CHAPTER 7

4 0 0
                                    

It's 7am. Saturday ngayon pero ang aga ko nagising

Onti onting bumukas yung pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Rain na sumisilip.

"Tara samahan mo ko" bungad nito sakin

"Saan? Ang aga aga gala agad nasa isip" sabi ko habang naka higa parin

"Exercise tayo! Mag Zumba tayo" sabi niya tapos lumapit siya sakin at hinawakan ang palapulsohan ko at hinila ako paupo

"Zumba?" Tanong ko

"Oo! Masaya yun! Tara! Dito lang sa clubhouse ng subdivision" sabi niya with matching tango tango at ngiti

"Kayo nalang ni Kuya mo" sabi ko at humiga ulit

"Wala si kuya. May pasok siya" sabi nito at nagpaawa "Please samahan mo na ko? Mag eenjoy ka, promise!"

"Sige maliligo lang ako" sabi ko at tumayo

"Wag ka na maligo! After na nung zamba saka ka na maligo! Pagpapawisan lang din naman tayo! Mag bihis ka na!" Giit nito

Dahil sa katamaran ay hindi na nga ako naligo. Nagpalit nalang ako, nag leggings ako at nag suot ng isang loose na shirt at nag rubber shoes ako.

Bumaba ako at nakita ko si papa at mama na naka formal attire sa hapag kainan

"Halika at kumain ka na" Sabi ni mama "mag zuzumba daw kayo ni Rain?"

Tumango naman ako at umupo na. Onti lang ang kakainin ko dahil nag zuzumba kami

"San kayo pupunta?" Tanong ko

"May business meeting kami. Baka gabihin na kami sa pag uwi, kain nalang kayo sa labas o magpa deliver nalang kayo" sabi ni papa

Pati ba naman Saturday may trabaho sila? 

Nung natapos na kami kumain ay nagpaalam na sila na aalis na sila. Umalis na din kami ni Rain sa bahay at nagpunta sa clubhouse

Pumila kami para magpa register kami

"Puro matatanda kasama natin?" Bulong ko kay Rain habang nakapila kami

"Sh! Baka may maka rinig sayo!" Saway nito sakin

"Eh ano naman? Totoo naman eh!" Giit ko

Sinulat niya ang pangalan namin at nagtungo na kami dun sa place kung saan gaganapin ang zumba

Pumwesto kami sa bandang likod para di kami kitang kita. Nahihiya kasi ako

Nakita ko na lumilinga linga si Rain, tila may hinahanap

"Sino hinahanap mo?" Tanong ko

"crush ko"

"Wala yon dito. Kita mong matatanda ang nandito. Tayong dalawa lang ang bata!" Bulong ko sakanya

May iilan kaming binati na mga lola na kakilala namin

"Buti at naisipan niyong sumali dito at mag zumba? Mga kabataan ngayon, ayaw ng mga ganito" sabi ni Lola

"Napaaga po kasi gising namin kaya nagpasya kami na subukan po hehe" sabi ni Rain

"Papuntahin natin dito sa harap ang dalawang naliligaw na teenager sa likod!" Sabi nung zumba instructor

MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon