CHAPTER 9

6 0 0
                                    

"Kyxx!" Tawag ko sakanya pero hindi niya na ko siguro napansin dahil nagmamadali siya lumabas

Naglalakad na ako papuntang parking lot nang biglang mag ring ang cellphone ko

Nakita kong si Maiko ang tumatawag, sinagot ko ang kanyang tawag

"Oh bakit?" Tanong ko

"San ka?"

"Nasa school pa, bakit?"

"May gagawin ka mamaya? may gala ka ba?"

"Wala naman"

"O sige. I need your help. Kita tayo mamayang 6pm sa Oasis. Wag mo isasama mga kapatid mo ah. Nagpareserve ako. Basta mamayang 6" Sabi nito

"oo sige sige" sabi ko at binaba ang tawag

Nakita ko ang mga kapatid ko sa parking lot at sabay sabay kami umuwi

It was 3pm in the afternoon and gutom na gutom na ako

"Ang traffic naman!" Angal ni Rain

"Friday eh" sabi ni Thunder

Nakauwi naman kaming buhay

Sabay sabay kaming kumain pero nauna akong umalis sa hapag dahil antok na antok na ko

It's 4pm and I still have an hour to sleep, kaya nag dive na ako sa kama ko

Nag set ako ng Alarm

And I drifted to dreamland

"Karga!" Sabi ko kay Lightning dahil pagod na ko maglakad lakad dito sa Hong Kong

Hindi siya nagdalawang isip na mag squat para makaangkas ako sa likod niya

Binuhat niya ako at naglakad lakad kami dito sa Disneyland

Matapos ang Isang oras ng paglalakad at pagpipila sa rides napagod na siya

"Baby, pwedeng kay Thunder ka muna magpakarga?" Tanong nito

"Ayoko! Gusto ko sayo!" Sabi ko at lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya

Pero kahit pagod na siya ay hindi niya ako binaba, patuloy niya akong kinarga sa likod niya habang naglalakad kami

Nagising ako dahil sa alarm ko

Nagbihis na ako at nag ayos

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Thunder

Pumasok ako at nakita ko ang kapatid ko na nakahiga at nag cecellphone

"Hatid mo ko sa mall" sabi ko

Tumayo naman ito agad, nag suot ng shirt at kinuha ako susi ng kotse niya

"Tara"

"Sino kikitain mo?" Tanong nito habang nag dadrive

"Maiko"

"Bakit?"

"Ewan. Kailangan niya daw tulong ko eh" sabi ko at nagkibit balikat

5:50 ako nakarating sa mall. Dumeretso ako sa Oasis na sabi niya

"Maiko San Mateo" sabi ko doon sa waiter

MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon