Mundo ng Panaginip

4 0 0
                                    

Mahal mo ko, mahal kita at mahal natin ang isa't isa
Bagay tayo sa mundong ating ginawa
Mundong kung saan tayo'y masaya
Masaya sa piling ng isa't isa

Pero sadyang kaylupit ng tadhana
Ang mundo natin ay nasira
Ang mundong ginawa natin ay biglang nawala
At ngayon ako na lang mag-isa.
mag-isa sa mundong wala nang pag-asang bumalik muli sa dati ang ating pagsasama.

Totoo nga talagang sa bawat saya ay may katumbas na lungkot na madarama
Sa lahat ng ginhawa ay may sakit na matatamasa

Kaya ngayon ang mundo natin ay  naglaho na lang na parang bula
Nawala na ang lahat at ngayon napalitan ng sakit ang lahat ng saya,
Ang bawat ngiti ng mga luha
Ang magagandang alaala na ngayon biglang napalitan ng 'tapos na'

Tapos na ang lahat.
Lahat ay napalitan.
Napalitan ang mundong merong tayo ng 'panaginip na lang ang lahat ng ito.'

Pag-ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon