Chapter 6: Realizations

113 9 1
                                    

Zhanaia's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng silid ni Cindy na kapatid ni Kiro.

Ang ganda ng silid niya, kulay rosas ito at ubod din ito ng kulay rosas na mga gamit.

"Ah teka nga muna, ano ba ang gagawin ko?!" 😑😑😣😣

"Basta, ang gawin mo lang ay umupo lang diyan at huwag gumalaw, dahil aayusan kita" sabi niya habang hawak ang isang pahabang bagay na may nakataling napakaraming buhok na bigla niyang ikinuskos sa aking mukha at nagkaroon ng kulay rosas na kulay ang aking pisngi.

Ano ba kasi ang gagawin niya sa akin?! 😣😣

**********

Seymore's POV

Nakaahon na nga ako sa tubig at nandito ako ngayon sa isang isla na maraming tao ang naliligo sa baybayin, maraming nakatayong bahay-bahayan na walang dingding at mga babaeng tanging suot lang ay kapirasong tela na nakatakip sa ibabaw at pang-ilalim na parte ng kanilang mga katawan.

Ganito na ba talaga manamit ang mga tao ngayon?

Tsk.

Napunta ako sa islang ito dahil sa isang tracking device na suot ko bilang isang pulseras. Isa itong pulseras na gawa sa kulay asul na bakal.

Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa isang malaking establisyemento.

Una ko talagang nakita ang dalawang babaeng nasa loob ng isang makapal na harang na para bang mataas mesa? 'Di ko alam. At inilapag ko dito ang aking mga kamay.

"Good morning sir, how may I help you?" sabi ng isang babaeng nakaharap sa isang de-kuryenteng kahon na may malapad na bagay na mayroong maraming mga buton.

"Ah... Mawalang galang na mga binibini, mayroon po ba kayong nakitang isang magandang babae dito?" tanong ko.

"Magandang babae? Sigurado ka bang hindi ako ang hinahanap mo sir?" sagot niya sa isang pambatang boses habang isinasabit ang kanyang buhok sa kanyang tenga.

Huh?

"Tama siya sir, dapat maging specific po kayo sa mga tinatanong ninyo, kasi dalawa lang naman kaming magaganda rito..." sabi ng isa na biglang kinagat ang kanyang labi at biglang hinimas ang aking mga kamay na nakalapag sa mesa na bigla ko rin namang tinanggal.

Mga baliw siguro ang mga babaeng ito?

"Kung gusto niyo po talagang malaman, pwede naman po kayong tumingin sa loob ng dining area, baka po kasi nandoon ang hinahanap ninyo" sabi ng isang babae.

"Ah... Sige, salamat" sabi ko at lumakad na.

Bigla ko naman silang narinig na nag-uusap.

"Girl, gwapo siya..." tili ng isa.

"Tama ka kaso, ngayon ko lang napansin... Na ang suot niyang damit ay kahawig ng sa mga waiter natin dito."

"Talaga ba? Parang hindi naman."

Hayy... Mga tao talaga.

Pinasok ko ang isang napakalaking silid at nakita ko ang isang kainan.

Gamit ang aking kakaibang kakayahan ay isa-isa kong tiningnan ng mabilisan ang mga mukha ng bawat babaeng nandito.

Wala siya dito.

Pero... May kakaiba akong pakiramdam na nanggaling siya rito.

Bigla naman akong tinawag ng isang lalaking nakasuot ng puting damit at mahabang sumbrero na nakatayo.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon