Pag-ibig natin ay sadyang di biro
Dahil lahat pala ng ito ay isang laro.
Larong hindi ko inaakala na ako ang matatalo,
Matatalo at sa huli mawawasak itong aking puso.Larong sinimulan mo at ako ang naging mahalagang piyesa mo
Piyesa sa larong ako lang ang umaasang magiging tayo.
Hindi ko inaasahang ang lahat ng ito ay isang malaking biro
Na kung saan ako ang sumalo kaya eto nasaktan ako ng todo.Paano na ko babangon?
Kung kelan nasa gitna na ako ng mga alon.
Ang hirap ng umahon
At baka malunod na kong tuluyan at wala nang makakasalba sa puso kong luhaan na wala namang makakahilom.Siguro masaya ka na.
Masaya kanang nasaktan ang puso kong ang nais lang naman ay lumigaya sa piling mo.
Kuntento na siguro ako sa panandaliang sayang ibinigay mo
Pero ang unfair kasi bakit sobrang sakit nang sinukli mo.Ang nais ko lang naman mahalin ka at mahalin mo
Pero ang nangyare ako ang nagmahal ng todo kaya ikaw ayun pinaglaruan mo ang puso ko.Salamat na lang sa saya,at alaala
Dahil kahit papaano naramdaman kong nagkaroon ako ng konting pag-asa
Pero ang tanong sumaya ka ba sa relasyon nating dalawa?
Siguro oo dahil ikaw ang nagsimula ng larong ngayon ay tuluyan nang naglalaho dahil tapos na ang lahat at ngayon tuluyan mo nang nasaktan ang iyong pinakamahalagang piyesa sa laro.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga naman
PoesíaMga tulang aking sinulat di ko alam kung inyong magugustuhan.