"Aalis yan bukas" sabi ni Rain at umirap
"San ka pupunta?" Tanong ni Levy
"Hoy Storm San Mateo! Sinasabi ko sayo ah! No boys allowed in your room! Tsaka di ka rin pwede pumasok sa room nila! Storm! Tsaka yung mga bilin ko! Wag mo kakalimutan! Wag—-"Sigaw ni Thunder
"Oo! Oo na! Di ko kakalimutan! 1,000 beses mo na sinabi sakin!" Giit ko
Kanina pa siya paulit ulit sa pagremind sakin ang mga bawal kong gawin bukas. I'm not allowed to drink. I'm not allowed to swim at the beach at night. And the list goes on
"It's my bestfriend's birthday, Levlev"
Ipinagpaalam ako ni Yanni kay Mama. Pumayag naman si Ma pero dapat daw ay sagutin ko ang lahat ng tawag niya at iupdate ko siya every now and then
"Potchi!" Tawag ko sa 2 year old English bulldog na aso nila Candy
Tumakbo naman ito at lumapit saakin
Naalala ko nanaman ang mga ginawa ng pinsan ko dito kay baby Potchi namin
Nagpasama ako kay Candy sa isang Pet shop dahil gusto kong bumili ng chicken. I know it's weird pero gusto ko magka pet na chicken.
Laking tuwa ko noong may nakita akong mga manok. Ang gaganda nito pero may napili at umagaw na agad sa attention ko. Lalapitan ko na sana ito nang higitin ako ni Candy
"Storm! Look! It's so cute!" Tinuro nito ang English bulldog na nasa cage
"Aw ang cute nga! Teka pupuntahan ko yung mga chicken"
Nilapitan ko yung mga chicken
"Kuya! Gusto ko nito!" Turo ko dun sa tatlong chicken na magaganda
Kinuha na nila yung manok at paglingon ko kay Candy ay karga karga na niya yung puppy
Nilapitan ko siya, nakita ko na kompleto na at hawak hawak na ng driver at yaya niya yung mga gamit nung puppy.
"Hi... Ang cute cute mo naman! Ano ipapangalan mo sakanya?" Tanong ko
"Potchi"
Nang maayos na yung mga chicken ko ay nag bayad na ako at umuwi na kami
Pinasok na nung driver nila candy yung mga gamit ni Potchi at binaba rin niya yung mga chicken ko. Binaba ni Candy si Potchi sa garden at tumakbo takbo naman si Potchi
"Ay! Storm! Nakalimutan kong bumili ng diapers! Tara balik tayo"
Bumalik kami doon sa Pet shop. Sabi niya ay diapers lang ang bibilhin niya pero napakarami ang napamili niya. Pagbalik namin sa bahay nila ay naka bukas ang gate at nasa labas ang mga pinsan namin at mga kapatid ko
"Bat nakabukas ang gate?! Baka makalabas si Potchi ko!" Sigaw ni Candy
"Potchi ka jan?" Sabi ni Riley
"oh shit? Si Potchi ba yung puppy?" Tanong ni Lightning
Tumango naman kami
Nagkatinginan naman silang lahat at saka nagsitakbuhan para hanapin si Potchi
Mangiyak ngiyak na si Candy
"Bat niyo ba pinalabas!" Giit nito
"Akala namin nakapasok lang sa gate" Sabi ni Maiko
"Di naman namin alam na saiyo pala yung puppy" sabi ng kuya niyang si Levy
Makalipas ang Isang oras ng paghahanap ay Nakita namin si Aries na karga karga si Potchi at naglalakad papunta samin
BINABASA MO ANG
Melancholy
Teen FictionMelancholy is a feeling of sadness which has no obvious cause. di mo alam kung bakit malungkot ka, kung bakit ang tamlay mo. alam mo ba yung feeling na hindi kontento? nasayo na ang lahat pero may kulang parin. yung kahit anong gawin mo, may kulang...