"Huy!" Tapik ni Yanni, isa sa mga bestfriend ko, sa balikat ko "Bat ka tulala jan? Tara na!"
Natauhan ako at tumango nalang. Pinanood ko lang na maglakad ang lalaking tinitignan ko. Nasa labas kami ng Classroom, recess na kasi. Tinawag ko kasi Kyxx pero hindi niya nanaman ako pinansin, dinaanan niya lang ako. It's been 2 months since our last talk. Naguusap lang kami kapag kailangan talaga, kapag naman inaaproach ko siya ay sobrang cold niya sakin. Madalas ay "oo" "hindi" at "hindi ko alam" ang sinasabi niya sakin
Naglalakad na kami papunta sa canteen
"Huy ha! Sa birthday ko ah?" Sabi ni Yanni
"Di ako sure kung papayagan ako eh" sabi ko. Nagpout naman si Yanni
"Ako ang magpapaalam kay tita" sabi nito habang nakangiti. Tumango nalang ako. Iniimbitahan niya kasi ako na pumunta sa beach resort nila para sa 16th birthday niya. Doon niya icecelebrae ang birthday niya.2 nights and 3 days kasi kaya di ako sure kung papayagan ako. Tsaka halos puro lalaki ang imbitado kasi malapit siya sa mga lalaki, ang group of friends nila Kyxx ay imbitado.
Bumili na kami ng pagkain at humanap kami ng bakanteng table. Unfortunately, katabi yung bakanteng table sa table nila Kyxx. Dumeretso kami doon at naupo na.
Mapayapa naman kaming kumakain nang may kumalabit sakin. Tumingin ako dun ako sa kumalabit sakin, si Kyle.
"Storm, pwede ba tayong sabay umuwi mamaya? Ihahatid kita?" Tanong nito
Nagtinginan kami ni Yanni. Napansin ko ring lahat ng kaibigan niya ay nakatingin samin, kasama na dun si Kyxx.
"Kasabay ko mga kapatid ko pauwi eh..." I reasoned out. Lagi kami nag chachat ni Kyle. Pero wala akong nararamdaman sakanya. Oo, naging crush ko siya dati pero dati lang yun. Ni hindi ako kinikilig kapag bumabanat siya. Hangang kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Minsan hindi ko na siya nirereplyan sa chat pero kinukulit ako ni Yanni na replyan ko daw, kaibigan niya din kasi si Kyle.
"Sige na Storm, sabay na kayo" Sabi ni Jia
"Oo nga! Ngayon lang naman eh, pero pwedeng araw arawin nadin" Tukso ni Raffy
Hihindi na sana ako pero ayoko namang mapahiya si Kyle saka magandang chance na din yun para masabi ko na hanggang friends lang talaga ang kaya kong ibigay
Tumango nalang ako at binigyan siya ng maliit na ngiti
"Hinatayin kita mamaya" Sabi nito at umalis
Sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya kasama ng mga kaibigan niya. Nagkatinginan kami ni Kyxx pero tinaasan niya lang ako ng kilay at agad na nagiwas ng tingin
The day went by quickly. Di ko namalayan na uwian na pala. Nasabihan ko na si Thunder na hindi ako sasabay umuwi. Nakita ko si Kyxx na nakikiusap at ngitian kay Pauline. Nakakainis. Pangit niyong dalawa! Magsama kayo! Dahil sa inis ko ay dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng classroom, naabutan ko naman si Kyle na nakaabang sa labas ng room namin. Bigla kong naalala na sabay nga pala kaming uuwi. napabuntog hininga nalang ako at lumapit sakanya.
Lumapit ako sa kanya at ngumiti
"Tara na" Yaya ko sakanya
Gusto ko nang umalis para onti palang ang makakakita samin dahil nasa loob pa ng classroom yung ibang section at yung iba kong classmates
Sabay kami naglakad pababa ng building namin.
"Okay ka lang?" Tanong nito habang naglalakad kami papunta sa parking lot
"Oo naman" ngiti ko
Lumingon lingon ako para tignan kung wala pa ang mga kapatid ko. Sabi ko kasi sasabay ako sa kaibigan ko pero hindi ko sinabi na lalaking kaibigan. Nang hindi ko nakita ang mga kapatid ko ay pumasok na ako kotse niya. Binati ako ng kanyang driver, nginitian ko lang ito. Tianong nito kung san kami pupunta. Sinabi ko naman ang address namin
BINABASA MO ANG
Melancholy
Teen FictionMelancholy is a feeling of sadness which has no obvious cause. di mo alam kung bakit malungkot ka, kung bakit ang tamlay mo. alam mo ba yung feeling na hindi kontento? nasayo na ang lahat pero may kulang parin. yung kahit anong gawin mo, may kulang...