Apat

90 4 2
                                    

"Guys , this is Bethany Lopez . Bethany, my grandparents, Magdalena and Arturo Montenegro." Pakilala ni Gio . I guess he doesn't have any choice. Baka lalo lang gumawa ng eksena ang babaeng ito kapag hindi siya pinansin . At base sa hilatsa ng mukha ni Gio na umaapaw na sa itim na aura, ay may mabebengga mamaya .
Napabuntong hininga ako. Desididong magpakilala itong si Bethany dahil naglakas pa siya ng loob pumunta dito gayong sinabihan na siya kaninang umaga . Tibay din ng mukha nitong babaeng ito eh !

"Hello po ! It's nice meeting you po!" She said in a high pitched tone . Sanay na ako sa mga paabebeng boses ng mga babae ni Gio pero feeling ko nagvibrate ang tenga ko sa tinis ng boses ng isang ito . Trying hard ang kinalabasan ng pagiging magalang niya .

Nabalot ng katahimikan ang espayong inuukupa namin . Matamang nakatinging ang mag-asawang matanda sa amin, nagtataka marahil kung bakit may umeksena . Tumikhim si Mamita at masama ang tingin ang ipinukol sa apo niya.

"I know her, Gio . But why is she here? Nakalimutan mo na bang ayoko sa mga katrabaho mo sa showbiz?" Bakas sa boses ni Mamita ang disgusto para sa bagong dating . That is something that scares me about Magdalena Montenegro . Hindi siya takot ipakitang ayaw niya sa isang tao . She will tell you, with utmost sincerity, why she dislikes you and she's not even bothered about it.

Hindi ko man makita ang mukha ni Bethany dahil nanatili akong nakatalikod sa pwesto niya ay alam kong nagsisisi na siya sa pagpunta . That's what you get for disobeying your master's order, you female dog .

Tumikhim ulit si Lolo Art at bahagyang binunggo ang balikat ni Mamita . I saw her glared at Lolo Art as she mouthed what to her husband . A giggle escaped my mouth at agad ko naman iyong tinakpan gamit ang isa kong kamay . I didn't mean to giggle at this soon to be disaster pero I find Mamita's gesture cute . Lolo Art is still under Mamita's orders .

Nakita ko sa sulok ng mata ko na lumipat si Bethany ng pwesto at ngayon ay nakatayo na siya sa tabi ko . She looked sarcastic all of a sudden . Nairita marahil sa paghagikgik ko . I smiled sweetly at her . Humalukipkip siya kaya naman halos lumuwa na ang pekeng dibdib niya dahil sa suot nitong low neck na dress . Hindi ko tuloy naiwasang i-head to foot ang lola niyo . Nasobrahan na naman sa pagpapa-sexy . Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko .

"Day off pala ah ? Then why are you here?"Nagkibit ako ng balikat sa tanong niya kaya naman lalo siyang nainis . She huffed at my reaction . "You told me earlier that you do more beside preparing his clothes . Tell me, Miss P.A, do you also remove his clothes at night?"

Nang uuyam ang bawat salitang lumabas sa bibig niya . I was lost for words for a moment . This is that dreadful moment I want to escape! Dahil hindi alam ng mag asawa ang set up namin ni Gio . Agad kong tinapunan ng masamang tingin si Gio . Do something, you fucking idiot ! Gusto kong isigaw iyon pero mabuti at nakuha niya ang gusto kong iparating . Hihilahin niya sana si Bethany palabas pero hindi nagpatinag ang hitad . Piniksi niya ang kamay ni Gio at nanggigigil na hinarap ako . She even had the guts to pull me up from sitting .

Lihim akong napangiwi sa pagbaon ng kuko niya sa braso ko pero hindi ko iyon pinahalata .

"Competent pagdating sa trabaho ? Huh ? Baka sa kama competent ka din ? Don't believe in Gio's words, baby girl . He only uses girls like you for pleasure but after a few, you know .." sinadya niyang bitinin ang ibang salita niya saka niya ipinitik ang mga daliri sa harapan ko, "and just like that, he drops you like a hot potato." Okay .. I'm not even offended by that so cliche statement . Iyon na lang ba ang linyahan ng mga babaeng desperada?

Huminga ako ng malalim saka bored ko siyang tinignan saka ko piniksi ang braso kong hawak pa rin niya but to my dismay, she grabbed my arm again .

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon