Una palang alam ko na
Alam ko nang di dapat ako umasa
Dahil sa huli ako lang ang magiging kawawaAlam ko naman
Alam kong mahal mo pa siya
Pero may mahal siyang iba
Kaya nga hindi mo ko makita
Kasi umaasa ka pa rin sa kaniyaAng sakit lang isipin
Na ang mga salita mong parang musika ay isang malaking kalokohan lang pala
Na ang lahat pala ng iyong ginagawa ay isang malaking biro lang palaAlam ko naman
Tanggap kong pampalipas oras lang ako diyan sa puso mo
Tanggap kong siya pa rin ang mahal mo kahit na andito akoAndito ako
Andito ako ngunit hindi mo lang talaga makita ang halaga ko
Andito ako pinapasaya ka kahit alam kong hindi ako ang dahilan sa pagtawa mo
Andito ako kahit alam kong masakit na sa puso ay tatanggapin ko
Tatanggapin kong hanggang dito lang talaga ang meron TAYO
Ay oo nga pala dapat Ikaw at Ako.Alam ko naman na wala na kong pag-asa
Alam ko namang wala talaga akong ispasyo kaya hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko kasi tanggap ko na
Alam ko namang kahit anong gawin ko siya at siya pa rin ang nasa puso't isip mo.Alam ko namang una palang na walang tayo
Una palang sinabi ko nang pipigilan ko pero sa huli nahulog pa rin ako
Kaya ngayon heto ako tinatanggap na lang ang kahit anong sakit na nakukuha ng dahil sa pag-ibig ko sayo.Alam ko namang hindi mo siya makakalimutan kahit na ako ang nandiyan sa tabi mo
Alam ko naman na wala talagang pag-asang maging tayo.Kasi umpisa pa lang naramdaman at nalaman ko na
At sabihan man akong tanga ng iba
Mamahalin pa rin kita kahit anong sakit pa ang aking madarama
Dahil ganito ako magmahal kakayanin lahat kahit sa huli ako lang masasaktan.At sana mapansin mo rin ako
Sana makita mo na ako
Sana makita mo na ang halaga ko
Sana malaman mo na ang puso ko'y naghihintay pa rin sayo.:<
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga naman
PoetryMga tulang aking sinulat di ko alam kung inyong magugustuhan.