"Storm" may pabulong na tumawag saakin sa likod ko
Lumingon ako at nakita ko si kyxx
"Ano?" Tanong ko
Pinakita niya sakin ang kamay niya. Naka peace sign siya. Tapos nag gesture siya na parang gunting o gumugupit
"Wala akong gunting" sabi ko at nagpatuloy sa pakikinig sa teacher na nagsasalita sa harap
"Storm" tawag ulit nito sakin
"Ano?"
Pinakita niya ulit sakin yung kamay niya na parang gunting
"Wala akong gunting!" Giit ko
Nakikinig ako at nag tatake down notes ng mga sinasabi nung teacher namin pero tinatawag tawag niya ko
"Storm" tawag niya sakin
Pumunit ako ng papel at sinulatan ito
Putangina wag kang makulit. Wala akong gunting sabi eh! Saka wag kang bulong ng bulong jan, para akong tinatawag ng demonyo!
Creepy as fuck...Tinupi ko yong papel at inabot sakanya
Maya maya ay ibinalik niya sakin yung papel
Nilagay ko sa bag ko yung papel
Sinipa niya yung upuan ko kaya napalingon ako, tinignan ko siya ng masama
"Basahin mo!" He mouthed
Kinuha ko yung papel
"CUTTING TAYO"
Lumingon ako at tinignan siya
He looks so bored. Tinaasan niya ako ng kilay. Ginawa kong bola yung papel at binato sakanya
"Gago ka" I mouthed
Ngumiti siya at kinindatan ako
Kinilabutan ako sa ngiti niyang iyon
Pumunit uli ako ng papel at sinulatan iyon
Wag mo kong ngitian ng ganyan! Creepy!
Binigay ko yung papel sakanya at muling nakinig sa teacher
"Kanina pa kayo jan ah!" Sabi ng seatmate ko na si Billy
"Kulit ng kaibigan mo eh!" Giit ko
Natapos ang subject na iyon pero hindi ko gaanong naintindihan yung mga pinag sasabi noong teacher namin dahil sa kulit ni Kyxx
Break na namin. Sa wakas ay makakakain na ako!
Naglalakad na ko palabas ng classroom noong hatakin ako ni Kyxx
"Hoy! Ano ba! Saan tayo pupunta??" Sabi ko. Napansin king dala dala niya ang bag ko at ang bag niya. Tumatakbo siya kaya napapatakbo na rin ako
"I'll bring you to heaven"natatawa niyang sabi
Nagulat ako at pumiglas
"Hoy putangina mo! Bitawan mo ko!" Nagpupumiglas kong sabi pero hinahatak niya parin ako
"Joke lang! Ito naman!"
"Saan nga ba kasi!"
"You'll see"
Tunatakbo parin kami. May nga nakasalubong kaming mga kabatch namin at may mga tumawag kay kyxx pero patuloy lang kami sa pagtakbo.
Kinalaunan ay nakarating kami sa rooftop ng ibang building, malayo ito sa building namin
BINABASA MO ANG
Melancholy
Teen FictionMelancholy is a feeling of sadness which has no obvious cause. di mo alam kung bakit malungkot ka, kung bakit ang tamlay mo. alam mo ba yung feeling na hindi kontento? nasayo na ang lahat pero may kulang parin. yung kahit anong gawin mo, may kulang...