SYNOPSIS

136 3 0
                                    

Buong buhay ni Emma ay ginugol niya sa pagsunod sa mga utos at gusto ng kanyang lolo . Ito kasi ang paraan niya ng pagtanaw ng utang na loob dahil ito na ang nagpalaki sa kanya buhat ng mamatay ang kanyang mga magulang . Kaya naman ng mapagdesisyunan ng kanyang lolo na ipakasal siya sa apo ng kaibigan nito ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod kahit pa labag sa kanyang kagustuhan . Lingid sa kanyang kaalaman na ang apo pa lang iyon na ipapakasal sa kanya ay ang lalaking matagal na niyang hinahangaan .

Si Gio Montenegro . Isa itong sikat na artista at kadikit ng kasikataan nito ay ang kaliwaang bilang ng mga babaeng may pagtingin sa binata . Malakas ang dating nito sa mga babae dahil na rin sa angking kagwapuhan at kakisigan . Wag na raw isama ang napakabait nitong pakikitungo sa mga tagahanga .

Pero lahat ng akala niyang alam niya patungkol sa lalaki ay biglang naiba . Taliwas ang ugali nito sa harap at sa likod ng camera . Kung ang artistang si Gio ay pala-ngiti, mabait, magalang at malapit sa kanyang mga fans, ang Gio naman na kasama niya sa bahay ay ubod ng sama ng ugali . Lagi itong nagsusungit at naninigaw .

Batid ni Emma na hindi magiging maayos ang kanilang pagsasama lalo pa't gusto nitong P.A ang pagpapakilala niya sa mga tao at hindi asawa . Ayaw daw nitong may makaalam na nagpakasal na ito dahil masisira lang ang career na matagal nitong inalagaan .

Gayunpaman, sa apat na taon na sila'y magkasama, sa pag-aasikaso at pag-aalaga niya sa asawa ay natagpuan na lang niya ang sariling may nararamdaman na para rito .

Handa siyang magtiis para sa pangakong binitiwan niya sa lolo niya . Pero kaya ba niyang paibigin ang asawa kahit pa na maraming balakid sa kanilang dalawa ? Kakayanin ba niyang ipaglaban ang nararamdaman niya kung hawak ng ibang babae ang puso nito?

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon