Dalawa

65 6 1
                                    

Dalawa

Pagtapos akong ipagmaneho ni Mang Pedring pabalik sa village ay agad akong dumiretso sa bahay ni Gio . Yes , bahay ni Gio . Bumili kasi siya ng sariling bahay na katabi lang ng supposedly bahay namin bilang mag-asawa . It was a gift from his grandfather but whenever that his Abuelo is not around, Gio refuses to sleep there .

As if namang gagapangin ko siya ? Kahit naman dumalaw ang lolo niya sa bahay ay sa magkaibang kwarto kami natutulog . The two rooms that we slept on have a connecting door .  It's more of a secret door actually . Pinagawa niya lingid sa kaalaman ng matatanda, kaya kapag alam na naming tulog na ang sila  ay tumatakas na siya pabalik sa kwarto niya . And when morning comes, tuloy ang palabas naming sa iisang kwarto lang kami . Ganoon na ang set up namin for two years dahil nagtataka ang mga grandparents ni Gio sa hiwalay na kwarto namin sa unang dalawang taon na magkasama kami. Ang sabi pa nila ay nasa tamang edad na kami para gumawa ng apo .  I know it's bad to lie pero, wala akong magawa .

Gio doesn't love me . That's it . He will  never say he does . At hindi na din naman ako umaasa dahil una pa lang ay alam kong tutol siya sa kasal . Ang mana lang naman niya ang kanyang iniisip sa mga panahong nagpapalitan kami ng pangako sa harapan ng altar . Masakit mang isipin pero ganoon din naman ako noong una . Ang pangako ko lang kay Lolo Stephen ang nagtatali sa akin sa kasal na ito noong unang mga buwan namin na magkasama .

I promised him that I won't leave Gio no matter what . That was his last wish and I want to keep it kahit pa ganito ang sitwasyon namin, kung saan pati pag aasikaso ng babae niya ay ako pa ang nakatoka .

And as usual, kahit pa mabigat sa kalooban ko, inayos ko na ang damit niyang gagamitin para sa date nila mamaya ni Bethany . This is not my first time to take care of the things regarding his side chics . Madami na akong date na inasikaso para sa kanya . From his suit, to the reservations at his chosen restaurant hanggang sa pagtatapon ng basura kapag ayaw na niya .

May habit kasi ang lalaking iyon na iiwan ang babae sa kanyang bahay tapos ay ako pa ang pag aasikasuhin niya . Hindi ko nga alam kung saan ko nakukuha ang tibay ng loob at sikmura kapag nakikita kong walang saplot ang isang babae sa kama at mahimbing na natutulog, knowing fully what they did the other night . I would always say to those girls the same things that he would tell them . That they were finished and that she's not expected to come back here .

'Yan ang palagi kong linya sa mga babaeng iniiwanan niyang wasak, hindi lang ang puri pero pati na rin ang puso . He really is the infamous Gio Montenegro . A heartless bastard . But  still, marami pa ring fans ang lalaking iyon despite of these vulgar issues about his women .

Naglabas ako ng suit sa cabinet niya at inilagay  iyon sa ibabaw ng kama niya kasama ng brief, relos, tie, socks at sapatos niya . Inilagay ko na rin sa ayos ang perfume na binili niya sa ibang bansa . Nang makontento ako sa magiging itsura niya ay tumulak na ako palabas ng bahay niya .

Nai-send ko na sa kanya ang schedule niya sa araw na ito . May isang photoshoot na lang siya pagkatapos ng talkshow kanina kaya naman libre na ako sa hapong ito . Agad kong kinuha ang cellphone at dinial ang numero sa restaurant ko .

I inherited it from Lolo Stephen . Si Lola Matilda na kanyang esposa ang namamahala noon dito . Ang restaurant na ito ang resulta ng pagbabanat nila ng buto . Katulad ng ibang negosyo, nagsimula lang ito sa maliit hanggang sa lumaki paunti unti . They never want to branch out dahil gusto nilang mamaintain ang authenticity ng mga recipe na kay Lola pa mismo galing . Kaya kahit ngayon na malago na ang restaurant ay ayoko ng magkaroon ng ibang branch . Nag expand na lang ako at pinarenovate ang kainan para maka-accomodate ng maraming tao .

"Hello, thank you for calling Matilda's Kitchen . How may I help you?" Sagot sa kabilang linya .

"Si Emma ito . Kamusta na r'yan?"

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon