Isa

79 5 2
                                    

Isa

"Emma!"

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa isa sa mga lounge chair nang tawagin ang pangalan ko ng manager ni Gio na si Mama Rosie . Nakita kong humahangos ang may kaliitang pigura nito papunta sa akin .

"Bakit po? May problema ba?" Agad na tanong ko ng makalapit na siya ng tuluyan. Huminga muna ng malalim si Mama Rosie para pakalmahin ang sarili bago siya  nagsalita .

"Pwede bang bumili ka ng bulaklak?" Mabilis na sagot niya .

"Para saan naman ho? May bulaklak naman hong ibinibigay ang show ah?"

"Magsisimula na ang show at nang makita ni Bethany yung bulaklak na ibibigay sa kanya ay hindi niya nagustuhan . Allergic daw siya sa tulips eh . Sabi ni Gio ay ikaw na lang ang utusan ko na bumili dahil walang available na staff. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil baka magka aberya sa loob ng studio at wala ako roon." lintanya niya sa akin . Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Sabi ho iyon ni Gio?" Paninigurado ko . Tumango naman siya . Lihim akong nainis sa sinabi ni Mama Rosie dahil sa tatlong bagay .

Una, napakaarte ni Bethany ! Hindi siya allergic sa tulips dahil iyon ang laging ibinibigay sa kanya ni Gio kapag may guesting sila !

Pangalawa , isang malaking bobo talaga ang bwisit na lalaking iyon dahil ,

Pangatlo ! Allergic ako sa pollen ! Allergic ako sa bulaklak na gusto niyang ako pa ang bumili para lang sa bwisit na babaeng yun?!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil nagsisimula na naman si Gio sa pang aasar sa akin . Ang aga-aga ng pang-bubwisit ng lalaking iyon. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay saka ko tinignan si Mama Rosie na mukhang problemado .

"Ano ho kasi ee - " Pinutol niya ang sasabihin ko, "Please, Emma ! Alam mo naman pag-nagalit ang boss mong iyon ! Dalawa tayong malilintikan." Pananakot niya sa akin na lihim na nakapagpairap sa akin sa kawalan .

There goes that word again ! I really hate it when people use that word to describe Gio to me . Hindi ko siya boss !! Asawa ko siya !! A.S.A.W.A !! Gusto kong isigaw iyon sa mukha ng mga staff kapag sinasabi nilang katulong lang daw ako ni Gio .

Muli akong napatingin kay Mama Rosie na mukhang problemado talaga kaya naman nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga para mawala ang inis ko . Nag-plaster ako ng ngiti sa bibig ko bago ako nagsalita.

"Sige . Babalik din ho ako agad," 'yon lang saka ako lakad takbong lumabas ng studio . Bwisit ! Sa'n ba ang pinakamalapit na flowershop dito ? Pagkalabas ko ng building ay halos mabali ang leeg ko kakalinga kung saan ako mag uumpisang maghanap . Habang aligaga ako kung saan unang maghahanap ay nahagip ng aking mata si Mang Pedring na nagkakape sa di kalayuan .

"Mang Pedring !" Tili ko saka ako tumakbo papunta sa pwesto niya . Agad siyang tumalima ng makita ako .

"Miss  Emma ! Bakit naman kayo humahangos ng ganyan eh ang taas ng takong niyo?" Sita niya sa akin . Napatingi ako sa four inches na takong ko . Feeling ko masarap ihampas 'to kay Gio at kay Bethany eh ! Napangiti naman ako sa sinabi ni Mang Pedring . Mabait at mapag-alaga si Mang Pedring sa'ming dalawa ni Gio . He was our family driver for ten years kaya naman ng mamatay ang Lolo Stephen, I didn't have the heart to send him away . Wala na itong pamilya na uuwian at sa nakalipas na mga taon na kasama namin siya ni Gio ay para na raw niya kaming mga anak.

"Sanay na ho ako . Pasensya na pero paistorbo muna ako . Hanap po tayo ng flowershop, Mang Pedring." Sabi ko sa kanya na agad namang nagpataas ng kilay niya .

"Hindi ba't allergic ka sa bulaklak? Bakit ka naghahanap ng flowershop?" Agad na tanong niya .

Isang tipid na ngiti lang ang ginawa ko, "Kailangan ho ni Gio eh," Buti pa ito naalala , eh yung isang damuho mukhang nakalimutan ata . Napailing na lang siya sa turan ko at nagpaalam na kukuhain lang ang sasakyan .

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon