Epilogue

119 11 2
                                    

Zhanaia's POV

Hindi ko mapigilang hindi umiyak kapag naaalala ko ang kanyang mukha.

Nagsisisi talaga ako, gusto kong ibalik ang oras. Sana hindi na lang ako lumayas pa para hindi na nangyari ang mga pangyayaring ito.

Bakit? Bakit ba ito nangyari sa akin? Bakit ako... Bakit ako pa?!

Umiyak ako nang umiyak habang nakaharap sa salamin.

Bigla namang may kumatok. Naalala ko tuloy nung kumatok si ina para kausapin ako pero hindi ko siya pinagbuksan.

Ako talaga ang may kasalanan sa lahat ng nangyaring ito. Sa akin dapat isisi ang lahat.

"Zhanaia? Umiiyak ka na naman ba? Alam mong ayaw na ayaw ng iyong ina na nakikita ka niyang umiiyak 'di ba?..." sabi ni Seymore habang pumapasok sa silid at biglang lumapit sa akin at pinunasan ang aking mga luha. "Tahan na, tama na 'yan. Halika na. Umalis na tayo..." sabi niya at bigla niyang hinawakan ang aking kamay at kami na nga ay umalis at pumunta sa throne room na kung saan nakalamay si ina.

At ngayon ang huling araw na makikita ko ang kanyang mukha.

Pagkapasok pa lang namin ni Seymore sa throne room ay narinig ko agad ang magandang nakalulungkot na kanta na kinakanta ng koro.

Ang magandang tunog na kanilang nililikha ay pumapasok sa aking puso, na para bang may tumutusok dito. At kahit na kakaibang lenggwahe ang salitang kanilang ibinibigkas ay ramdam ko pa rin ang kakaibang emosyon na ipinahihiwatig nito.

"Ah... Punta lang ako doon, may kakausapin lang ako. Sandali lang..." sabi ni Seymore at pumunta siya sa isang sulok at kinausap niya ang ibang mga nakikiramay na nanggaling pa sa ibang kaharian.

Umupo ako sa isang mahabang upuan na kulay asul at huminga ng malalim.

Bigla namang may lumapit sa aking isang pamilyar na lalaking maputing-maputi, maaliwalas ang mukha at mayroon siyang magandang pagkakagupit na bigote at balbas. Nakasuot siya ng isang kulay puting armor na mayroong gold accents at para itong gawa sa isang pinakamatibay na bakal.

 Nakasuot siya ng isang kulay puting armor na mayroong gold accents at para itong gawa sa isang pinakamatibay na bakal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla rin naman niya akong kinausap...

"Ah... Pwede bang makiupo?"

"Sige po..."

"Nakikiramay ako sa iyo mahal na prinsesa..."

"Salamat."

"Alam mo bang mahal na mahal ka ng iyong ina..." sabi niya at napatingjn ako sa kanya. "Nagawa pa nga niyang kumalas sa asosasiyon at bitiwan ang kanyang posisyong pagiging councilmen para lang daw masamahan ka na niya dito sa inyong kaharian at magkasama kayong mamumuno dito. Nagmadali pa nga siyang umalis nung araw na 'yun, dahil sasamahan ka raw niyang sukatin ang iyong gagamiting damit para sa iyong kaarawan..." sabi niya at nung narinig ko 'yun ay bigla na lang tumulo ang aking mga luha. "Kaya nga nung nalaman kong wala na siya ay nagulat talaga ako, hindi ko ito inaasahan... Pero dahil nangyari na, wala na tayong magagawa. Ah... 'eto..." sabi niya at bigla niyang iniabot ang isang sobre. "Dahil wala na ang iyong ina, kakailanganin namin ng bagong pinuno para sa The Guardians Chair, para makumpleto na ulit ang mga councilmen ng asosasiyon. Pag-isipan mo ito ng mabuti prinsesa, dahil kung buhay pa ang iyong ina, matutuwa siyang malaman na ipinagpatuloy mo ang kanyang sinimulan" dugtong niya at pinikpik ang aking balikat.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang sobre at ang mga salitang "The Guardian Councilmen" ang una kong nabasa.

Napatingin ako kay ina na kasalukuyang nakahiga sa isang napakagandang higaan na ubod ng nagkukulay pink at asul na mga bulaklak. Napangiti ako dahil para lang siyang natutulog, sana nga natutulog lang siya eh.

Nasa sentro ng throne room nakapwesto si ina na para bang siya ang bida sa araw na ito.

Pinunasan ko ang aking mga luha, suminghot at tumayo at sinabing...

"Sige Mr. Gabriel Wingsword, pag-iisipan ko" sabi ko at ngumiti sa kanya at napaisip na, siguro nga, ito na ang aking pagkakataong bumawi at itama ang aking mga pagkakamali.

Sabi nga nila, kung kaya ng iba, makakaya mo rin. At sa mga pagkakataong ito, hmm... Sa tingin ko, kaya ko na.

Ito na ang aking pagkakataong mag-isip matanda na at mas pagbutihan pa ang paggawa ng desisyon dahil ako na ang bagong councilmen ng asosasyon at ang magiging bagong reyna ng kaharian ng Aquasia!

-The End-

********

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon