CHAPTER 16

5 0 0
                                    

Sabado ngayon at may pupuntahan kaming party mamayang alas siete. Kaya naman pagkatapos namin mag merienda ay naligo na ako

Ginawa ko ang ritual ko sa cr at naligo

Nang matapos ako maligo ay nagsuot muna ako ng bath robe at umupo sa aking kama, nag cellphone muna ako at nag games, may dalawang oras pa naman ako para maghanda

Nagulat ako nang makitang 45 minutes nalang ang natitirang oras para ako'y maghanda, naaliw ako kakalaro

Sinuot ko na ang long yellow tube top na gown ko at nagsimula nang maglagay ng kaunting colorete sa aking mukha

Natigil ako sa pag aayos nang may kumatok at pumasok sa kwarto ko, lumingon ako at nakita ko si Kuya Thunder, Rain at Papa. They are wearing their black perfectly tailored designer suits, Ang gwagwapo! Si Rain ay dumeretso sa Couch habang si Thunder at Papa ay nanatiling naka tayo.

"Ang ganda ganda ng anak ko, the most beautiful girl in my eyes" sabi ni Papa

"Parang hindi naman?" Asar ni Thunder

"Weh, kuya! Selos ka lang eh! Gusto mo din ata maging most beautiful girl sa mata ni Papa!" Sabi ko at bumelat

"Halatang nay favoritism ka Papa ah?" Sabi ni Rain habang tumatawa

"Ako ang pinakamaganda sa magkakapatid kasi syempre ako lang babae, duh!" I rolled my eyes jokingly

Pumasok naman si Mama sa'king kwarto, wow may family meeting sa kwarto ni ate niyo girl!

My mom looks so beautiful and elegant! She's wearing a red long fancy gown na may slit, revealing her milky white and soft legs. She matched it with a set of Diamonds as her accessories, napaka ganda! Too bad kamukha ko si Papa, Joke! Pero symepre that's half meant hehe! Ang gwapo ng tatay ko, pero syempre mas matutuwa ako mung kamukha ko ang Mama ko hehe!

"My love, wow!" My dad exclaimed with an amused expression plastered in his face "Huwag na tayong tumuloy! Ayokong madaming tao ang makakita sayo!" My dad said jokingly

My dad is very supportive of my Mom and I. Hindi siya mahigpit sa aming damit. My mom and I can wear whatever we want. Hindi siya katulad ng ibang asawa o ama na ayaw nag shoshorts o nagdedress ang kanilang asawa o anak. As long as we're comfortable of what we're wearing, then he's ok with it.

My mom walked towards me and helped me with my hair. Pinusod niya ang aking buhok at ang kaunting takas na buhok ay kinukot niya, it made me feel and look like a disney princess!

Ang tatlong lalaki ay umupo nalang sa couch at nagkwekwentuhan at nag aasaran, nakikitawa nalang kami ng Mama ko

My mother started doing my make up, too! It was a light make up but it highlighted my features. Nilagyan niya ako ng glittery eyeshadow, it made my eyes look stunning.

"Storm ang likot mo!" My mom said while doing my make up, mahihimatay na ko kakatawa sa pakikinig ng pinaguusapan nila Papa

Kinulot niya ang aking pilik mata at nilagyan ng blush ang aking pisngi. For the final touch, naglagay ako ng lipstick sa aking labi

Nang matapos na ay tumayo na kami ni Mama, she's taller than me kasi she's wearing heels. Tumabi sakanya si Papa at inakbayan siya. Papa is still much taller.

"Wow, Ang ganda! Kamukha si Ursula!" Rain exclained and laughed alongside with Thunder

Pinanlakihan ko siya ng mata and mouthed "Fuck you"

Lumabas na si Mama at Papa sa kwarto at sinabing may aasikasuhin lang ng mabilis at baba na rin pagkatapos, bilisan na daw namin at bumaba na rin

Kinuha ni Rain ang heels ko at pinaupo ako sa kama, sinimulang isuot saakin ang heels

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon