Ikaw,Ako,Walang Tayo

4 0 0
                                    

Nagsimula sa asaran
Hanggang sa tayo'y naging magkaibigan
Pagkatapos ay nagkausap
At ngayon parang tayo pero wala naman talagang ganap.

Ako lang ang umaasa
Umaasang merong tayo
Pero yun pala hanggang ikaw lang at ako.

Akala ko meron nang tayo
Pero yun pala lahat ng ito'y isang malaking biro.
Biro na siyang kinahantungan kung bakit nahulog ako ng todo
Masakit at ang hirap
Kasi akala ko meron talagang ganap
Ganap na merong ikaw at ako
Na merong tayo.

Masaya akong nakausap ka
Masaya akong nakikita kang masaya
Masaya akong kahit papaano napangiti mo ko at ganon di ako sayo.
Sasaya na lang ako sa kung anong meron tayo.

Ngayon tanggap ko na
Tanggap ko nang wala talaga.
Walang tayo pero merong ikaw at ako.

Pag-ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon