyang shield.

"Yah!" sigaw niya.

Pinigilan ko rin naman ito gamit ang kulay asul na enerhiyang lumalabas sa aking mga kamay. "Hiyah!" sigaw ko rin.

Kaya tumilapon ang kanyang shield na ito.

"Iyan lang ba ang makakaya mo?" panghahamon ko.

Bigla namang sumugod si Marrius at mabilis niyang hinataw ang kanyang mahabang bakal na sibat sa akin.

Malapit na sana akong matamaan buti na lang mayroong isang shield o harang na gawa sa tubig ang biglang nagpakita kaya hindi ako natamaan.

Napatalon ng paatras si Marrius at biglang napatingin na para bang nagtataka.

Ang tubig na harang na ito ay biglang nagkaroon ng hugis na para bang tao at biglang nagpakita si Seymore at sinabing...

"Ayos ka lang ba prinsesa?"

Tama nga ang hinala kong narito si Seymore sa lupa.

"Seymore..." sabi ko at biglang napahinga ng malalim.

"Kilala mo siya Zhanaia?" parang naguguluhang tanong ni Kiro na nasa aking likuran.

Lumingon ako sa kanya at sinabing...

"Sasabihin ko naman sana kaso... Sa tingin ko, hindi ito ang tamang oras." 😣😣

Hindi na nakapagsalita pa si Kiro na para bang nagulat siya sa mga nangyayari. Umalis siya ng mabilis sakay sa kanyang motorsiklo nang hindi na ako nilingon pang muli.

😢😢😥😫😭😭😭

"Pabayaan mo muna siya Zhanaia, nagulat lang siguro siya kaya gano'n na lang ang kanyang naging reaksyon. May tamang oras para kausapin mo siya ng masinsinan at mabuti na rin iyon para sa kanyang kaligtasan. At isa pa, may malaking problema pa tayong kinakaharap ngayon!" sabi ni Seymore at biglang hinawakan ang aking balikat.

"Tama ka Seymore, may malaki pa nga tayong problema ngayon!" sabi ko at biglang napatingin kay Marrius at Xanderr.

Teka lang? Nasaan na si Coralia?

Bakit bigla na lang siyang nawala?

Nakapagtataka. Nawala na lang siyang bigla nang siya ay mabilis na tumilapon nung siya ay inatake ni Xanderr. Alam kong siya ay isang napakalakas na nilalang, kaya alam ko ring makakaya niya ang lakas ng atake ni Xanderr.

Pero kung umalis siya, saan naman kaya siya pupunta?

***********

Coralia's POV

Hindi ko na kaya ang kanyang mga ipinapagawa. Dapat ay matapos na ang kanyang kasamaan. Dahil kung hindi, manganganib ang mga taga-lupa at pati na rin kaming mga Aquasian.

Dapat ay mailigtas ko na si Reyna Oceana!

Alam ng Tide na 'yun na ang Aquasia ang pinakamalakas at makapangyarihang kaharian sa dagat at kaya nitong sakupin ang iba pang kaharian na nasa ilalim ng tubig, kaya malaki talagang problema kapag nasa kanyang mga kamay na ang kaharian!

Binilisan ko na nga ang paglangoy at ngayon isang bagay lang ang nasa aking isip, ang iligtas ang kaharian.

Maghintay lang po kayo Reyna Oceana, ililigtas ko po kayo!

******************

Third person's POV

"Ano ngayon ang iyong nararamdaman kapatid? Siguro ay nawawalan ka na ng pag-asa na magkikita pa kayo ng iyong pinakamamahal na anak na si Zhanaia, pero... Pero huwag kang mag-alala ate, dadalhin ko siya dito sa mas madaling panahon... Buhay man o patay!" sabi ni General Tide at biglang tumawa ng malakas.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon