Nakatingin ako sa malayo
Kung saan tanaw ko kung saan ka nakatayo
Nakita kong ika'y masaya
Masaya sa piling niya.At heto ako
Inaasam na sana ako ang nasa tabi mo
Umaasang sana ako naman ang makita mo
Umaasa na kahit alam kong wala na talagang tiyansang maging tayoMalayo ka
Yun bang nasa langit ka at nasa lupa ako
Malayo ka kasi parang ikaw ang hari at isa lang akong tagasilbi mo
Malayo ka kasi alam kong kahit kailan hindi kita maaabot dahil nasa taas ka at nasa baba ako.
Malayo ka kasi kahit kailan alam kong hindi magiging tayo.Napakahirap mong abutin
Para kang bituin na nasa langit at isa ako sa mga umaasang kaya kitang abutin.
Abutin ang isang katulad mo kahit alam kong mahirap at masakit na sa damdamin.
Damdamin kong alam kong kahit kailan ay hindi mo masusulyapan kahit isang tingin.Napakalayo mo mahal
Napakalayo mo kaya heto ako pilit na inaabot ka dahil ikaw ang gusto ko kahit alam kong bawal
Kaya masaya na akong ika'y tanawin na lang
Tanawin ka mula dito sa kinatatayuan ko hanggang sa kung saan nakikita kong masaya ka sa piling ng iyong mahal.Sa sobrang layo mo hindi na kita maabot
Kahit anong gawin ko sadyang hindi ko malimot
Na ang isang tulad mo ay sobrang layo at hinding hindi maaabot ng isang tulad kong binaon ng lahat sa limot.At ngayon nakatingin muli ako sa malayo kung saan tanaw ko kung saan ka nakatayo.
beyb
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga naman
PoetryMga tulang aking sinulat di ko alam kung inyong magugustuhan.