Umpisa

29 3 0
                                    

UMPISA

"You may now kiss the bride!" Masiglang anunsiyo ng nagkasal Kay Gio at Emma . Pero taliwas sa galak na makikita sa mukha ng mga saksi ang nararamdaman ng dalawang ikinasal . Parehas lukot ang mukha nila dahil sa disgustong nararamdaman nila para sa isa't Isa .

Napasinghap si Emma ng dumampi ang malamig na pisngi ni Giovanni sa kanyang pisngi . Animo'y isa iyong halik sa ibang anggulo kaya naman masayang nagpalakpakan ang iilang tao sa chapel na iyon . Bilang lang sa daliri sa kamay ni Emma and dumalo sa kanyang kasal dahil na rin sa gusto ng kanyang mapapangasawa . Noon hindi niya maintindihan kung bakit gusto nito na sila-sila lang pamilya ang dadalo sa kasal nila. Gusto pa naman niyang makasama ang kanyang mga kaibigan sa araw na ito pero dahil sa pakiusap ng kanyang lolo, na itigil na ang kanyang pagpupumilit ay pumayag na rin siya .

Isang dahilan ng kanyang mapapangasawa ay ayaw nitong may makaalam na ikakasal na sila labis niyang ikinainis .

Hindi niya naman kasi lubos akalaing si Giovanni Montenegro, na isang sikat na artista ang kanyang mapapangasawa . Halos atakihin siya sa puso ng mapagsino ang apong lalaki ng kaibigan ng kanyang Lolo, may dalawang buwan na ang nakakaraan. Pero lahat ng pagkagusto niya dito ay agad lumipad sa bintana ng makasama niya ang lalaki sa hapag . Bastos . Walang modo . Walang galang at higit sa lahat ay napakasuplado nito . Hindi man lang nito tinanggap ang pakikipagkamay niya kaya naman lihim siyang napahiya.

Kinalimutan lahat ni Emma ang mga kabastusang ginawa ni Gio simula noong una silang nagkita hanggang sa matapos ang preparasyon sa kasal, masyado nitong pinapahalatang ayaw nito sa kasal dahil wala naman itong naitulong kahit katiting.

Pero kanina bago magsimula ang kasal ay nagsimula na naman ang pagka bwisit na siya lalaking iyon. Sinadya siya nito sa kanyang kwarto, kahit pa na ipinagbabawal ng mga matatanda, para lamang pag-initin ang ulo niya .

"Anong kailangan mo?" Taas kilay niyang tanong kay Giovanni na ngayon ay nakasandal na sa nakasarang pinto ng kanyang kwarto .

Emma feasted her eyes on her soon to be husband . Noon pa man ay mayroon na siyang paghanga para rito dahil sa pagiging artista nito pero lahat ng pagkagusto niya para sa binata ay nawalang parang bula. Ayaw niya sa ugali nito . Gwapo nga, gago naman.

Nakita niyang umupo ito sa kama . Nakamasid lang siya mula sa salamin na kanyang kaharap . "Kung si Lolo Arturo ay nauto mo ng ganun kabilis, pwes ibahin mo ako. Hinding hindi ka makakakuha sa akin ng kahit singkong duling." Sabi nito.

Kunut noo niyang binalingan ang binata, "Anong sinabi mo?!" Ano na naman bang ipinuputok ng butchi ng lalaking ito? Seryoso itong nakatingin sa kanya at tila galit pa ang paraan ng pagtitig nito .

Nang hindi sumagot si Giovanni ay kinuyom niya ang kanyang mga kamao para pigilan ang sariling awayin ito . Pinagsabihan siya ng Lolo Stephen niya na magpakabait at pakitaan ng maayos ang lalaking ito . Sa halip na singhalan ito ay kinalma niya ang sarili saka ngumiti. "Kung ano man iyang tumatakbo sa utak mo, ang mga lolo natin ang kausapin mo. Katulad mo lang rin akong sumusunod sa utos kaya naman wag ako ang pagbuntungan mo." Sabi ni Emma saka siya nagpatuloy sa naudlot na pagsusuklay niya ng buhok.

Mula sa salamin ay nakita niyang tumayo si Giovanni at marahang naglakad papunta sa pinto . Pero bago pa man ito makalabas ay nagsalita ito, "So may makukuha ka ring mana pagtapos nating magpakasal?"

"Anong mana ba iyang sinasabi mo?" Nababaliw na ba ang lalaki na ito? Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito.

"Wag mo na lang sagutin." Sabi nito saka isinara ng pabalya ang pinto niya.

Hindi mawala sa isip ni Emma ang mga binitawang salita ni Gio kaya naman kinausap niya ang Abuelo ni Gio na si Lolo Art at dun nga niya napag alaman na kaya pumayag si Gio ay dahil lang sa mana na makukuha nito kapag natuloy ang kasal nila .

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon