I LOVE YOU

7 0 0
                                    

I.LOVE.YOU

tatlong salita na laging hinahanapan ko ng sagot.
Tatlong salita na minsan madaling sabihin ngunit mahirap gawin.
Tatlong salita na pilit akong pinapaasa
Sa kung anong meron tayong dalawa.

Tatlong salitang mahirap paniwalaan
Lalo na sa taong nagsasabi sa'yo pero di parin makaalis sa kaniyang nakaraan.

Mahirap paniwalaan na ang tatlong salita na ito ay isang biro lamang.
Biro lamang sa mga taong nagmamahal pero hindi kayang suklian.

Pero kung sasabihin sayo ng iyong taong mahal siguro maglulumpasay kana sa sobrang sayang mararamdaman.

Ngunit iba ito para sakin.
Dahil ako lang ang umaasa sa relasyong meron samin.
Kaya ang hirap ding sabihin
Ang tatlong salitan ng alam kong di niya rin tatanggapin.

Mas pipiliin ko pang ilihim
Ang nararamdaman ko sayo ng palihim.
Kesa ako'y umamin kahit na alam ko na ang sagot na iyong sasabihin.

Ang tanging hiling ko lang
Ay sana'y makawala kana sa nakaraan
Para kung sakaling aking sabihin meron kanang maiiwang salita para sakin.

Dahil ang tatlong salita na ito ay malaki ang ibig sabihin
At hindi ko kayang isugal ang aking damdamin kung hindi mo parin kayang suklian ang aking lihim na pagtingin

dahil alam ko sa huli ako lang ang masasaktan kaya hahayaan na muna kitang pag-isipan kung ano ang isasagot mo sakin.

Pag-ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon