Nakaraang hindi na pwede

6 0 0
                                    

Lagi kong binabalikan ang ating nakaraan
Kung saan dati tayo'y masaya pa sa ating pagmamahalan
Akin ding binalikan mga pag-uusap nating kay sarap pakinggan
Na para bang musika na kumakanta sa aking isipan

Pero biglang nagbago ang lahat
Ang dating kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan
Ang mga magagandang alaala natin ay parang panaginip lang
At ang dating tuwa ay napalitan ng sakit na ngayo'y aking nadarama

Parang bigalang naglaho ang lahat ng meron sating dalawa
Ang dating tayo ay bakit naging ikaw at ako na
Ang dating tayo bakit ngayon wala na.

Ang dati'y akala ko ikaw na talaga
Ikaw nga talaga
Ikaw nga talaga ang sisira at wawasak sa puso kong hinang hina
Ikaw nga talaga ang taong babalot ng lungkot sa buhay kong dati'y anong sigla
Ikaw nga talaga ang sisira sa kung anong meron tayong dalawa
Ang dating tayo ngayo'y tapos na

Tapos na at hindi na pwedeng maibalik pa
Ang lahat lahat dahil sa hindi ko na talaga kaya
Hindi ko na kayang maniwala muli sa mga salita mong alam kong sakit ang dala sa huli

Kaya binibigyan ko ang sarili kong bumangon muli
Mula sa pagkakadapa hanggang sa pagbangon muli
At bagong ako na ang makikita niyo sa huli.

Pag-ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon