Pito

71 7 3
                                    

Nagising ako dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa aking mata . Bakit ba kasi nakalimutan kong isara iyon kagabe? Napaungol ako dahil sa iritasyon na nararamdaman . Gusto ko pang matulog at tinatamad pa akong bumangon pero mukhang wala akong choice dahil baka matusta ang mukha ko sa init ng araw . Nang maisara ang bintana ay naagaw ng wall clock ang atensyon ko . Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita kong pasado alas diyes na .

"Shit nakalimutan kong gisingin si Gio!" Tili ko . Tatakbo na sana ako sa banyo para maligo pero napahinto ako paghakbang ng maalalang nag resign na nga pala ako . Tinapik ko ng palad ko ang noo ko . Mukha kang tanga, Emma .

Naiiling na pumasok ako sa banyo at naligo . Kailangan kong pumunta sa restaurant at ng may magawa naman ako maliban sa pag mumukmok . Matapos kong maligo ay inilabas ko ang isang palda sa bag . Sinipat ko iyon bago isuot dalhin baka sobra na namang ikli . Mabuti na lang at may pagka pencil skirt ang style nito at yakap na yakap nito ang mga binti ko at tuhod . Sinubukan ko pang mag jumping jack para makita ko kung gaano kakomportable sa hita ko . Baka magmukha akong bibi dahil sa sikip nito . Pinareha ko ang isang kulay itim na off shoulder blouse . Oh di ba? Parang aattend lang ako ng lamay . Kinuha ko na rin ang black stilleto ko .

Naghahanap ako ng pang ipit ng buhok ng maalalang nagpaikli nga pala ako . Tinapik tapik ko ang pisngi para mahimasmasan .

"Ano ba Emma ! Gumising ka na nga ! May giyera pa tayong susuungin kaya gising na!" Sabi ko sa sarili ko . Matapos kong mag monologue sa harapan ng salamin ay nag ayos na ako ng make up . Kinapalan ko ang make up ko para matakpan ang mga mugto kong mata at ang pagiging maputla ko .

Paglabas ko ng kwarto ay muntikan pa akong mapasigaw at mapamura ng makita si Gio sa salas, prenteng nakaupo at may hawak pang tasa ng kape . Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin na para bang nagtataka kung bakit ganoon ang reaksiyon ko .

Tumikhim ako, "Anong ginagawa mo dito?"

Ibinaba niya ang tasang hawak saka parang hari na sumandal . "Where my wife goes, I'll go too." Then he smirked .

Muntikan na akong ma-out balance dahil sa sinabi niya . Buti na lang nakahawak agad ako sa kalapit na lamesa . Tumikhim muli ako at umayos ng tindig . Ano na naman bang topak nitong lalaking 'to?

"Really? Your wife?" Hindi ko maitago ang pagiging sarcastic ng tanong na iyon. Nakalimutan na ba niya ang nangyari kagabe? I rolled my eyes at him . "Ano na namang drama 'to Gio? Can't you remember what happened yesterday? How you accused me of flirting with my employee?"

"I remembered." Sagot niya saka tingin sa bintana .

"Then what the hell are you doing here? May dala ka na bang annulment papers? Akin para mapirmahan ko na agad . Nakakahiya naman sa'yo, hinintay mo pa akong magising."

Nagdilim ang mukha niya, siguro hindi nagustuhan ang mga sinabi ko . Pinatili ko ang matapang kong mukha.  You can't back down, Emma.  Di ka pwedeng maging marupok na lng lagi sa gwapo mong asawa !

"Just like I told you last night, Emma.  Walang mangyayaring annulment. So where are we going?" Sabi niya saka siya tumayo . Doon ko lang napansin ang maletang nasa tabi niya . Nginuso ko iyon .

"What are those?"

"My clothes." Kibit balikat niyang sagot . Nalaglag ang panga ko . Bakit may dalang damit ang kupal na ito sa bahay ko? Wait Emma ! Don't jump to conclusions . Baka naman may pupuntahan yang iba kaya may dalang maleta . Inalala ko ang schedule niya at parang wala namang out of town na naka schedule ngayon .

"Saan ka pupunta?" Di ko natiis na itanong . Tinaasan lang niya ako ng kilay na para bang sinasabi niyang hindi pa ba obvious ?

"No!" Agap ko sa kanya . This is my sanctuary ! My haven ! Bawal ang gago dito !

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon