Chapter 7: Roadtrip

89 14 1
                                    

Zhanaia's POV

"Saan nga!" sabi ko sa mas mataas na boses. 😣😣😑

Bastos 'to ah, tinatanong nga ng maayos tapos sasagutin ka lang ng "basta"? Ay hindi maganda 'yan mga kaigan. 😣😑

"Oh hetong helmet, suotin mo" sabi niya at ipinasuot sa akin ang isang kulay itim na helmet at habang inaayos niya ang parang tali o parang ikinakabit ito sa bandang leeg ko, ay malapit naman ang kanyang mukha sa akin. 😑😣

Amoy na amoy ko ang kanyang panglalaking pabango na para bang tyokolate.

Suot niya ngayon ang isang kulay itim na jacket, damit, pantalon at sapatos.

Ano ba ang trip niya? Bakit mahilig yata sa kulay itim ang tukmol na 'to ah. 😑😣😅

Sumakay siya sa kanyang motorsiklo at pinaandar ito.

"Tayo na" sabi niya tapos ngumiti at biglang nagpakita ang butas na malapit sa kanyang bibig na sobra akong binibighani. 😍😍

Wait? 😨

Ano?! Ano ba itong mga iniisip ko?! Eeee!! 😨😨😨

Sumakay na nga ako sa kanyang motorsiklo at mabilis ko siyang niyakap at kami na nga ay mabilis na umalis.

**********

Seymores's POV

Saktong pagkalabas ko sa establisyemento ay ang siya ring pag-alis ni Zhanaia kasama ang isang lalaki sakay sa isang kulay itim na motorsiklo.

Saan ka ba pupunta ha?!

Napalingon naman ako sa aking gilid at nakita ko ang isang kulay himpapawid na bisikletang nakaparada.

Hmmm?

Alam ko na.

************

Oceana's POV

Kasalukuyan pa rin kaming naglalaban ni Tide at habang patuloy ding naglalaban ang aming mga kawal gamit ang kani-kanilang mga armas.

"Hiyah!" sigaw ko habang inaatake si Tide gamit ang kulay asul na enerhiyang lumalabas sa aking mga kamay.

"Yah!" sigaw din niya habang patuloy din akong pinapatamaan ng mga atake niyang gawa sa kulay ubeng nagliliwanag na enerhiya.

"Tigilan mo na ito Tide! Tigilan mo na ang kahibangang ito!" sigaw ko.

"Hindi ate, hindi! Ngayon pa na halos malapit na akong magtagumpay? Huh... Hiyah!" sigaw niya at bigla siyang nagpalabas ng kulay violet na enerhiyang lumalabas sa kanyang mga kamay sa kadahilanang ako ay natamaan sa balikat at napaupo.

"Ah!" --

"Sumuko ka na ate, wala ka nang magagawa pa" sabi niya at bigla niyang itinutok sa akin ang kanyang espada.

Malaking problema talaga ito, sana... Sana bumalik na kayo, Zhanaia at Seymore!

******************

Zhanaia's POV

Huminto kami ni Kiro sa isang parte ng isla na nababalot ng nagkukulay berdeng damo. Ang daan ay isang kulay puting lupang may buhangin at parang halos iilang tao pa lang ang nakararating dito, para siyang... 'Yung parang... Isang napag-iwanang lugar?

Hinatak ako ni Kiro at kami ay pumunta sa parteng bangin na nababalutan ng manipis na damong nagmimistulang kumot na ibinalot sa lupa.

Kahit na tanghaling tapat pa lang ay hindi namin alintana ang init ng araw, na para bang hindi namin pinapansin ang aming paligid.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon