Labing Isa

130 4 3
                                    

Labing Isa

"Gago ka namiss kita!" Singhal ko sa kanya .

Tumawa siya ng bahagya saka niya ipinulupot ang isang  braso niya sa bewang ko .

"Wow ! Ten years changed you . Marunong ka ng gumamit ng salitang gago." Natatawang sabi niya .

Marahas ko siyang itinulak saka ko siya sinikmuraan. Wooh ! That felt good! Napayuko ito dahil sa sakit pero nakakarinig pa rin ako ng hagikgik. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya ng makita kong may nakakaasar na ngiti sa bibig niya . Napasimangot ako lalo . Siya na lang kaya ang bugbugin ko ngayon?

"Hindi lang salitang gago ang natutunan ko, Bailey! Siraulo kang lalaki ka ! Sampung taon kitang hindi nakita. You never called me once! You never ..  tapos .. tapos .. " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil di ko na napigilan ang paghikbi .

I really missed him ! Tapos parang wala lang sa kanya? Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko . I felt him near me and soon, his arms enveloped my body once more . Ang baba niya ay nasa balikat ko .

"Sorry na, Baby Ella," masuyong bulong niya. "Galit ka ba?" Umiling ako .

Hindi ko kayang magalit sa kanya . He's my first friend kaya napakahalaga niya sa akin . Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak niya sa akin at ang paghila niya sa mga kamay ko palayo sa aking mukha. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya . He's smiling pero parang may mali . Parang hindi na iyon katulad ng ngiti niya noong mga bata pa kami . Somehow, he looked like Bailey but doesn't . Dahil sa naisip ko ay gusto kong batukan ang sarili ko . Of course he'll change ! It's been ten years !

"Hindi ko kayang makita kang umiiyak .." sabi niya saka niya pinunasan ang luha ko gamit ang hintuturo niya . And as usual, he pats my head for comfort . Something really doesn't change .

"Ba-"

"Wife!"

Naiwan sa ere ang itatanong ko ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses ng asawa ko . Sabay kaming tumingin ni Bailey sa papalapit na bulto ni Gio na ngayon ay mukhang galit . Salubong na naman ang mga kilay nito at nakakuyom ang kamao . Halos takbuhin na nga niya ang distansya sa pagitan namin . Nang makalapit siya ay bigla na lang niyang isinuot sa akin ang hood ng jacket na suot ko saka ako niyakap at inakay palayo .

"Gio ano ba?!" Sigaw ko sa kanya saka ako pumiglas pero ang hudas sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin .

"Gio! Gio!"

Bahagya akong napalingon sa mga sigaw na nagmumula sa likuran namin . Hinahabol kami ng mga reporter na kausap niya kanina ! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami nila. Lumakas ang tibok ng dibdib ko dahil sa kaba at takot na baka makuhaan kami ng litrato ni Gio na magkasama .

"Shit!" Tili ko. This will surely make it to the headlines tomorrow ! Narinig kong nagmura na rin si Gio at mas lalo pa niya akong niyakap para maitago . Mabilis ang kilos naming dalawa papunta sa kotse ni Gio . Halos itulak na nga niya ako papasok sa loob ng kotse . Umikot siya at marahas na binuksan ang kabilang pinto saka iyon pabalyang isinara .

"What was that?!" Gigil na tanong niya sa akin . Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko . Lumayo ako ng bahagya pero patuloy lang siya sa paglapit hanggang sa mauntog na ako sa salamin ay hindi niya ako nilubayan .

"What was what?" Balik na tanong ko . Ano na naman bang problema nito? Ako nga dapat ang magalit dahil mas pinili pa niya ang babaeng iyon kesa ang habulin ako . Speaking of that woman ..

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon