Busy na ang lahat dahil exam week na. Ang daming project na pinapasa at nag rereview na. Wala nang time para mag happy happy at mag chill chill. Ang dami nang nag sisi-iyakan dahil stressed daw sila. Tinatawanan ko nalang dahil never pa ko umiyak dahil sa academics o dahil "stressed" ako. Hindi naman ako ganon ka grade conscious.After that night, nuong pinagtangol ako ni Kyxx at hinatid niya ako sa Haze, Medyo naging close kami. Hindi yung close na close. Uhm naging friends kami ganun.
Ang daming nagkakagusto sakanya kasi ang tangkad, gwapo at ang talino daw. MInsan napapairap nalang ako kapag may naririnig akong mga babaeng pinupuri si Kyxx. Pero napapansin kong iwas siya sa mga babae at hindi niya gusto ang attensyong nakukuha niya
Lunch break na at nagsilabasan na kami sa aming classroom
"Babe" bati ni Xyler na naka abang sa may pintuan
"hi" Nginitian ko siya at sabay na kami naglakad papuntang cafeteria
"Babe di muna ko sasabay sayo kumain. Pupunta kasi ako ng Library eh. May tatapusin lang ako. Saka babe, mag hahalfday pala ako today." Paalam nito saakin
"Bat ka mag hahalf day?" Tanong ko
"May pupuntahan kasi ako eh. May aasikasuhin."
"Ha? o sige. Mag ingat ka! goodluck" sabi ko at umalis na siya patunong Library
Kawawa naman ang Babe ko. Ang busy na niya. Siguro ang hirap talaga maging grade 11 noh?
Nakita ko ang aking mga kaibigan. Kumaway sila saakinn, nagtungo ako sakanila at umupo sa tabi nila
"Bibili ako ng makakain. Sama ka Storm?" Tanong sakin ng aking kaibigan
tumango ako at tumayo
pumila kaming dalawa at Bumili ng lunch. Spaghetti at Chicken ang binili ko habang Chicken at rice naman ang sakanya
Bumalik na kami sa aming table. Naabutan namin ang iba naming kaibigan na nag uusap tungkol sa di umanong crush ni Pauline.
"Ang gwapo gwapo niya kasi!" Kilig na kilig na sabi ni Pauline
"Sino ba yan?" Tanong ng isang kaibigan ni Pauline
"Ewan ko siyan. Di naman niya sinasabi yung pangalan eh. Sino ba kasi, Pauline?" Sabi ni Ally
"Si Kyrrel" pabulong na sabi ni Pauline. Matagal ko ng alam na si Kyrrel ang crush ni Pauline kasi sa classroom ay mahahalata mo na nagpapapansin siya kay Kyrrel. Parang lahat naman ng kaklase namin ay may alam na crush ni Pauline si Kyrrel pano ba naman kasi, She's dropping so many hints! Saka she's making her move. Minsan napapailing na lamang ako kapag pinapanood ko siya
Buong Lunch time, Puro kyrrel kyrrel kyrrel ang pinag usapan nila. Nakikinig lamang ako at natatawa tawa dahil sa obsession ni Pauline kay Kyrrel
"Storm" tawag sakin ni Kyxx habang naglalakad siya papunta sakin. naglalakad na kami papunta sa classroom. Kasama ko ang mga kaibigan ko
tumigil ako at tumigil din ang mga kaibigan ko
"May sasabihin ako" sabi nito saakin.
Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa tainga ko.
"Kunware may ibinubulong ako sayo. Tumawa ka tas sabihin mo "oo sige"" bulong niya saakin
Natawa ako dahil ganito yung ginagawa ng mga gradeschool. Well, Pati pala ngayong highschool ay ginagawa parin namin ito paminsan minsan
BINABASA MO ANG
Melancholy
Teen FictionMelancholy is a feeling of sadness which has no obvious cause. di mo alam kung bakit malungkot ka, kung bakit ang tamlay mo. alam mo ba yung feeling na hindi kontento? nasayo na ang lahat pero may kulang parin. yung kahit anong gawin mo, may kulang...