Pag-ibig ko sayo'y hindi biro
Lahat ng ito'y totoo at galing sa aking puso
Kaya kahit anong pilit mong ako'y lumayo hinding hindi ako aalis sa tabi moKahit anong sabihin mo
Tatanggapin ko
Kahit anong sakit ang ibigay mo
Titiisin ko
Kahit ano basta makita mong andito ako hindi ako susuko para lang makita mo.Mahal kita kaya gagawin ko lahat para ako naman ang nasa tabi mo
Gagawin ko ang lahat kahit anong hirap pa ang masalubong ko basta sa huli sayo ang punta ko
Gagawin ko lahat para marinig ko ring sabihin mong 'ikaw ang mahal ko'Kaya sana nama'y tanggapin mo
Kung ano ang sigaw ng puso ko
Sana'y makita mo
Ang lahat ng kilos ko'y para sayoLahat gagawin ko
Makuha ko lang ang iyong matamis na OO
lahat gagawin ko para lang maging tayo
Kahit anong pagsubok man dumarating hindi ako titigil sa pagsuyo sayoHanggang sa maging tayo sa dulo
At hindi ko na muling marinig ang lagi mong sinasabing 'IKAW AT AKO'.
At ngayon meron na ngang TAYO
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga naman
PoésieMga tulang aking sinulat di ko alam kung inyong magugustuhan.