Anim

83 4 0
                                    

Tumigil ako sa paglalakad ng makarating ako sa labas ng restaurant . Why am I running away from him? Why am I crying ?! Gusto kong tuktukan ang sarili ko nang makita ang repleksyon ko sa isang kotse na nakaparada sa harap ko . Kalat ang mascara ko, kasama na siguro pati ang liquid eyeliner . I looked like shit ! Suminghap ako ng hangin at marahas iyong ibunuga na para bang doon manggagaling ang tapang ko . I raised my chin high .

Chin up, Emmanulle ! Hindi lang ang gaya ni Gio na gago ang pwedeng magpaiyak sa'yo ! It's not like I did something wrong ! Marahas kong pinunasan ang mga luha ko saka ako nagmartsa pabalik sa restaurant pero natigilan din ako ng marinig ang sigaw ni Gio . Damn it! Hindi pa ba siya tapos? Agad akong lumapit ng makita kong susugurin na naman niya si Chef Leo . Baka kung anong gawin niya kay Leo kaya naman pumagitna ako kahit pa sugod ng sugod si Gio . Wala ring magawa ang mga tauhan ko dahil takot umawat .

"Stop it Gio!" Sigaw ko sa pagitan nila . Paulit ulit akong nabubunggo sa kung kaninong dibdib pero hindi ako nagpatinag . Panay lang ang tulak ko bahala na kung saan lumapat ang kamay ko para lang mapaghiwalay silang dalawa .

"Matuto kang lumugar ! Empleyado ka lang dito ! Asikasuhin mo ang trabaho mo hindi 'yong amo mo ang tinatrabaho mo!" Sigaw ni Gio .

"Wala kang karapatang para bastusin si Emma ng gano'n gano'n lang! Ang kapal ng mukha mong gago ka!" Ganti ni Leo .

Lalong nagpumilit si Gio na suntukin si Leo dahil sa sinabi nito . Ako naman ay parang piraso ng damit na hinawi ng kung sino . Isang tili ang kumawala sa bibig ko ng mabuwal ako sa sahig . Narinig ko ang mga singhap at ang tili ni Gwen, marahil nakita ang walang poise na pagplakda ko sa malamig na tiles. Agad kong ibinaba ang palda kong lumihis sa aking hita para matakpan ang dapat matakpan . Tangina ! Wrong timing ang pagsusuot ko ng dress !

Sa lakas ng impact ng pagbagsak ko, nasisiguro kong malaki ang pasa niyon bukas . Napangiwi ako ng subukan kong tumayo sa kahihiyang kinasasadlakan ko. Gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako dahil sa pwesto ko. Lahat sila nakabaling sa akin na may mga gulat na ekspresyon sa mukha. Sinubukan ko ulit tumayo pero dahil sa tindi ng sakit, umupo na lang ako saka napayuko. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko para mapigilan ang pag iyak . Napasama ata ang bagsak ng aking pwetan .

Naramdaman ko ang isang tela na dumampi sa mga hita ko . Coat ni Gio iyon . Nagtaas ako ng tingin, nakatitig na rin siya sa akin na may bahid ng galit sa kanyang mga mata, nagtatagis ang kanyang bagang habang nakatitig sa akin . Pero imbes na matakot, lalo lang iyon pinasiklab ang galit sa loob ko . Tila ningas iyon na sinabuyan ng gas kaya lalong nag alab ang apoy .

"Ayos ka lang ba, Emma?" Umupo si Leo sa tabi ko at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko . Inilahad din niya ang kamay niya para tulungan ako tumayo . Nang tatanggapin ko na iyon ay malakas na piniksi ni Gio ang kamay ni Leo . Napasinghap ako sa ginawa niya . Damn this guy ! Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na may parehas na galit sa kanilang mga mukha .

"'Wag mo siyang hawakan!" Gigil na sigaw ni Gio .

"Wag mo akong sigawan!" Ganti ni Leo.

"Will you please shut up?! Both of you !! Shut the fuck up!!" Tili ko . Hiningal ako matapos ang sigaw na iyon . Damn it feels good to scream! "Para kayong mga tanga ! Kung mag aaway kayo, wag dito sa loob ng restaurant ko at wag na wag sa harapan ko!"

Natahimik ang buong restaurant dahil sa sigaw ko, gulat marahil dahil hindi naman ako palasigaw . Ang lagi nilang nakikita ay ang Emma na laging nakangiti, kalmado at may poise. Pero hindi na sa pagkakataon na ito . Hindi ko na kaya . Para akong dam na punung puno na, na kaunting ulan na lang ay aapaw na . I have too much on my plate right now . Idagdag pa ang bangayan nilang dalawa na hindi na nakakatuwa . Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha dahil sa frustration ko . Kailan ba ako matatahimik? Kailan ako magkakaroon ng peace of mind ?

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon