Hintay

2 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa kwentuhan, asaran at kulitan
At sa biglang pagkakamali sa mensaheng di dapat sayo ang pupuntahan
Kaya ayun nagsimula ang lahat ng kunyareng away at pag-asa kong baka tayo'y magkatuluyan
At hindi ko nga namalayan ako pala'y nahulog na nang tuluyan

Sabi ko nung una aking pipigilan
Kasi alam kong sa huli ako lang ang masasaktan
Kahit anong pilit kong iwasan di ko parin mapigilan na ang puso ko'y tumibok na nga sayo ng tuluyan.

Ngayon ako'y nahihirapan
At alam kong di na ito mapipigilan
Dahil umpisa pa lang ako ang umasa na meron tayong patutunguhan.
Tungo sa kung saan masasabi kong merong tayo.
Yung hindi lang puro ikaw at ako.

Ngunit alam kong hindi yun ang nais mo
Dahil baka pampalipas oras mo lang ako
Na ang nais mo lang ay paglaruan ang puso ko
At baka sa huli masaktan mo lang ang damdamin kong ni minsan ay natatakot na umamin sayo.

Kahit na minsan naisip kong totoo ang sinasabi mo
Hindi ko parin maiwasang tanggihan ito
Dahil may parte sa aking ayaw ng masaktan, at iyon ay ang puso ko.

Mahal naman talaga kita
Kaso hindi ko kayang ipadama dahil natatakot akong baka sa huli iwan mo lang ako sa wala.

Babaunin ko na lang ang matatamis mong salita at mga galawan mong sayo ko lang unang nadama
Salamat sa lahat ng mensaheng iyong pinadala dahil kahit papaano ako'y iyong napasaya.
Salamat rin sa pakikinig sa mga problema kong sayo ko lang naibahagi
Salamat rin dahil nung ako'y malungkot andiyan ka sa 'king tabi.

Salamat sa lahat lahat mahal ngunit sadyang hindi ko pa talaga kaya dahil natatakot akong sirain ang tiwala nila at lahat ng kanilang ipinagbawal.

Aayusin ko muna ang aking sarili dahil alam kong alam mong marami akong hindi masabi at sayo ko lang naipabahagi.

Kaya pasensya na mahal at sana'y ako'y iyong mahintay.

Pag-ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon